T❤A❤N❤E'S POV
Ceurtane Gorostiza here!
(*^____^*)
Grabe hindi pa rin ako makapaniwala na isa na ako sa students ng DCS. Dati lang naman kasi pinapangarap ko ng mag-aral dyan kaso ayaw ni Trish eh. Saka na daw. Save the best for the last daw nyahahaha! By the way highway, kila tita Love ako nakatira hehe. Si tita Love, mom ni Trish. Bestfriend ko yun si Trish although hindi bestfriend ang turing niya sakin. Alam niyo kung ano? Nyahahahaha kapatid daw. Sweet ni Trish ano? Mainggit kayo sa pwet ko please? Bwhahahahaha!
Gusto ko kasi magpaka independent. (Wow Tane, independent na bang matatawag ang pagtira mo kila Trish? Ha?) Dahil nabobored ako at wala ako sa mood makinig sa discussion ni Ma'am Santiago, kukwentuhan ko na lang kayo. Alam niyo bang sumasakit na yung tyan ko? Feeling ko nga natatae na ako. Huhu namimilipat na ako sa sakit ng tyan ko.
Ayan kasi Tane katakawan mo.
Kinalabit ko si Trish na nagte take down notes. Tinignan niya naman ako at salubong ang kilay niya.
"Anong nangyayari sa'yo? Bakit ka namimilipit?" bulong niya.
"Ang sakit ng tyan ko!"
"Villarejo and Gorostiza at the back! What are you murmuring?" kunot noo na tanong ni Ma'am Santiago. Binigyan ko naman siya ng pilit na ngiti.
"What?"
"A-ah h-hehehe n-natatae po kasi ako Ma'am. Can I go to the r-restroom?" pilit na ngiting tanong ko. Sinamaan ako ng tingin ni Ma'am Santiago saka tumango at pagtalikod niya ay napailing.
"I can't believe you Gorostiza! Kababae mong tao."
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHA!"
Mabilis akong lumabas ng classroom. Bwiset pinagtawanan pa ako. Eh talaga namang natatae ako. Nasa third floor yung classroom namin at hindi ko alam kung may malapit ba na cr dun sa building namin kaya nilibot ko pa yun kaso WALA! Pagkalabas ko ng building ay halos wala na akong makitang istudyante. Kung sabagay, oras ng klase eh. Namimilipit na ako sa tyan habang naglalakad. Sobra talagang sakit ng tyan ko waaaaaaaaaah! Nararamdaman ko na rin na papalabas na yung tae kyaaaaaaaa huhuhuhuhu nasan na ba kasi yung cr?
(。ŏ﹏ŏ)
Tumakbo ako kahit sobra na akong namimilipit sa sakit ng tyan. Pumikit ako dahil hindi ko na talaga yung sakit. Ang isa kong kamay ay nakahawak sa tyan ko at yung isa naman ay sa may pwetan ko.
*BOOOGGGGSSSSHHH
Waaaaaaaaaaaaaah! Masakit na nga ang tyan mo't lahat, natatae ka na nga at kung minamalas ka pa ay mabubunggo ka pa! Hindi lang tuloy tyan ang masakit sakin pati pwet! Napaupo nga ako sa sobrang lakas ng pagkabunggo ko eh. Galit akong tumayo at dinuro ko sa muka yung lalaking nakatingin lang sakin at nagpipigil na wag tumawa!
![](https://img.wattpad.com/cover/105842900-288-k439149.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm in Love with a WATTPAD reader
Teen FictionI'm in love with a....... WATTPAD READER! *wink