[Dedicated to @SophisticatedDreamer...ubeeer magbasa. hahaha >:)))
________________________________
PART III
"Ex mo?!" hiyaw sa pagkagulat ni Gail, tinakpan naman ni Juls ng kanyang palad ang bibig ni Gail, naginhawaan siya ng makita niyang wala na ang sasakyan ni Luke.
BIgla namang hinawi ni Gail ang palad ni Juls, "Paano mo naging EX yun?! Sa gwapo nun pinatulan ka Juls?!"
"Sige isigaw mo pa masasampal na kita."
"Ahehehe, biro lang..Pero let's be serious. Ex mo talaga?"
"Oo nga, tama na nga tanung." tapos dumungaw ulit siya sa bintana. Tinabihan naman siya ni Gail,
"Siya yung unang lalaking minahal ko ng todo, siya yung dahilan kaya hindi ko magawa magmahal ng iba." tumingin siya kay Gail ng luhaan. "At hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya, Gail."
Niyakap siya ni Gail at hinimas himas ang kanyang buhok, "Shh..Huwag ka nang umiyak diyan, siguro hindi talaga kayo para sa isa't isa...Siguro.." Hinarap ni Gail ang mukha ni Juls sa kanya sabay hawi ng ilang stranda ng buhok na nahaharang sa kanyang mukha. "KAME ang para sa isa't isa."
"Ang kapal ng mukha mo! Nakakaasar ka!" Hinampas ng hinampas ni Juls si Gail habang nagtatawanan sila.
Umuwi ng pagod si Juls, paano ba naman buong hapon silang nagtawanan dahil sa mga jokes at kakulitan ni Gail, pero sa buong hapon na yung iisang tao lang ang pumapasok sa isipan niya...Si Luke.
Hanggang ngayon hinahanap hanap pa niya, gustong hanapin ni Juls si Luke at kausapin ng masinsinan kung bakit bigla na lang siya hindi nagparamdam at pagdating ay may anak na agad.
FLASHBACK
Naghahabulan sa kagubatan sina Juls at Luke. Para silang mga bata na naglalaro ng mataya-taya. Habul habol ni Luke si Juls at hindi sila nagaalala kung sila man ay mawala sa kalagitnaan ng kagubatan.
Biglang nahablot ni Luke si Juls sa bewang, Tumawa naman ng marahan ang dalawa sabay ng paghiga nila sa damuhan.
Parehas nakatingin sa langit at hingal sa paghinga. Humarap si Juls kay Luke at tiniklop ang kanyang kaliwang braso sa katawan ni Luke.
"Luke,"
Tinignan siya ni Luke at ngumiti "Bakit?"
"Ako lang mamahalin mo ha?"
Hindi umimik si Luke, nilapit niya ang labi niya sa noo ni Juls at hinalikan.
"Uy! Sagutin mo tanung ko! Ako lang mamahalin mo ha?!" sabay hampas sa braso ni Luke,
"Aray, makahampas naman 'to. Syempre hindi ko rin masasabi yan."
Nagtaka naman si Juls, "Bakit? Ipagpapalit mo pa ko?"
Lalong lumaki ang mga ngiti ni Luke, "Hmm..."
Nainis si Juls kaya ito ay tumayo at iniwang nakahiga si Luke, "Oy san ka pupunta bumalik ka dito!" sigaw ni Luke
Hindi lumingon si Juls at patuloy lang sa paglalakad. Dinalian ni Luke ang paghabol niya kay Juls at hinawakan agad ang pulso ni Juls. Niyakap niya agad ito ng mahigpit. "Takas ka ng takas eh." sabi ni Luke
![](https://img.wattpad.com/cover/1170265-288-k679197.jpg)
BINABASA MO ANG
My Widower Ex [Short Story Completed]
Historia CortaPaano kung yung pagkamahal mahal mo na EX ay dumating, gusto mo siyang takbuhan at yakapin ng mahigpit, halikan ng halikan na parang wala nang bukas at mahalin ng sobra sobra. Pero paano mo magagawa yun? Kung may bata nakakapit sa kanya at nakaharan...