Best Friend
Ano sa tingin nyo ang ibig sabihin ng salitang Best Friend?
Isa lang ba itong salita na madalas niyong ginagamit tuwing may kailangan kayo sa isang tao?
Kaya niyo ito tinatawag na Best Friend?
O
Isang salita na ginagamit bilang tanda na ang isang tao ay mahalaga at naituturing mo nang pamilya o iyong labis na pinahahalagahan?
Kasi para sa akin nung una, nang hindi ko pa sya nakikilala ay isa labg itong walang kwentang salita at ginagamit ko lang kung ako ay may kailangan sa isang tao.
Dahil ako ang tao na hindi madaling magtiwala o sabihin na nating hindi ako marunong magtiwala.
Na ang lahat ng mga bagay para sa akin ay walang kwenta o pakinabang sa akin.
Ako yung walang pakialam na tao na nag eexist sa mundo.
Nangingialam lang ako kung alam kong may pakinabang ang isang bagay o tao para sakin.
Wala akong pakialam sa mga nangyayari sa aking paligid.
At higit sa lahat hindi ako katulad ng ibang tao na mahilig makipagkaibigan, lalo na sa mga tao na alam kong walang kwenta.
Yung mga taong madaling magtiwala kaya sa huli laging naloloko at nasasaktan ng iba.
Mga taong palakaibigan dahil sila ang laging nagagamit at inaabuso.
Lahat ng iyan ang lagi kong ginagawa o iniisip simula ng magkaisip ako.
Pero nagbago ang lahat ng yan simula ng makilala ko siya nung nagtransfer ako sa bagong eskwelahan kung saan ko siya nakilala.
Nung una naiinis at naaalidbaran ako sa kanya dahil sa sobrang kaingayan at masayahin niya kahit alam niya na ang mga kaibigan na itinuturing niya ay hindi naman ganon ang tingin sa kanya.
Lalo ng alam nya na ginagamit lang siya ng mga so called "BEST FRIEND" nya.
Pero kahit ganon iniisip nya na sa pagtagal ng panahon na magkakasama sila ay magbabago rin ang pakikitungo nila sa kanya.
Kahit naiinis ako sa kanya sinasabihan ko pa rin sya na kahit anong mangyari at kahit pagbalik - baliktarin pa nya ang mundo ay hinding hindi na magbabago ang tingin sa kanya ng mga so called "BEST FRIEND" niya.
Pero kahit ganon ang lagi kong sinasabi sa kanya ay lagi na lang niyang sinasabi na kahit ganon sila kaibigan pa rin ang turing niya sa kanila at hindi na daw magbabago iyon.
Dahil kung wala daw sila ay magiging mag isa na lang daw siya at iyon daw ang ayaw nyang mangyari.
Dahil ayaw na ayaw daw niyang mag isa dahil malungkot daw ang mag isa.
Simula ng sinabi niya yun natanong ko ang sa sarili ko.
Malungkot nga bang mag isa?
Sa tagal ng panahon na mag isa ako, naramdaman ko ba kahit minsan ang maging malungkot?
Isa lang ang naisagot ko sa tanong ko sa sarili ko, yun ay ayoko na ulit mag isa at mamuhay ng malungkot at walang kwentang buhay.
Kaya nakapag pasya na ako gusto ko syang kaibiganin at susubukan kong makisama sa kanya.
Mababago ba ng pagkakaibigan namin ang buhay ko?
BINABASA MO ANG
Since I Met My Best Friend
Teen FictionNagkaroon na ba kayo ng kaibagan o Best Friend? Na lagi niyong kasama..... Katuwaan.... Kalaro... At higit sa lahat ay kadamay. Kadamay sa lahat, sa mga masasaya o malulungkot na araw. Yung kahit anong mangyari, hinding hindi ka niya iiw...