chapter 15

1.9K 53 6
                                    

" akala ko hindi ka pa uuwi.." sambit niya sa gitna ng pagyakap sa asawa..

Sarah:" nanggugulat ka na naman..okay let me go para makakain na tayo.."

" babe 1 more minute.." pakiusap niya habang hinigpitan pa ang yakap ng nakapikit

" manang ano pinakain niyo dito at naging ganito kalambing ito ngayon?!" nakangiti niyang tanong sa kasambahay

" naku maam namiss kayo kaagad..hindi po yan kumain kagabi...iwan ko muna kayo, mainit pa ang mga niluto niyo pero dinudumog na tayo ng langgam sa tamis.." natatawa nitong tugon..

Napangiti narin si Gerald habang nakapikit pa rin..

" tama na Mr. Anderson tapos na ang isang minuto..let me go alam kung gutom ka na.."

" okay babe.."

" bakit naman hindi ka naghapunan kagabi?" tanong niya habang nilalagyan siya ng pagkain sa pinggan..

" wala akong ganang kumain kagabi.."

Sarah:" oh manang saan galing ang mga bulaklak na yan?" tanong niya ng makita itong papasok sa kusina na may dala dalang mga bulaklak.

" delivery para sayo.."

Sarah:" naku manang pakilagay nalang po yan jan, kung sino man nagpadala niyang hindi niya alam na wala akong hilig sa ganyang bulaklak.." sabi niya ng nagsisimula ng kumain..napahinto sa pagsubo ng pagkain si Gerald ng marinig niya ang sinabi nito

" naku bakit naman maam eh ang ganda kaya ng mga rosas na ito..paborito ko po ito.."

" okay manang take it, sayo na po yan.." si Gerald ng magsalita agad napatingin si Sarah sa kanya

" i'm done! pakiligpit po manang'" patuloy nito at umalis na

Sarah:" Gerald wait.." habol niya dito ngunit hindi na siya pinansin ng asawa

" tita napatawag po kayo?" nang sagutin ang tawag mula kay tita sonia..kasalukuyan siyang nagpapahinga sa silid nila ng tumawag ito.

" naku hija sorry sa distorbo, tumawag kasi sa akin si teacher reyes..ngayon na daw ang huling confirmation para sa gusto umattend sa reunion ninyo."

Sarah:" naku sorry po nakalimutan ko, niremind pala yan sa akin ni gerald kagabi...sige po tita pupunta po ako..salamat po."

" okay hija walang anuman at saka ikumusta mo nalang ako sa pamangkin ko.."

" makakarating po tita.."

" manang asan po si Gerald? nag makababa na siya at handa ng umalis

" naku maam hindi ko napansin ang asawa niyo mula kaninang umaga."

Sarah:" ah ganun bah, pag nakita niyo po pakisabi may pinuntahan lang po ako..salamat po"

Samantala si Gerald naman ay nagpasyang mamasyal gamit ang luma niyang motorsiklo na iniwan niya sa kaibigan..Hindi na siya nag abalang magpaalam kay Sarah kung saan siya pupunta,.

" Sarah? oh my God ikaw na ba yan?"

Napangiti siya ng makita si Jake..

Sarah:" hi jake.."

Make Me YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon