Scene 1

2 0 0
                                    

Tondo, Manila.
Isa sa mga lugar na kinakatakutan ng lahat. Maraming tao, lugar ng kung sino't-sino. Tambayan ng krimen, mga lasinggero, basag ulo. At lugar ng mga Gangster! 😂

Kaya rin kilala ang lugar ng Tondo, dahil dito nakatira ang kinakakatakutan na lider kuno ng isang sikat na gang...

"Asiong!!!!" Sigaw ng isang lalaki.
"O, ano nanaman problema mo?" Sagot naman ng lalaki na nag ngagalan na Asiong.
"Pre! Hinahanap ka nanaman ng mga parak sa kanto! Sabi nila, may binugbog ka nanaman." Ganting sagot ng lalaki.

Tama kayo ng iniisip. Siya si Asiong. Nicasio "Asiong" Rodriguez Salonga. Isang sikat na leader ng gang sa Tondo. Kilala sa lahat ng masasamang gawain. Ang pag patay, mambugbog, mangurakot at sa paggamit ng ilegal na droga.

"Hindi na bago yun kay Asiong pare!" Patawang sabi ng isang lalaki.
"Manahimik ka nga! Baka ikaw tamaan ko!" Sabi ni Asiong.
"Easy pre! Mag relax na lang tayo sa bagong bukas na pasugalan doon sa kabilang bayan! Madami daw chickas dun! " panyayaya ng lalaki.
"Siguraduhin mo lang na matutuwa ako diyan ha! Kundi.." Ambang pasabi ni Asiong.

Nag sitayuan na sila sa pagkakatambay. At papunta sa kabilang bayan. Habang papunta sila, may nakabangga kay Asiong.

"ANO BA YAN!! NAK NG--- HINDI KA BA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO?! HA?!" Pagalit na sambit ni Asiong

"Pa--sen--sya na po! Hin--di ko po na--pansin na---" Utal na sabi ng lalaki

"ANO?! BOBO KA BA?! HA?!" Kwinelyuhan ang lalaki

"Wa---g po! Maa--wa po ka--yo Asi--ong! Hin--di na po mau--ulit!!"

"HINDI NA TALAGA!! KASI HINDI NA TATAGAL ANG BUHAY MO!!"

Pinigilan naman siya agad ng isang kaibigan niya.
"Uy-- pre! Tama na yan! Wag mo sayangin oras mo sa kanya! Tara na.." Hinihila si Asiong

Tsaka pinakawalan at tinulak ni asiong ang lalaki na hawak hawak niya.
"Umalis kana! Bago pa ko marindi lalo sayo, hayop ka!"

Sabay tingin sa paligid at sabi'ng,
"O, ANO?! LIVE SHOW?! BAKA GUSTO NIYO NA KAYO BUGBUGIN KO!" Pagalit na sigaw niya sa mga tao.

"Ikaw?! Tinitingin tingin mo diyan?! Alis! Panira sa mata!" Pagalit na sabi sa isa.

Umalis na sila ng tuluyan at tumuloy sa kabilang bayan para mag saya.

Kim Ik Doo Ng Pinas Where stories live. Discover now