Ang "Bratinella Camp College" ay isang eskwelahan na may sariling camp site na nagbubukas pag "summer" at bagamat iilan lamang ang kurso rito ay karamihan ng nag-aaral dito ay mayayaman ang mga pamilya pero nag-ooffer naman sila ng mga "scholarship,"
Bumaba si Summer mula sa kanyang "montero sport," regalo ito ng dad niya noong unang taon niya sa kolehiyo at naging number one siya sa dean's list.
"Here we are, ma'am," binuksan ng driver niya ang pinto ng montero.
"Thank you," ngumiti si Summer.
"I'll be back at 3pm ma'am," wika ng driver at tumango lamang si Summer.
Maya-maya naman ay dumating ang nakamotor na si Meteor, isa siya sa mga "scholar," nakakuha siya ng scholarship sa cooking competetion noong summer camp.
Hinubad ni Meteor ang helmet niya at aksidenteng nagtama ang mga mata nila ni Summer.
"Ang gwapo..." Naibulong ni Summer bagamat umiwas ng tingin sa binata.
"Meteor!" Pagtawag ng student council president na si Althea.
"Yes, ate Althea?" Bumaling si Meteor kay Althea.
"May meeting kami mamaya baka naman pwede mong igawa ng snack yung mga kasama sa meeting I'll pay for it kahit pancakes lang at pine apple juice," wika ni Althea.
"Sure, as long as the price is right," ngumiti naman si Meteor.
"Oo naman, thanks, you're such an angel," tuwang-tuwang wika ni Althea bago umalis. Nasaksihan ni Summer ang eksenang iyon. Hindi niya naiwasang makinig.
"Happy second semester, Meteor!" Bati ni Bianca kay Meteor.
"Hoy, yung bayad sa project na ginawa ko sa'yo last sem di mo pa binibigay saka 'yung mga assignment mo na ako ang gumawa sa huling linggo ng semester na di ka pumasok dahil nagpunta ka sa Australia," wika ng naniningil na si Meteor.
"Oo na, di mo man lang ako kinamusta singil agad," wika ni Bianca.
"Di naman ako interesado sa bakasyon mo 'yung bayad lang ang gusto ko," wika ni Meteor na may pagka-antipatiko.
"Here you go," naglabas ng dalawang libo si Bianca. "Eto,pasalubong ko," sabay abot ni Bianca ng paper bag kay Meteor.
"Ano 'to?" Tanong ni Meteor.
"Imported t-shirt at jeans saka chocolate, tingnan mo 'yan naalala pa kita," sagot pa ni Bianca.
"Dapat lang 'no, puro tama 'yung assignments na ginawa ko kaya dapat lang," wika ni Meteor.
"Sige na, next time ulit ha," wika naman ni Bianca bago umalis.
Napailing na lang si Summer sa nasaksihan. Todo raket pala itong si Meteor.
Nagtungo sa classroom niya si Summer at nagulat siya na si Meteor pala ay kaklase niya sa literature. Naghahanap siya ng upuan.
"Meteor, pakopya ha balita ko itong prof natin literary works example agad pinapagawa eh," wika naman ng kaklase nilang si CJ na katabi ni Meteor. Imbis na sumagot ay tumayo si Meteor.
"Yan tayo eh, ayaw talaga magpakopya," kantyaw ni Cj pero di nag-abalang tumugon si Meteor at tumabi kay Summer.
"Ayan, tama 'yan magtabi kayong mga di nagpapakopya, tingnan natin kung saan kayo dadalhin ng kadamutan niyo," wika ni Cj.
Napalingon si Summer sa sinabi ni Cj pero di na niya nagawa pang sumagot nang makitang katabi niya na pala si Meteor.
Nakaramdam ng pagkailang si Summer ngunit tila nananadyang tiningnan siya lalo ni Meteor.
"Ibig sabihin, di ka rin pala nangongopya at di ka rin nagpapakopya," wika ni Meteor.
"Hindi pwedeng mangopya at magpakopya ang dean's lister," wika ni Summer.
"So, you are perfect," ngumiti si Meteor at napalingon sa kanya si Summer.
"You are perfect...Rich, smart, pretty...Oh, let me say it right, you're not pretty, you're beautiful," nakangiti na tila nang-aakit si Meteor.
"Ano?"Parang gustong klaruhin ni Summer ang narinig.
"You're a dean's lister, you are smart;you have a nice car, a rich man's car;you are beautiful I got no doubt about that," wika naman ni Meteor. Umiwas ng tingin ang namumulang si Summer.
Tila lalong natuwa si Meteor nang makitang namumula na si Summer.
"Did I said something bad?" Tanong pa ni Meteor na hinuhuli ang tingin ni Summer.
Hindi na tumugon ang dalaga dahil sa totoo lang ay gusto na niyang kiligin sa sinabi ni Meteor.
Tumigil na lamang sa pang-aakit sa dalaga si Meteor nang dumating ang professor nila sa literature. Ngunit marami pang nasaksihan si Summer na kalokohan ang mga patagong paggawa ng activity ni Meteor para sa mga kaklase niya kapalit ng perang kabayaran.
YOU ARE READING
Bratinella Camp Series 9: "Summer,The Good Girl"
RomanceSi Summer Ysabella ay isang dean's lister sa Bratinella Camp College magaling siya sa halos lahat ng subject niya at nag e-excel sa klase, she is pretty, smart and rich medyo loner nga lang pero ang perfect daughter na ito ay may tinatagong lihim. L...