Trish's POV
Pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami at dumiretso sa classroom namin. Si Tane ay busy sa pakikipagkwentuhan kina Nyl. Hindi naman ako makasabay kasi tungkol sa kdrama chuchu yung topic nila. Anong alam ko dun?
"May P.E uniform na ba kayo mga teh?" tanong ni Ara napalingon naman kaming dalawa ni Tane sa kanya.
"Wala pa. Bakit? Gagamitin na ba agad? Wow ha!" sarkastikong tugon ni Tane kay Ara. Paakyat na kami sa ikalawang palapag.
"Excused naman siguro kayo kasi transferee kayo pero mas maganda pa rin kung na ka P.E na kayo sa Friday. Alam niyo na, mas comfortable kasi pag P.E suot niyo. Eh ano? Naka academic kayo tapos magtatalon talon kayo? Ang ikli pa naman ng skirts natin." mahabang litanya ni Alliah at tumango naman si Nyl. Kakausapin ko na lang si mama na pakiusapan na madaliin nung mananahi yung pagtahi sa P.E uniform namin ni Tane. Tyaka bitin na sakin yung pants ko kesa naman bumili pa ko ng bago edi hintayin ko na lang na matahi yung P.E ko di ba?
Pagdating namin sa classroom ay nandoon na yung iba naming classmate. May mga nagbabatuhan ng papel as usual. May nakabilog ang form ng upuan at nagkukwentuhan. Sinigawan sila ni Nyl at inayos naman nung mga kaklase ko yung mga upuan na nagulo.
"Kalerki mga klasmeyt natin! Parang boom biglang bumagyo eh!" ani Ara pagkaupo. Katabi ko si Tane at sa kaliwa ko ay si Nyl. Sa harap ko naman si Alliah at sa kaliwa niya ay si Ara.
"Bakit pala naisipan niyong mag-transfer dito sa DCS?" tanong ni Alliah. Palihim kong sinulyapan si Tane, umaasang siya ang sasagot kay Alliah pero nakita ko siyang inilalabas ang libro namin sa Biology. Napabuntong hininga ako dahil wala akong choice kung di ang sumagot. Wala kasi ako sa mood magkwento eh, tinatamad ako. Lalo na't medyo naiilang pa ako dahil unang araw pa lang namin na magkakilala.
Bumaling ako kay Alliah. Nakatingin silang lahat sakin at naghihintay ng isasagot ko. Alam ko namang narinig ni Tane ang tanong ni Alliah pero sadyang ayaw niya lang sagutin. Ramdam ko yon. Gusto niyang ako ang dumada para mawala ang ilang ko kina Nyl.
"Taon-taon kami lumilipat ni Tane ng school." at saka sumandal ako at inilagay ko ang dalawa kong kamay sa likod ng ulo ko. Pinatong ko naman yong dalawa kong paa sa natitirang espasyo ng upuan ni Alliah. Wala akong pakelam kung magalit siya. Gusto kong mag relax eh. Nakakapagod kasing maglakad. Sobrang lawak nitong DCS at malayo ang building namin sa canteen. Tinignan iyon ni Alliah at saka nakangiting tumingin sakin.
"Bayan beks pabitin ang ate mo ha? Kala mo naman epek ka bwehehehe!" bwehehe? hehe ano yon? Minsan talaga hindi ko maintindihan ang sinasabi ng mga bakla kaya hindi ako masyadong nakikipag-usap sa kanila eh. Parang alien silang mag salita eh hehe. Hinihiling ko sana dumating na ang Teacher namin para sa Biology huhu.
"Peroooooooo!" napatingin ang lahat nang magsalita si Tane. Malakas pero sapat na para marinig namin. Nakaharang pa ang isa niyang kamay at nakangangang nakapikit habang nakatingala. Hindi rin talaga siya nakatiis na hindi dumada haha!
"May isang school na nakadalawang taon kami ni Trish at first time in history yun ng magka-isip kami! Childhood friend ko kasi si Trish at kung san siya nag-aaral ay doon din ako. Pero sa school na nilipatan namin ni Trish nung second year ay nakadalawang taon kami. At.." putol ni Tane sa sinasabi niya. Nag-iingat sa pwede niyang masabi. Palihim siyang tumingin sakin. Huminga ako ng malalim at saka tumingin sa labas ng bintana. Tahimik silang nakatingin at naghihintay sa sasabihin ni Tane. "At.. hehe bigla kaming naboring dun kaya nag transfer kami dito. Nyahahahahaha ang ganda pala ng school niyo ano? Matagal ko ng gustong mag-aral dito pero kasi gusto ko classmate kami ni Trish kaya hindi ako nag-aral dito nyahahaha tyaka gusto rin ng mama ni Trish na dito kami mag-aral kaya pabor din si tita nyahahaha!" Grabe sa daldal.

BINABASA MO ANG
I'm in Love with a WATTPAD reader
Teen FictionI'm in love with a....... WATTPAD READER! *wink