CHAPTER 1

31 3 0
                                    

Naihilamos ni Xian ang kamay niya sa kanyang mukha.

“S***! Naalala ko na naman siya,”bulong niya sa hangin.

“At kailan mo naman siya nakalimutan,”kontra ng isip niya.

Nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun ang taong laging sumisira sa araw niya.

“What the hell are you doing here?”masungit na tanong niya.

“Hey, watch your words. I am just checking if you are really here. Nagpunta kai ako sa bahay niyo pero sabi ng mommy mo wala ka. Akala ko hindi totoo,”sabi ni Jessa.

“Excuse me, hindi sinungaling ang mommy ko,”inis na saad niya.

“I know, pero minsan kasi naglilihim siya sa akin,eh. I think she kinda’ dislikes me,”sabi nito.

“Ngayon mo lang alam,”bulong niya.

“Come again?”sabi nito.

“What?”painosenteng tanong niya.

“I think you were mumbling something,”sabi nito.

“Wala. I have to go may lakad kamin ng mommy ko,”sabi niya sabay tayo. “You should go home now. I don’t have time to see you or talk to you.”

“Arrogant, bastard,”inis na sabi nito at nauna na itong lumabas ng pinto.

Nagkita nga sila Xian at mommy niya. Sinamahan niya ito sa mga kailangan nitong puntahan at ayusin para sa preparation ng party para sa 50th birthday celebration nito.

“Ah, iho, I want you to bring your girlfriend sa birthday ko so we can meet her,”sabi  nito ng kumakain na sila sa isang restaurant.

Muntik na siyang mabulunan sa narinig.

“Ano po?”gulat na tanong niya.

“Di ba sabi mo may girlfriend kana kaya lagi kong pinagsasabihan si Jessa na tigilan kana. So, I want to meet her on my birthday,”nakangiting saad nito.

“Ha…eh…paano po kung busy siya?”palusot niya.

“Kaya nga sinabi ko na sa’yo ng mas maaga para maayos niya schedule niya. Ayaw naman siguro niyong ma-bad shot siya sa akin.  I tell you, kung hindi mo siya isasama ay di ako a-attend ng sarili kong birthday party,”sabi nito.

“Ah…sige mommy,”halos pabulong na sabi niya.

Pagkatapos kumain ay bumalik na siya sa opisina. Nang makarating  siya sa opisina ay agad niyang tinawagan si Keiro upang papuntahin doon. Agad naman itong dumating.

“Bakit,bro?” anong problema?”tanong nito agad.

“Bro, si mommy, sabi niya kailangan ko daw dalhin ‘yong girlfriend ko sa birthday niya,”sabi niya.

“Patay ka. Hmmmm…wait lang, bakit hindi na lang tayo maghanap ng pwedeng magpanggap,”sabi nito.

“Ok lang sana bro, kaso ‘yong description ko sa imaginary girlfriend ko ay SIYA at alam mong mahirap humanap ng kagaya niya,”malungkot na sabi nito.

“Bro naman, bakit pati imaginary girlfriend mo ay si Hasna parin. Mahihirapan tayong maghanap ng ganon,”sabi nito.

“Bro, I need your help,”sabi niya.

“Ok, sige. I’ll contact Francis. Wala pa kasi ang siyam dito sa bansa eh. They are still busy on their businesses,”sabi nito.

“Ok, bro. Salamat,”sabi niya.

“Sige, I have to go now. Bye,”sabi nito sabay alis.

Dahil doon ay pinuntahan ni Keiro ang mag-asawang Francis at Princess kinabukasan para samahan siya at pakiusapan si Hasna. Ikinuwento niya sa mga ito ang napag-usapan nila ni Xian.

12 SUMMER FLINGS Series 2:  JUST ONE KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon