TORPEDIDO’S Point Of View
- 4:30 AM.
BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP, BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP …………..
“Hmmmmmm…. Mayaa nohhhhhhhhhh..”
BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP, BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP …………….
“T@Ħ¶¡ŊĄĂāąđĄĂ!!!!!!!!!!!!!! BƔŧşœœł!!! Ano ba?! natutulog yung tao eh... “
IT IS NOW 4:31 AM. Alarm deactivated.
“Sheeesshhh…….. Dushkat. Babangon na nga. “
- Ang hirap nga naman pag estudyante ka. Kung noon, nakakagising ka pa ng 6:00 at di kapa late, normal pa siguro nun. Pero ngayon, kahit na mag aalas-kwatro ka ng gising, malalate ka pa rin dahil na rin yan sa napakakapaaal na trapik , sabayan pa ng nagdadagsaan at nagsisiksikang tao.
- Ok to start my day: REG. ROUTINE..
TOOTHBRUSH, Check. LINIS SA BAHAY, Check! LIGO? Ahhhhhmmm…. WAIT. Check! BIHIS SABAY HAIRDO, CHECK! AGAHAN? Check na check ! OK, ready to roll out na tayo!
“ Alis nako ma ! “
“O sge anak, ingat ka ha! “
“Uy, teka pera ko.. “
- Mabuti na lang, malapit na ang bahay naming sa mrt station. Dati kasi eh bus stop lang yung nasa amin, tapos dagsa pa ng nagmamadaling mga tao. Kaya yun, naisipan nila ma at pa na lumipat nalang. At mukhang tama nga naman sila sa desisyon nay un, hehehe.
“WHOOOOO, Sa wakas, nakaabot rin.
BAANG!!
“Uy sori miss, di ko kasi namalayan, I was just----- ehm.”
“Terence? Kaw ba yan??”
“Ahhhhhh…. Uhhh. Uy ! Kaw pala, ehmm… Crissy “
YAAAY, Bakit ngayon pa!
- Eto si Miss Crissy Grace Dela Vega, O Crissy na nga lang para maganda. Crushmate-Este Classmate ko sya nung grade 1. Kaso di kami ganoong nagkakilala dat semester. Pero nung grade 5, medyo malaki rin yung ginanda, este minatured nya nung semester na yun. Att, aaminin ko, medyo nagkaroon kami ng mutual relationship nun. Pero more on friends lang kami, hanggang ngayon. SA TOTOO LANG, Crush ko na to eh, matagal na.KASO, NATOTORPE AKONG AMININ SA KANYA.
“Uy Terence, musta na? Di na kita nakikita nung last reunion ah? Sa’n ka nag-aaral?”
“Ahhh…ehhh… san nga ba? XD joke, sa Manuel Roxas High, kaw?
“Dun din ako eh! Anong sec. ka?”
“Sa IV-LUISTRO, ikaw?”
“Sa IV-MAGSAYSAY. Magkaharap lang pala tayo ng room eh! Ba’t di kita makitang lumabas dun?”
“Di kasi ako ganoon lumalabas sa room. Minsan kung bibili lang ng recess o ng lunch, o kaya sasama sa barkada. Kaya ganun, hehehe.. “
“Ahhh.. Kaya naman pala, tsssssss… Lumabas ka rin paminsan minsan! Para ka namang nuno nyan, laging tago ng tago sa punso…”
“Okaaay po, NANAY Crissy XD.. Uy, nandito na tayo !”
“Oo nga! Uy, sabay na tayo sa school Terence?”
“Ahhhh, ehhhhh…..”
- ETO NA YUNG CHANCE MO, TERENCE! Grab da oportunidades na …..
“OH SIGE BA! “
“Hahahaha, yaaan para di ka naman Killjoy oh! Marami pa kong gusting malaman sayo, Terence..”
.
.
.
.
.
“Ahm, Crissy, may aaminin sana ako sayo eh….”
“Ano yun, Terence?”
“AHMMMM, ALAM MO…………….
MATAGAL NA KASI AKONG MAY GUSTO…….
SAAA……..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
“HOY, MISTER TERENCE SIMEOUN PARINO! Tulog ka na naman sa klase ko! “
“Ay sori po mam, ano po yun ?”
HAHAHAHAHAHHAHAHAHHAHA XD
- Tssss, panaginip na namaan…
“SAGUTIN MO NGA TO MISTER TERENCE SLEEPYHEAD! Find the Radian Value of 180 degrees! On the board and explain it to the class.”
“Opo, Miss Nervosa…”
- SAYAANG! Aaminin ko na sa kanya yung , ano, yung , ay tae na. Wag na nga. NATORPE KA NA NAMAN TERENCE. Pero at least, nayaya ko naman sya na sumabay sa lunch. ABANGAAAANN..
------------------------------------END TRANSMISSION----------------------------------------------

BINABASA MO ANG
TORPEDIDO - Tales of a Torpeng Tao XD
Novela JuvenilIto ay ang simple, pero makulay na buhay ng isang torpe. Kahit medyo sawing palad at ITS COMPLICATED ang lovelife, natutunan parin netong tumawa at maging masaya sa buhay, at sana di na maging saklap ang buhay pag ibig neto sa mga susunod na episode...