POV: Chapter 1.
Second Year College;
Cebu Institute of Technology; Masaya dito. May kaibigan ako, si Via. Mag-best friends kami since 1st Year High School.
Paano ko nga ba nakilala si Via?
[FLASHBACK]
Nasa Cavite pa ako nun, sa BIL ako nagaaral. Loner ako, new student. Tapos may nakita akong isang student na loner din katulad ko. Wala akong friends dito sa BIL noon. Kaya nung lunch break, dumeretso ako sa Canteen, ng mag-isa. Tapos may lumapit sakin na lalaki, medyo pogi pero ugaling jerk. Ang lalaking yun ay si Nikko.
Nikko: Hi new student, anong name mo? (sabay hawak sa cheeks ko)
Kaya sa sobrang kaba, nasapak ko tuloy siya. Tapos nagulat si Via. Kasi sinipa ko pa yung tuhod ni Nikko. Kaya lumapit si Via sakin.
Via: Okay ka lang ba? Grabe kanina pa yan si Nikko eh. Halika, share tayo ng table? Ako nga pala si Via Bare. (ngiti)
Tin(Ako): Okay lang ako. Sige share tayo. Ako si Tin Rodriguez. (Ngiti)
Tapos habang nakain kami, hiyang hiya talaga ako sa mga kaklase namin, kasi first of all, napahiya ko yung popular school jerk, tapos hindi ko aakalain na mam-meet ko si Via.
Via: Huy, kumain ka naman! ‘Wag ka mahiya. *tapos tumawa siya*
Kaya kumain na din ako.
Tapos nagkwentuhan kami tungkol sa buhay namin, kung saang school kami galing, kung kelan ang birthday, kung bakit nalipat kami sa school na ‘to. Dumaan ang ilang araw naging mag best friends kami. Pero hindi dahil mag bestfriends kami, ay wala ng gugulo sa aming dalawa.
May isang babae kasi, na napapabalitang nanggugulo ng mga friendship. Siya si Maan Dela Cruz. Kaklase namin. One time, bad mood kami ni Via dahil kay Nikko na nangbabadtrip nanaman, dahil sa kalokohan niya. Tapos tinawag ni Maan si Via.
Maan: Via! Halika, I have kwento kamo! (Poker Face)
Via: Sige, antayin mo ‘ko.
Dahil friendly si Via sa lahat, lumapit siya kay Maan.
Via: Ano yun?
Maan: *May binulong*
Pagkatapos nun, sumimangot si Via, nakatingin sa’kin. Tapos sumama siya kay Maan.
Nagtaka na ako, tinext ko kasi si Via.
Tin(Ako): Viaaaaaaa. Nasan ka?
Via: ?
Alam ko na ang ibig sabihin non. Sira na ako kay Via dahil kay Maan.
Kaya paguwian, mag-isa akong naglalakad, mag-isang sumasakay sa jeep. Wala si Via. Nasa side ng mga makasalanan. Sina Maan, Valerie, at Cha.
Two weeks ang dumaan, wala pa rin. Kaya naglakas loob na akong kausapin si Via.
Ako: Via, ano bang nagawa ko? (Teary-eyed)
Via: Totoo ba na sinisiraan mo ‘ko sa iba? Please gusto ko malaman. Yung totoo.
Ako: Bakit ko naman gagawin yon? Best Friends nga tayo diba? Grabe naman.
Via: Sorry kasi, naniwala agad ako kay Maan.
Kaya simula non, wala ng humadlang sa pagkakaibigan namin.
[END OF FLASHBACK]
Cebu, nandun ang mga magulang ko, which means, nung nasa Cavite ako, yung tita ko ang kasangga ko, at syempre si Best Friend Via.