Chapter 1 Magkaibigan o Magka-IBIGAN

203 9 15
                                    

    (The Story is based on my personal experience during my practicum at Carlos Albert L. High School, and i was happy to published everything about my students life. its about Love, Compassion, and typical life of high school students.)

   Ang Pag-ibig ay walang pinipiling edad, ika nga ng nakararami "Age Doesnt Matter" napatunayan ko yan habang ako ay lumalaki.

      Noong bata pa ako, hindi pansin sa mura kong pag-iisip pagdating sa usaping pag-ibig. Halos lahat ata ng mga tao, pag-ibig ang pinaka problema. Pero ako, hindi ito naging problema sa akin, kasi alam ko na bata pa naman ako kaya marami pang mga bagay na mangyayari sa aking buhay. Pero masasabi ko, iba talaga kapag ikaw na mismo ang nasa eksena. Aakalain mo sa sarili mo ikaw ay nasa fairytale mala Cinderella, Beauty and the Beast, at Snow White, lang ang buhay mo.

     Pero nagbago ang aking pananaw sa pag-ibig ng ako ay tumungtong sa sekondarya. Nasa unang baitang ako, dahil kakagraduate ko lang sa elementarya. Masaya ako dahil ang sabi ng iba, "High School is the most interesting and exciting moment in our life" Pero sabi nga nila enjoyin mo lang ang high school life. Alam ko sa sarili ko na nasa mataas pa rin ako na section, kasi nagsipag naman ako sa elementarya kaya alam ko na sa sarili ko na mapupunta ako sa star section.

      Unang Araw ng klase, kabado, medyo tuliro, dahil wala pa akong masyadong kakilala. Although may mga naging kaklase naman ako noong nag-aaral pa lamang ako sa elementarya. Pero alam ko habang tumatagal ay makakahanap din ako ng kaibigan. Kaibigan na aagapay sa mga problema, hindi lamang sa akademikong aspeto pati na rin sa buhay pag-ibig. Sabi nga nila pangalawang kapatid at pamilya ang paaralan.

      Habang tumatagal mas lalo akong ginaganahan mag-aral, lagi akong nasa pinakamataas na rango, pagdating sa akademiko. Pero habang tumatagal din mas lalo kung naramdaman ang diwa ng pag-ibig. Dahil na rin sa aking mga kamag-aral, sadyang napagtanto ko na sa sarili ko na iba na itong nararamdaman, mas lalong nanabik ang aking puso, na mismong nakilala ko ang napagandang babae na itago natin sa pangalang "Venus"

      Sa pisikal at mental na aspeto, simple ang kanyang kagandahan, sabi nga nila "Nagmumurang Kamias" (Ang ganda). Pagdating sa intelektwal na aspeto, masasabing masipag at matiyaga sa pag-aaral. Kaya parehas din kaming nasa mataas na section. Simula't sa una hanggang paghanga lang ako dahil bata pa kami, at sa eded namin bawal ang ganoong set-up. Kung sakaling ma fall in love ako sa kanya.

      Ano na lang ang sasabihin ng iba kong kaklase, kapag nalaman nila ito. Baka mag-ugat pa ito sa tuksuhan na ayaw kong mangyari, kaya't pikit mata ko itong itinago dahil alam kong marami ang mapapahamak kapag nalaman ito.

      Noong palapit na ang araw ng mga puso, napagdesisyunan ko na bigyan siya ng bulaklak kung sakali. At kapag may nagtanong sa akin kung kanino, at sinong tao ang bibigyan ko ng bulaklak. Sasabihin ko ay sa kaklase ko lang na babae, Pero nagulat na lang ako ng may isang kamag-aral ko ang nakaalam ng aking lihim na pag-ibig. Namutla ako at waring hindi mapakali ang aking isipan, dahil baka magalit sa akin ang babae.

    Sadyang mabilis kumalat ang usapin naging tampulan ito ng usapan ng mga kamag-aral ko, pero ako sa sarili mas proud ako. Dahil atleast alam niya na may lihim akong pagtingin sa kanya.

   Noong uwian napagpasya ko na mas maganda kung sosopresahin ko siya, at ganon ang nangyari. Saksi dito ang aking mga kamag-aral nasiyahan ako nang dumaan kami sa palaruang pambata o mas kilala bilang "Play Ground." Masaya ako dahil kumpleto ang mga kabarkada at kaibigan ko, pero mas lalo akong kinabahan kasi dito ko na siya bibigyan ng bulaklak at tsokolate. Medyo kinabahan at hindi ko maipaliwanag itong naramdaman ko.

   Pero alam ko sa sarili ko na kaya ko naman, kaya lang kailangan ko ng tamang oras at pagkakataon na ibigay ang tatlong magagandang bulaklak at tatlong tsokolate na masasabi kung magandang iregalo para sa araw ng mga puso. At doon biglang nagkaroon ng kasiyahan ang kanyang mga labi at napupukaw niyang mga mata, nang ito'y masilayan niya. Sinabi niya sa akin kung para sa kanya ba ito.

    Syempre ako ay nag-atubali na nagsalita, at sabi ko ay "OO" ito ay para sa iyo, at bakit mo naman na itanong? ayaw mo ba sa aking mga bulaklak.

    Ang sagot niya sa akin ay maraming salamat, laking tuwa ni venus at hindi mawari o mapinta sa kanyang nakita bagkus saya ang ibigay sa kanya nito.

   Pero habang tumatagal mas lalong nagkabutihan kaming dalawa, lagi na kaming nagchachat sa isang site kung tawagin ay facebook.

    Nooung una, normal lang ang aming palitan ng mensahe, tumatak sa aking isipan na mabigyan ako ng pagkakataon na magpakilala.

    Kinabukasan masaya kami dahil marami kaming napag-usapan tungkol sa pag-ibig. Pero ang nakababahala nito, tampulan kami ng usapan sa loob ng aming silid-aralan. Pero kaming dalawa deadma lang at walang pakialam, ika nga "Life Goes on lang"

     Noong hapon din iyon may mga kasama akong kapwa kaklase ko na noon ay kasama ni venus, papunta kami sa 7-11 upang bumili ng aming makakain. Pero nabigla na lang ako nang sabihin ni venus na gusto niya ng "Mogu Mogu" Syempre ang mga kaklase ko ay biglang, sabi na Jojo. Si venus gusto niya ng "Mogue Mogue" ayon ang mga kaklase kilig na kilig sa eksenang iyon. Syempre naging awkward, pero sa akin may konting blush ika nga.

    Nagpatuloy ang ganitong set up namin, hindi na ako masyadong nahiya, pero kapag kami ay nag-uusap laging casual lang, para hindi halata. Pero pagdating ng panahon. Nag-iba na siya medyo hindi na kami katulad ng dati, kasi nga dahil na rin sa mga kaklase ko.!!

-------------------------------------------------------------ITUTULOY-----------------------------------------------------------

TO FALL IN LOVE AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon