Revelations Of A NaFriend Zoned

26 1 0
                                    

5th Oneshot story entitled: Revelations Of A NaFriend Zoned

☆☆☆

Kahit na ngumi ngiti ako pag nilalandi ka ni Teres kahit na may boyfriend na siya,

Kahit na tumatahimik lang ako pag hinahawakan ng Chichay mo ang kamay mo,

Kahit na niloloko pa kitang baka ma fall ka rin kay flappy bird,

Kahit na kinikilig ako nung Valentines nung binigyan mo ng flowers si Nicole

Kahit na pinagtatawanan kita dahil sarap buhay mo, dami mo kasing chics

Kahit na kinukulit kita sa kung ano re regalo mo sa birthday ng long time crush mo na nasa ibang school na nagaaral, nagalit ka sakin non, nahihiya ka pa kasi ..

Kahit na ngumi ngiti ako .. Masakit parin! Alam mo yon! Yung sawang sawa na kong ngumiti sa tuwing nakikita kita, kung di lang sa takot ko na baka layuan mo ko pagnalaman mong gustong gusto kita, matagal na sana ko naglupasay, nagiiyak at nagsisigaw na Mahal na Mahal kita!

Kasalanan mo to! Kasalanan mo kung bakit ako nagkagusto sayo!

Kung di mo ko sinasandalan pag inaantok ka,

Kung di mo ko hinahatak para isama sa canteen para manginain pag nagugutom ka,

Kung di ka sana nakikipag agawan sa balikat ko sa kaklase natin,

Kung di mo sana ko pinagti tripan na magagalit ka pagdi kita nasamahan sa concert ng favorite mong band nung high school,

Kung di mo lang talaga ako pinansin simula nung una, sana .. Sana di ko nararamdaman to ngayon

Jealousy,

Pain,

Suffering..

Di ko na alam! Di ko na alam ang gagawin ko sa nararamdaman ko na to

Gantong ganto naramdaman ko nung di na kami nagpansinan ng ex bestfriend ko..

Ah! Naalala ko lang! May nabanggit ako non na pagmay nawala may darating, Naaalala ko pa na sabi ko non "Diba pag nawala ang isang tao sa puso mo o isipan may darating na bago, So bakit yung sakin walang dumarating? Bakit yung sa ex bestfriend ko ang dami na!"

Siguro sa pagsasabi ko non kaya ka dumating at nagkagusto ako sayo, kung ganon kasalanan ko pala .. Kasalanan ko rin naman pala

Masakit pag pinagtatawanan mo ko,

Masakit pag sinasabi mong ang ganda ni Nicole, muka siyang doll

Ano nga namang magagawa ko? Talbog naman ako sa kanila

Mataba, Matangkad, Nerd, at Bobo

Ano nga naman ako kay Flappy bird na ang galing kumanta at sumayaw, at pang beauty queen ang kutis

Ano nga naman ako kay Nicole na konting ayos lang mukha nang barbie

Ano nga naman ako kay Teres na top 1 sa klase natin,

Ano nga naman ako kay Alison na may tawagan pa kayo, ano nga ulit tawagan ninyo? Chinito at Chichay? Haha

at, Ano nga naman ako sa long time crush mo na sayo na nga nanggaling na napaka ganda niya,

Ang mga compliment mo lang naman sakin ay nung tinanggal ko salamin ko, Nawawala kamo yung mata ko..

Pag sumasandal ka rin sakin, sinasabi mo na ang lambot ng balikat ko, ang sarap kamo sandalan

Pag kumakain tayo, sinasabi mong ang takaw ko at duma dalawa na baba ko

Kaya sinikreto ko sayong na di ako bumili ng ticket, ayoko nang magpatuloy to, sobrang sakit na ng 4 years na pagtitiis! Ok na yon.. Suwerte ko nga na late ko na narealize na gusto na pala kita..

Kung pede lang, kung pede lang na kahit isa! Kahit isang wish ko ma grant, Iwi wish ko nalang na may ibang dumating..

Na hindi ko bestfriend,

Na hindi ko barkada,

Na hindi ko friend

Sana may dumating na magmamahal sakin at di ako mafre Friend Zone, yung mamahalin ako biling babae at di bilang tropa..

Sana nga..

End

Ok tapos na po, maikli lang po ang isang ito :D

Sana nagustuhan ninyo

Wait lang po sa sunod, nagiisip pa

IkemenUsagi

Oneshots♪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon