Chapter 4

45 1 0
                                    

Third Person's POV

*Shit* mura ko ng sumaksak ang kutsilyo sa tagiliran ko.

Akmang sasaksakin sana ulit ako ni Koy ay may bigla nalang babae ang pumigil dun at kasabay din nun ay ang mabilis na pag-agos ng maraming dugo sa kamay nya dahil yung patalim ng kutsilyo ang nahawakan niya.

 Pero ang nakakagulat dun ay ang mabilis nyang pagkilos at napunta agad sya sa likod ni Koy at ang mabilis nyang pag agaw ng kutsilyong dala nito kanina.

Wag nyang sabihing sasaksakin nya rin si Koy gamit ang naagaw nyang kutsilyo dito?

Pero kabaliktaran ang ginawa ng babae, bagkus ay sinipa nya lng ito nang pagkalakas lakas dahilan para ito ay makatulog agad.

Nagulat naman ako nang may isa pang lalaki ang nasalikod ng babae na si Sey pala at nang akmang susuntukin na sana sya nito ay ang mabalis naman syang humarap at naunahan nya pang masuntok si Sey at ang mas nakakagulat pa dun ay ang ginawa nyang paghagis ng kutsilyong naagaw nya kay Koy dun kay Rey na tumama naman sa kamay nito at agad na nabitawan ang hawak nyang baril.

Tsk! kahit kailan talaga hindi patas makipag laban ang mga bugok na yan. Gagamitin lahat ng pandaraya para lng manalo at ang nakakainis pa dun ay ang may balak pa silang pumatay nang dahil lng sa walang kwenta at maharot nyang kapatid na kala mo naman maganda eehh.. mukha namang hipon.

Dahil sa napatumba na agad ng babae yung tatlong bugok na yun at buti nlng ay hindi na nakabangon ung dalawa pa.

Ang akala ko ay aalis na ang babae pagkatapos nyang bugbugin ang mga bugok na yun kaya nagulat nalang ako ng bigla nya akong pinag sisipa sipa pero d naman ganung kalakasan at sabay sabing.

"Buhay ka pa ba ha?"

Dahil sa di ko alam ang isasagot ko ay tumango nalang ako sakanya kasabay naman nun ay ang pag alalay nya sa akin patayo.

Pero dahil medyo masakit ang pag kakasaksak sakin ay d ako makatayo ng maayos at medyo nabibigatan siguro sakin ang babae sa akin kaya nag salita itong muli.

"Tsk! yan ang napapala ng mga pasikat eehh.... umayos ka nga ng tayo mo para kang hindi lalake at wag kang masyadong magpabigat at baka gusto mong iwan pa kita ditong naghihingalo at mamatay. Tsk".

Aba! loko tong babaeng to aahh.. hiningi ko ba ang tulong nya?

Kasalanan ko bang maliit sya at kapag tumayo ako ay baka di na nya ako maalalayan dahil sa laki ng agwat ng high naming dalawa.

"Tss... yan nalang ang naisagot ko at bigla akong napatitig sa kanya, hmm... meron syang mahabang pilik mata, maputi at medyo mapula pulang pisngi, at meron din syang pula na medyo may pagka pink na labi.

At shit* lang mukha pa itong malambot at masarap halikan. 

Natigil lang ang pagtingin ko sa labi nya nang mapansin na nakatingin din pala sya sakin ng masama at dun lang ako napaisip kung saan akong lupalop dadalhin ng babaeng to.

At mukhang alam ko na kung saan dahil huminto lang naman kasi kami sa harap ng isa sa mga gate ng mga bahay dito sa lugar.

Binuksan nya ang gate at pumasok na kami sa loob ng bahay nya siguro o nang pamilya nya.

Pagkapasok na pagkapasok palang namin ay sa sofa nya agad ako dinala at pinaupo dun pagkatapos nun ay walang paalam na iniwan ako. Yung totoo.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuohan ng bahay na ito, di naman sya ganun kalaki at di rin naman maliit ito ung matatawag nyo na sakto lang.

Kumpleto sa gamit ang bahay niya at hindi ko na iisa isahin pa kayo na ang bahalang mag imagine. Habang nililibot ko ang paningin ko sa bahay nato ay ngayon ko lang naramdaman na medyo humahapdi na ang saksak ko sa tagiliran mabuti nalang talaga at hindi malalim ang pagkakasaksak sakin kung hindi patay na ako ngayon dahil ang tagal ng babaeng yun.

Ang akala ko nakalimutan na ako ng babaeng yun dahil sa tagal nyang bumalik pero saka ko lang nalaman ng makita ko sya na pababa na ng hagdan ng bahay na ito at may dala-dalang maliit na box.

At gaya nga ng iniisip ko yun nga ay naglalaman ng first aid kit nya.

Lei's POV

Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa loob ay sa sofa ko agad dinala ang lalaking to at walang paapaalam na umakyat sa kwarto ko para hugasan ang sugat ko at makapag palit na rin ng dami dahil nanglalagkit na talaga ako sa suot ko.

Pagkatapos kong hugasan yung sugat ko dahil sa katangahan ko ay saka ko binuhusan ng alcohol kahit mahapdi ay tiniis ko kasalanan ko eehh.

Nang huminto sa pagpagdudugo at alam kong malinis na ay nagbihis na ako at kinuha ko ung first aid kit ko sa ilalim ng kama ko.

Pababa na ako ng hagdan ng mapansin akong nakatingin sakin kaya nilingon ko ito at nakasalubong ko ang mata ng lalaking to.

Di ko nalang ito pinansin pero shit lang dahil hindi pa rin niya inaalis ang pagkakatitig niya sakin akala siguro nito tinulungan ko sya. Ha! ASA.

Ako tutulong? Tsk! 

Pero di ko lang talaga alam kung ano ang pumasok sa isip ko kanina kung bakit ko iniligtas ang lalaking to eehh.

Basta ang alam ko lang ay bigla nalang gumalaw ang katawan ko at dun ko nalang narealize na tinulungan ko na pala sya ng di ko man lang namamalayan.

Tsk.

Nang tuluyan na akong nakababa ay sa lalaki agad ako dumiretso para masimulan ko nang magamot ang sugat nya dahil mukha na syang naghihingalo at ilang oras nalang ay mamamatay na ito.

Ikaw ba naman ang masaksak tapos di ka agad magagamot syempre patay ka talaga kung hindi ka man mamatay sa pagkasaksak sa pagkaubos naman nang dugo ang ikamamatay mo.

Haist... pero ano ba naman kasi ang trip nang lalaking to at mag isa nyang kinalaban ang mga unggoy na yun.

Nag fifeeling malakas siguro ang isang to kaya kinalaban ang mga yun. Iniisip siguro nya na hindi gagamit ng mga pandaraya ang kalaban nya at makikipag laban ang mga yun nang patas sa kanya. Ha! ASA.

"Hubad".

Pagkasabing pagkasabi ko nun ay ang paglaki ng mga singkit nitong mata.

Halata ang pag kagulat at pagtataka sa mukha nya HAHA... ang epic.

Third Person's POV  

Hubad.  

Pagkarinig ko sa sinabi nyang yun ay ang mabilis na pagtingin ko sa kanya na may gulat na mukha at may halong pagtataka sa kung ano man ang ibig sabihin nya dun sa sinabi niya.

Walang hiyang babae to ang akala ko pa naman ay tutolungan nya ako eh yun pala may paganasa din naman pala sakin.

Ibang klase din ang babaeng to ginawa pang dahilan ang sugad ko para lang pagsamantalahan ako.

Akala nya ba ganun lang ako kadali kahit may sugad ako hindi ako mag dadalawang isip na bugbugin ang babaeng to.

Pero nagulat nalang ako ng bigl itong tumawa nang malakas at parang nababasa ang nasaisip ko at nakakatuwa ito para sa kanya. 

Nang mapagod na ito sa kakatawa nya ay nagsalita ito na nakapag painit ng dugo ko.

"Ha!.. ASA! satingin mo ba pagnanasaan kita as if naman kanasa-nasa ka noh. Tsk".

Aba..! hindi ata ako kilala ng babaeng at may lakas sya nang loob na para sabihin saakin yun.

Hindi niya ata alam na halos magpatayan na ang mga babae sa harapan ko para lang makuha ang atensyon ko. Tch.

Sasagutin ko na sana ang babaeng to nang may biglang pusang lumundag sa unahan ko nanakapag pagulat sa akin at nangyari ang hindi ko inaasahang mangyayari.

MADAPAKING NA MALAGKIT!!!

Da... dahil sa malanding pusang yun na..... na... naha....li... kan.... ko ng hindi sinasadya ang babaeng to!.







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Since I Met My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon