chapter 18

1.6K 61 15
                                    

tok..tok..tok

" yes sarah may  kailangan ka?!"  si bea ng pagbuksan siya ng pinto

Sarah:" pwede ba kitang makausap? ng tayo lang"

Bea:" tungkol saan ang pag uusapan natin?" tanong nito

" si dad nasaan?"

" may pinuntahan lang"

Sarah:" good! i want to talk to you about my husband..!" mahinahon niyang sabi

" what about your husband? ano kinalaman ko dun?"

Sarah:" malaki! i am referring to my husband Gerald Anderson"

" si Ge? a....asawa mo?" gulat niyang sabi

Sarah:" yes si Ge kung yun ang tawag mo sa kanya.., hihintayin kita sa baba..doon tayo mag usap marami akong itatanong sayo.." pagtatapos niya at umalis na...

Samantala si bea ay hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ni sarah sa kanya...

Nang makababa na nakita niya si Sarah na naghihintay sa kanya.

" anong tungkol kay Gerald ang gusto mong malaman.." tanong nito ng makaupo na siya

" actually kanina ko lang nalaman ang tungkol sa inyo.."

Bea:" so talagang kasal kayo ni Ge?"

Sarah:" Mrs. Anderson na ako simula ng bumalik ako dito.."

" then bakit ngayon mo lang nalaman ang tungkol sa amin, kung ganun pala he used you para makaganti sa akin at sa daddy mo." may pagmamalaking pa nitong saad.

Sarah:" ipinagtapat niya sa akin ang lahat dahil natakot siyang iwan ko, dahil ayaw niyang mawala ako sa kanya.." ganti niya dito

Bea: " ganun naman pala eh, bakit kailangan mo pang malaman ang tungkol sa nakaraan namin.."

Make Me YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon