Chapter Two:Meet Meteor

1 0 0
                                    

 Unang araw pa lang ay napakastrikto na ng professor nila at nagpagawa na agad ng isang example ng literary works. Nakatanggap ng pinakamataas na marka si Summer sapagkat mahilig talaga siyang gumawa ng mga poetry. Nag anunsyo din ng  quiz  sa susunod na meeting ang kanilang propesora.

"Pare, tingnan mo," pinagmamalaki ni Ranz, ang matalik na kaibigan ni Meteor ang nakuha niyang magandang marka sa ginawa niyang poetry.

"Wala 'yan dito sa katabi ko, highest," sabay lingon ni Meteor sa katabing si Summer na nag-aayos na ng gamit.

Napaiwas ng tingin si Summer. Naiilang na siya sa ginagawa ng binata.

"May raket ako, may order ng pancakes, gusto mo sumama? " Tanong ni Meteor kay Ranz.

"Sige, magkano kikitain ko diyan?" Tanong naman ni Ranz.

"Sixty percent sakin forty sayo," sagot ni Meteor.

"Grabe to, bakit hindi naman pantay 'yung hatian?" Tanong ni Ranz.

"Eh mag a-assist ka lang naman eh ako magluluto, bakit papantayin? Its sixty-forty or nothing," sagot ni Meteor.

"Oo na nga, kailangan ko din ng pera eh," wika naman ni Ranz.
Ginawa nga sila ng pancakes para sa meeting at dahil dito Ay kumita pa silang magkaibigan. Malaking tulong ito para sa kanila ni Ranz.
Si Meteor Ay matalik na kaibigan Ni Ranz, isa si Meteor sa magagaling na estudyante ng "culinary," magaling siyang magluto at laging maganda ang "preparation" niya kaya naman kilalang-kilala siya ng mga "professor," ng "culinary," habang ang kaibigan niyang si Ranz ay "B.S.E major in English," na kaklase niya rin sa mga "minor subjects" niya. Nakatira siya mag-isa sa bahay na pamana sa kanya sa isang "walking distance" na "subdivision," malapit sa Bratinella Camp College. Nasa ibang bansa ang mama niya kaya mag-isa lang siya.
Dahil sa ginanap na "meeting" ay na-cut ang klase at pinayagan ng umuwi ang lahat.
"Ranz, sabay ka na sakin," pagtawag Ni Meteor Kay Ranz. Maya-maya ay nakita ni Meteor si Summer na tila may inaantay at may tinatawagan.
"Ranz, ang ganda no'n o," sabay tingin Kay Summer.
"Good girl 'yan,perfect daughter ng dad niya kaya h'wag mo na pagnasahan,bro," wika Ni Ranz.
"Dean's lister 'yan at magaling mag English, she doesn't settle for anything less," dugtong pa Ni Ranz.
"Perfect pala siya, maganda na,matalino pa," napangiti si Meteor.
Maya-maya ay dumating na ang Montero sport ni Summer.
Aksidenteng nagtama ang mga mata nila at namula si Summer nang ngitian siya ni Meteor.Umiwas ng tingin ang dalaga bago tuluyang pumasok sa sasakyan.
"Tara na,bro, baka matunaw pa 'Yung chicks na 'yan kakatitig mo," aya ni Ranz.
Pag kauwi ni Meteor ay gumawa siya ng graham balls at nilagay sa refrigerator, papatikim niya ito sa mga kaklase niya at tatanggap ng "orders" para kumita.
Kinabukasan ay nagdala ng tatlong order ng graham balls si Meteor nang pumasok, naabutan niya si Summer sa classroom para sa "subject" na literature.
"Hi," tinabihan ni Meteor si Summer. Naiilang man ay nagpasilay ng ngiti si Summer.
"Do you want some sweets?" Tanong ni Meteor at inalok ng Graham balls si Summer.
"Are you selling it?" Tanong ni Summer.
"Kind of, but I made this one just for you," ibinigay ni Meteor ang box na may graham balls. Napatingin si Summer kay Meteor na may pag-aalangan.
"Walang gayuma 'to," natatawang wika ni Meteor at kinain ang isang graham ball upang ipakita na walang dapat ipag-alala.Natawa naman si Summer.
"Lalo ka palang gumaganda pag tumatawa ka,"tumitig si Meteor sa mga mata ni Summer.
"Ah,mukhang masarap nga," kumuha ng graham ball si Summer upang kainin at ibahin ang usapan.
"How does it taste," bahagya pang lumapit si Meteor at tinititigan ang dalaga habang kumakain.
Pakiramdam ni Summer Ay umiinit ang mukha niya, pinaghalong kilig at pagkailang ang naramdaman niya at sa di niya malamang dahilan ay bigla na lamang niyang naitanong.
"Inaaakit mo ba ko?" Medyo mataray ang tono ni Summer ngunit bigla siyang nahiya nang marinig ang sarili.
"Bakit?Naaakit ka?" Nagpasilay ng pilyong ngiti si Meteor.
Pakiramdam ni Summer ay akit na akit na siya sa kaharap, ang supladong mukha ni Meteor Ay very appealing sa kanya, ang matangos nitong ilong ay lalong nagpagwapo sa kanya at bumagay rin sa kanya ang medyo makapal ngunit perfectly shaped na kilay.
"Meteor, gusto mo bang patulan ko 'yang kapilyuhan mo," ngumisi si Summer at napakagat naman ng ibabang labi ang binata kasi para sa kanya ay nakakaakit ang pilyang ngiting pinasilay ni Summer.
"Gusto mo bang lumabas kasama ko?" Tanong ni Meteor.
"Seryoso ka?" Unti-unti ng nawala ang pagkailang ni Summer.
"Bakit?Ayaw mo?" Tanong ni Meteor.
"Pwede kong subukan, magkita tayo sa library mamaya 4pm," wika naman ni Summer.
"Mag-aaral tayo?" Pinapalipat-lipat ni Meteor ang tingin sa mata at labi ni Summer.
"Pumunta ka kung gusto mong malaman," sagot ni Summer.

Bratinella Camp Series 9: "Summer,The Good Girl"Where stories live. Discover now