I love you
.
.Fire POV
Isang buwan na ang nakalipas nung umalis sya. At hanggang ngayon kasama parin namin ang dark princess. Wala pang nakakaalam na sya ang dark princess kundi ako lang. Kaya pala wala akong nararamdaman na koneksyon sa kanya kasi hindi siya ang queen of all.
" ang lalim nanaman ng iniisip mo kuya" sabi ni angel. Hanggang ngayon galit pa rin sila kay scarlet.
" wala to. " sabi ko.
" sya nanaman ang iniisip mo kuya. Pwede ba kalimutan mo na lang sya. Nanjan naman ang prinsesa ah, bakit hindi nalang sya ang mahalin mo. " sabi nya. Nainis ako.
" kung ganon lang ba kadali ang lahat edi matagal ko ng ginawa. Wala kang alam angel kaya pwede ba? Wag na wag mo kong pangangaralan. Alam ko ang ginagawa ko. " inis na sabi ko at umalis. Pumunta ako sa enchanted garden. Simula nung umalis sya. Eto na ang naging tambayan ko. Dito kasi kami unang nag usap ni scarlet ng matino.
" namimiss na kita scarlet, pwede bang bumalik ka na? " sabi ko sa hangin. Sumandal ako sa puno at pumikit. Maya maya pay nakaramdam ako ng antok. At tuluyang nakatulog.
Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong humaplos sa mukha ko. Hindi ako nagmulat ng mata. Hinayaan ko lang kung sino iyon. Nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Nararamdaman ko rin ang lungkot at pagkauilila. Sa prinsesa itong pakiramdam na to. At pakiramdam ko sya ang humahaplos ng mukha ko.
Bakit? bakit sya narito?
Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi nya sa noo ko.
Dug dug dug dug.
Hindi pwede to. Dapat kay scarlet lang maging ganito ang puso ko. Ramdam kong tumayo sya. Iminulat ko ang mata ko. Bumungad sakin ang nakatalikod na babae di kalayuan sa akin. Alam ko. Nararamdaman konf sya ang princess.
" sino ka? " tanong ko. Hindi sya sumagot. Nakacloak syang pula na may ibat ibang linings sa lay layan.
" alam kong ikaw ang prinsesa kaya magpakilala ka na sakin. " pakiusap ko. Hindi pa rin sya nagsalita.
Tumayo ako. Gusto ko syang makilala. Akmang lalapit ako ng bigla syang nawala.
" princess san ka nagpunta?" sabi ko at nag palinga linga. Hindi ko na sya makita pa.
Haist. Napasabunot ako sa buhok ko at napaupo sa damuhan. Hindi ko na kaya ang nararamdaman ko. Kaya nahiga na lang ako sa damuhan. Iniunan ko ang aking braso. Tinitigan ko ang mga ulap. Ibat ibang korte ang nakikita ko. Pero ang nakakuha ng pansin ko ay yung ulap na hugis puso. Para syang hinulma.. Kakaiba ang pusong iyon. Iniangat ko ang kanang kamay ko. Itinapat ko ito sa ulap na may hugis puso.
Parang si scarlet lang. Kala mo abot kamay mo na pero ang totoo, ang layo layo nya sakin.
Namimiss ko na sya. Kelan ba sya babalik? Miss na miss ko na sya. Hindi man kami madalas mag usap. Namimiss ko pa rin sya. Mahal ko sya. Mahal na mahal.
Ikinuyom ko ang kamao ko na tila hinawakan ko ang ulap na hugis puso. Nagulat ako ng biglang nawala yung ulap at nakaramdam ako ng isang malamig na bagay na parang metal sa palad ko na nakakuyom. Tiningnan ko ito at muli akong nagulat ng makita ko ang isang kwintas na may hugis pusong ginto sa palad ko. Saan galing to.
Imbis na mag isip ay tumayo na lang ako at naglakad. Hawak ko pa rin ang kwintas. Isinuot ko iyon sa sarili ko.
Hindi pa ein nawawala ang lungkot na nadarama ko.
I miss her. I miss her so much. At sana masabi ko ang katagang i love you sa kanya.
YOU ARE READING
My World ( Queen Of All )
FantasyWalang nakakakilala sa kanya. Kumbaga ordinary lang sya sa tingin ng mga tao. Pero ang Hindi nila alam sya ang . . . . . . . QUEEN OF ALL authors note: fantasy po ito sana magustuhan nyo first fantasy story ko po ito kaya wag kayong mag expect. OK ...