25 Tips Sa Pagtatagumpay

48 1 1
                                    

1.pakawalan ang nakaraan.

2.gamitin ang mga kabiguan bilang gabay patungo sa tagumpay.

3.huwag basta lang subukin ang anumang bagay. Buong puso itong gawin.

4.gumawa ng listahan ng mga pangarap sa buhay gaano man ito kahirap makuha.

5.isipin kung paano makukuha ang mga bagay na pinapangarap.

6.gamitin ang mga negatibong puna at pahayag sa kapakinabangan upang mapabuti ang sarili.

7.matutong makipaglari at makisalamuha sa ibang tao.

8.gumawa ng listahan ng iyong mga katangian at kakayahan. Alin dito ang binibigyan mo ng higit na pagpapahalaga. Gamitin ang mga katangian at kakayahang ito upang magtagumpay.

9.magkaroon ng personal na oras na hiwalay sa iyong oras sa negosyo o trabaho.

10.ang pagtatagumpay ay nakadepende kung paano hinarap ang mga kabiguan at pagsubok sa buhay at kung paano pinahahalagahan ang mga bagay na naisakatuparan.

11.kung ikaw ay may pagdududa, hayaang gawin ito ng ibang tao. Ang pagkakaroon ng pagdududa ay kasing kahulugan ng "I almost believe it." Kung hindi ka lubusang naniniwala sa isang bagay, ibigay ito sa sinumang naniniwala rito.

12. Iwasan ang mga bagay na magpapatigil sa iyong produktibong oras. Ano man ito, trabaho o pamilya man, hindi makakatulong ang pagkabalam dahil mawawala ang pokus sa iyong ginagawa.

13.tukuyin ang iyong "peak performance hours". Magtrabaho sa oras na sa iyong pakiramdam ay pinaka-epektibo ang iyong kapasidad.

14.huminga ng malalim at pakawalan ang anumang nadaramang stress o pagod.

15.ang pahinga at pagrerelax ay kasing halaga ng papel na ginagampanan ng pageehersisyo.

16.iwasan ang labis na pag-aalala dahil hindi ito maganda sa kalusugan.

17.mag-isip ng masasayang bagay dahil magbubunga ito ng mga positibo at magagandang resulta.

18.huwag talikuran o iwan ang trabaho sa sandaling makadama ng takot o pangamba.

19.gamitin ang utak hindi lang ang iyong puso sa pagdedesisyon sa ilang mahahalagang bagay.

20. Alisin ang mga negatibong emosyon sa pamamagitan ng pagpapakawala sa nakaraan at isipin ang tungkol sa kasalukuyan.

21.mabuhay sa kasalukuyan sa halip na sa nakaraan.

22. Huwag hayaang kontrolin ka ng oras.

23.ang time management ay isa sa epektibong tool na maaaring gamitin upang maging matagumpay.

24.lumikha ng mga estratehiya o mga pamamaraan at bumuo ng kredibilidad sa iyong mga kaibigan.

25.paghandaan ang darating na panahon.

TIPS SA PAGTATAGUMPAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon