Sabado ngayon kaya wala akong narinig na alarm clock na tumunog , paano ba naman kasi naka schedule to'ng alarm clock every weekdays tutunog. Kaya 9:45 am na ako nagising dahilan lang sa napaka sarap kong tulog . Hinanap ko agad yung cellphone ko para tingnan kung merong chats or text. When i opened meron nga, text ng bestfriend ko last night . Habang binabasa ko ay nagulat ako sa mga laman nito. Lagot! nakalimutan ko siya kahapon sa isipan ko na siya rin pala yung hinihintay ko sa labas ng classroom. Kakainis kasi sa lalakeng yun , yan tuloy na iwan ko si Laina ang bestfriend ko. Humanda ka sakin Miko nang dahil sayo nagtatampo at nagagalit sakin ang bestfriend ko. Agad ko naman tinawagan si Laina pero pinapatay naman niya, galit na nga talaga si Laina. Pero di niya maintindihan ang totoong nangyari ee diba?. Kinuha ko yung unan ko saka pinalo ko sa sarili ko , pinalo ko ng pinalo nag sisisi ako sa nagawa ko .
"Ma! wait lang pupuntahan ko lang si Laina." . Paalam ko sa mama ko.
Nagmamadali na ako papuntang parking ng mga tricycle. "Manong ! Manong! Muntinlupa nga po". Sumakay na agad ako ng nagpaandar na ang tricycle para agad ko mapuntahan si Laina at sana mapatawad na din niya ako. Sana di na din siya galit. Eto na malapit na ako sa kanila.Nakarating na ako ng Muntinlupa, nang nakarating na nga ako sa harap ng bahay nila at agad akong nag doorbell. Doorbell ng doorbell, walang bumubukas ng Gate. Hanggang sa may narinig na akong bumubukas ng gate. "Yes po ma'am?" Sagot ng kasambahay ni Laina "nandiyan ba si Laina?" Di na tumingin sakin yung katulong "si maam Laina po?"napatingin ulit yung katulong sa ilalim "wala po si maam Laina dito Maam pasensya po" wala siya? Saan naman yun pupunta ? ee hindi mahilig lumabas yun na di ako kasama, okay lang baka naman nag papahinga lang at ayaw mag pa disturbo at dahil na rin nag tatampo diya sakin . Hihintayin ko nalang siya hanggang dumating kung sakaling umalis nga siya , umupo ako sa tabi ng pader nila.
LAINA's POV.
Ang sakit! ang sakit sakit na iwan ka ng bestfriend mo at higit sa lahat nag sinungaling pa siya sakin, sabi niya kasi sakin kahapon na hihintayin niya ako sa labas ng classroom. Pero paglabas ko ng classroom wala na si Zoey. Pero bago muna ako magtampo ay sinubukan ko munang hanapin pero wala na talaga siya eh wala na talaga sa Campus. Noong naglalakad na ako papuntang gate nakita ko siya na sumakay sa sasakyan at nakita ko ang mukha ng driver , si Miko ang kasama niya.
So ganon?! Pinagpalit niya ako, iniwan niya ako kapalit sa lalakeng iyon at di man lang niya ako hinintay o nag paalam man lang na mauuna nalang siya dahil magkasama sila at maglampungan hi di yung sa paaasahin lang ako sa wala. Pinipigilan ko lang talaga yung sarili ko na huwag nang lumuha pero naluluha na talaga ako at di na kasi kaya ng feelings ko hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na ako sa kama ko .(Iphone ringtone)
Nagising ako dahil naririnig ko yung tunog ng cellphone ko something na may tumatawag , eh ako naman tong tamad kunin lalo na kapag natutulug ako ayoko kaya na dinidistorbo ako. Pero nong nakita ko yung pangalan ni tita ang mama ni Zoey. Kaya sinagot ko nalang agad. "Yes tita?" Bakit kaya napatawag tong si Tita. "Nandiyan parin ba si Zoey? kanina pa kasi siyang 10am umalis para pumunta daw sayo" umalis si Zoey? At dito siya pumunta? pero wala naman siya, siguro yun yung rason niya para maka punta siya kay Miko "tita wala po si Zoey dito Tita ee". Sumilip ako sa bintana para tingnan kung may tao sa gate, pero wala naman akong nakita . "Pero sabi niya , diyan daw siya pupunta sa inyo, naku baka ano nang mangyari sa kanya.
Sige Laina thank you, balitaan mo nalang ako kung sakaling makarating na siya jan at susubukan ko syang tawagan." Oh my god. saan kaya si Zoey tumingin nalang ulit ako sa bintana. Kung 10am umalis si Zoey, then hanggang ngayon na 5pm na ay di parin siya nakaka uwi?. Lumabas ako ng kwarto."Yaya? Pumunta ba dito si Zoey?". Tanong ko kay Yaya Luring. "Opo ma'am. Eh ang sabi niyo po kasi na kapag may maghahanap sayo sabihing wala ka, kaya sinabi ko po sa kanya na wala ka dito". Pumunta nga si Zoey dito, ako nga ang sadya niya.
Lumabas ako ng bahay at sumilip sa gate na baka sakaling nasa labas pa si Zoey.Nang nabuksan ko na ang gate nakita ko si Zoey na naka upo at sumasandal sa pader , at nakita ko ang mga labi niya na namumutla, kaya agad ko na din siyang pinuntahan at gisingin siya "bess! Gumising ka nga diyan!" Na aalimpungatan si Zoey kaya itinayo ko siya "bess? duma-..ting kana..pa-la. Bess.. So--". Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya dahil niyakap ko siya, lumuluha ako ngayon dahil nakikita ko ang nangyari kay Zoey. "Bess, ako ang dapat manghihingi ng sorry sayo kasi hinayaan kita dito sa labas at masyado akong ma'pride .". Iyam ako ng iyak "No bess. Ako ang may mali kasi iniwan kita sa school at nangako ako sayo na hihintayin kita, pero napako ko iyon kaya sorry talaga Laina ah."Nagpatuloy lang kaming nagyakapan ni Zoey. Masyado kaming naging emosyonal mas naging dramatic.
"Halika na nga Zoey, pumasok na tayo para maligo kana dahil nagmumukha ka nang pulubi, and by the way si Tita tumawag kanina pa nag aalala." .Pumasok na kami ng bahay para maka ligo at makapag ayos na tong si Zoey na nag mukha ng pulubi hahaha..Grabe no ang hirap pala kapag magkaaway kayo ng bestfriend mo , kasi parang kulang na yung mundo mo kung wala siya sila din kasi tong madadamayan mo kapag may problema ka.
Kaya di mo matiis na magkaaway parin kayo kasi nakasanayan mo na siya lang yung nagpapasaya sayo.NGAYON AY MAGKABATI na kami ng bestfriend ko.
-----------------------------------------------------------------
A/N : oh my god. Thanks na until here binabasa mo parin to. Nagpapasalamat po ako.
Based on True Story po yung pag aaway namin ng bestfriend ko ilang linggo kaming di nag kaayos pero ginawa ko dito is ONE DAY lang . Hehehe
YOU ARE READING
The Promises
Teen FictionNagsimula kayo sa Bus stop, nagtapos din kayo sa Bus stop. Kaya may mga bagay talaga na sa umpisa lang masaya. Pero pag ka dating sa gitna may isang babae na handang ipaglaban niya ang lahat bumalik lang ang nakaraan. Bumalik ang masasayang nakaraa...