Pagkagaling sa eskwela ay dumiretso na si Louise sa bahay ng kaibigan niyang si Jenna. Syempre, dahil sa may saltik ang kaibigan niyang yun, madalas ay hindi niya ito makausap ng maayos pagdating sa mga ganoong bagay.
Una niyang napagkwentuhan ang isa ate ni Jenna na si Makki na isa pang may saltik. Keri naman magkwento kay Makki, yun nga lang minsan parang abnormal din ito kausap.
Hindi niya malaman kung saan magsisismula sa pagkwekwento. Hindi niya rin alam kung kakayanin niya bang ikwento ang mga nangyari ng hindi umiiyak. Magang-maga pa rin ang mga mata niya dahil sa ilang araw na pag-iyak at pagpupuyat.
Matapos ang ilang sandaling pagcompose sa sarili ay nagawa na ring simulan ni Louise ang pagkwekwento. Nagawa niyang pigilan ang mga luhang nangingilid na sa kanyang mga mata. Sa hindi malamang dahilan ay naiyak naman si Makki. Nakakarelate?
“Ganun naman talaga yun di ba? Darating at darating yun point na kakailanganin niyong maghiwalay. Siguro, hindi pa lang talaga time.”
“Makki, mas madali sana tanggapin kung may problema kami eh! Pero wala eh! Wala! Okay kami eh! Okay na okay! Tapos ganito? Bigla niya na lang akong iniwan?”
“Louise, hindi naman porke iniwan ka niya ibig sabihin hindi ka na niya mahal eh. May mga taong mas gugustuhing hiwalayan yung taong mahal nila kaysa masaktan nila yun.”
“Tingin mo ba mahal pa niya ako?”
“Louise, minsan lang umiyak ang isang lalake. Iiyak lang sila kapag isang importanteng tao ang nawala sa kanila.”
“Ganun?”
“Oo.”
“Makki. . .!” sabi ni Louise sabay iyak.
“Ayoko na sanang umiyak pero ang sakit eh! Ang sakit sakit pa rin!”
“Hindi masamang umiyak, lalo na kung nasasaktan ka na ng sobra.” sabi naman nito sabay yakap sa kaibigan.
“Kahit gaano pa kaganda ang panaginip natin, kaylangan pa rin natin gumising at harapin ang katotohanan.”
“Makki, sabi niya walang iwanan!”
“Louise, hindi naman porke mahal ka ng isang tao, ibig sabihin hindi ka na niya iiwan. Minsan may mga bagay na magtutulak para iwan tayo ng mga taong mahal natin. May bagay na sa ngayon ay hindi pa natin maiintindihan dahil nasasaktan pa tayo.”
“Alam ko naman yun eh, pero Makki, nagsimba ako, sabi ko kay Lord kung pwede wag muna ngayon. Wag muna ngayon. Hindi pa ko handa eh. Hindi pa!
“Lahat ng bagay nangyayari dahil may rason. Tandaan mo yan.”
“Peron ano? Anong rason?”
“Sa ngayon, hindi pa natin masasagot yan. Pero magtiwala ka, magiging ayos din ang lahat.”
“Hindi ko alam kung kakayanin ko pang mabuhay ng wala siya.”
“Nasanay ka kasi na lagi siyang nandyan sa tabi mo eh.”
“Yun nga eh! Sinanay niya ko tapos iiwan niya rin pala ako!”
“Nagawa mo nga mabuhay ng 18 years ng wala siya sa tabi mo eh, kakayanin mo rin yan.”
“Sana nga Makki. . . sana nga.”
BINABASA MO ANG
Almost Perfect
Romance"Love is blind" yan ang sabi ng iba. Well, yung totoo, tingin ko yan yung sinasabi nila kapag hindi "bagay" para sa isa't-isa ang dalawang taong nagmamahalan. O. . . wag na magsinungaling! Alam ko yan ang madalas niyong sabihin kapag may nakikita ka...