Chapter 2

5 1 0
                                    

Mahirap talagang pakiusapan yung lalaking yun.

Sabi nang wag na wag niya kong ihahatid kahit sa bukana lng ng bahay namin. Gusto niya daw kasing malaman kung saan bahay namin.

Wala kasing ni isang nakakaalam sa mga classmate ko sa school.

Panay tanong tuloy tanong itong titarits ko..

Month na rin ang lumipas nang naging officially friends kami.

"Nanliligaw sayo yung Kiel na yon?"
Tanong niya. Siya nga pala ang titarits ko na si Melody.

May secret kaming malupit, Bestfriend daw siya ni Hello Kitty. If you know what I mean.

"Naku hindi po!!!" Sabi ko.

"Ano?!!"

"What? Grabe makareact naman to."
Sabi.

"So kung di ka niya nililigawan ibig sabihin... Kayo na!" Sabi niya pa.

"Titarits, you know milenials, kahit friends lang kayo, walang malisya kung maypahatidhatid na." Pageexplain ko pa.

"Asuuus! Don rin naman kayo siguro papunta! Friend daw kunware tapos may HD pala." Sabi niya.

"Anong HD tita? Parang TV, high definition lng?" Pweh may ibang alam tung babaing to.

"Pwede ring high defition, as in defining the feelings highly, at pwede rin namang hidden desire, lihim palang may feelings dinadaan daan lang sa pahatid hatid. Oh baka~" pasuspense pa talaga eh.

"Baka ano titarits?" Edi tinanong ko na.

"HD, home distance, baka next time ibahay kana nyan, pahatid hatid lang sayo, naku! Naluko na!" Putahamnida saan niya naman nakuha ang Home Distance na yun? Hahaha! Daming alam!

"Bat ka nakangiti? Di kaya~" siya

Sh*t! nakangiti ba ako? Dahil ba sa last HD na yun. Whaaa! No way.

"Ano na naman titaritz?" Dami talagang alam ee.

"M.U. kayo no?! Yieee, ikaw, huh, may paganyan ganyan ka nang nalalaman. But without you knowing ang M.U. pala sa kanya ee, Malaswang Ugnayan kaya ingat ka, naku! Uso pa naman rape victim na tinatapon sa mga ilog. Tsk. Iba na talaga ang panahon ngayon." -siya

Nasabi ko na ba na malakas ako manulak? At nasabi ko na rin bang minsan wala akong galang sa nakatatanda sa akin? Nasabi ko na rin bang naiirita na ko?

"Titarits, gusto mong mabrainwash?" Sarkastiko kung tanong pero naka ngiti.

"Ikaw naman , di na mabiro. Syempre alam ko friends nga lang kayo diba? Ay hala! O baka ikaw yung may M.U. sa kanya? Naku, ining maghulos dili wag na wag mong gagawin kung ano mang iniisip mo. Ayuko magkaruon ng dadalawin sa bilibid. Mahal pa naman pamasahi." Sabi nya na parang biro lng lahat.

Arrrrrrrggg!!

"Tita!!!" Tama na please. Huhuhu

"Oh ito na tama na nga. Akyat kana dun, baka kung ano pang maisip ko." Sabi niya sabay peace sign.

"Good. Sige akyat na ko." Sabi ko.

"Oh baka..." Ayan na naman siya.

Tiningnan ko nga ng masama.

"Joke lang. Hahaha. Sige na, akyat na you. M.U. hahaha" pambihira!

Di ko nalang siya pinansin, kakawala ng energy ee. Like , energy , energy gap , may energy gap. Hahaha. Sa susunod mag ma-Milo na ko. Iwas ubos energy. Pweeh

Yung tita ko na yun, kahit minsan nakakairita yung mga sinasabi niya at na ba-badtrip ako , mahal ko pa rin yun. Siya kasi yung kumupkop at nagalaga sakin since my parents died, di ko na nga rin matandaan ang araw na nakilala ko siya, pero ang mas importante we have each other.

"Isa! Nandito yung classmate mo!" Sigaw ni tita mula baba.

Takte bat naman kaya nandito to?
Sino pa nga ba? Isa pa lang naman ang nakaka alam ng bahay namin. Tsk

"Sige wait lang po!"

Bumaba ako at nakita si tita sa sofa. Napalinga linga ako at hinanap ang lalaking yun. Nasan yun?

"San si Kiel,tita?" Tanong ko.

"Yiehh, Kiel? Sino may sabing nandito yun?" Putspa!! Wala ba?

"Akala ko ba nandito classmate ko?" Pinagluluko nako nito.

"Pagpala may pumunta ditong classmate mo, si Kiel kaagad? Ikaw huh? HD ka talaga don, no? Baka M.U. pa? Ayieeh!" Di ko ma take tong babaeng to. Grrrr

"Titarits, fyi, for your information, siya lang ang classmate kong may alam ng bahay natin kaya wag kung ano-ano ang iniisip mo, ok? Nakaka BV ka naman. Tsk." Naku kung di ko lng talaga to tita, baka nasabunutan ko na to.

"BV? Bad Vibes ba? Sorry naman! Kala ko pa naman Bad Vreath. Hahaha" -sabi ni.

"Tita!" Waaaahhh!! Takte talaga!

Kasalanan to ni Kiel ee. Humanda sakin ang lalaking yun.

-------------------------------------------------------------
Done done done.

Kakabrainwash.

Nagsulat ba ko ng walang kwentang chapter?

Sorry kung masyadong mabilis, its just. Ganon talaga. Next chapter hindi naman subrang bilis ang mangyayari.

Ganon nalang bye.

Blue-EyedAssasin signing off

(749 words)

Far From Being A Lady of YoursWhere stories live. Discover now