"Pare! Panigurado magsasaya ka doon sa bagong bukas na sugalan!" Sabi ng lalaki.
"Eh kapag hindi?!" Dudang sagot ni Asiong
"Edi hindi!"
"Namimilosopo kana ah?" Ambang sagot ni Asiong.
Nang biglang may nag salita..
"Hello po! Magandang araw!" Ngiting sambit ng babae
Tiningnan ni Asiong ang babae na nasa harap niya mula ulo hanggang paa. Sabay sabi ng, "sino ka naman?"
"Ako si... At ito naman si..." Pagpapakilala ng babae. "Isa kaming misyonaryo dito sa lugar niyo."
"Oh, tapos?! Nako, miss. Wala kaming oras para sa mga kabaliwan niyo. Kaya, umalis ka na sa harap namin bago pa mag dilim panigin ko sa inyo." Sabi ni Asiong sa babae
"Oo nga miss, chupi." Dagdag na sabi ng kasama ni Asiong
"Sandali lang naman po ito. Magbabahagi lang kami ng salita ng Diyos."
Atsaka ginawa ang blank paper.
Pinutol naman agad ni Asiong ang babae at kinuha ang papel na pinagsusulatan nito. Sabay sabi, "ito ba ang salita ng Diyos?" Siningahan niya ang papel!
Tumawa naman ang kasama ni Asiong.
"Iba ka talaga pre!" Sabi ng isa."Bakit mo ginawa yun?" Nagtataka na tanong ng isang misyonaryo na kasama ng babae.
"Sa tingin mo, bakit?! Bobo ka pala miss eh! Hindi mo ba ako kilala?! Ako ang hari ng tondo! Ako ang Diyos dito! Wala ng iba! Hindi yan Diyos-diyosan niyo!" Sabi ni Asiong
Kinuha ng babae ang papel, sabay sabing "Ito ay salita ng Diyos. Dahil sa ginawa mo, maaari na matanggal yan ilong mo."
Tumawa ang tatlo.
"Nababaliw ka na ata miss. Hindi ka nababagay dito. Sa mental ka bagay!" Sabi ni asiong"Tara na nga! Hindi dapat tayo nakikipag usap sa mga taong walang magawa sa buhay." Pagyaya ni Asiong sa mga kasama.
Nakarating na nga sila sa bahay sugalan. At nag saya silang tatlo doon.
Nagsugal. Nag inom. Nambabae. Yan ang buhay ni Asiong. Walang ginawa kundi gumawa ng kasamaan.
Nang naoag desisyonan na ng kasama nila na umuwi, "Tara na, hatid na natin si boss."
Nang makauwi si Asiong, dumiretso siya sa higaan niya. At napaisip siya sa sinabi ng babae kanina.
Napatawa siya ng mahina, "Imposible na mangyari yun! Kabaliwan."
Napahawak siya sa ilong niya.
"Ito mawawala? Sa gwapo ko na ito, imposible talaga na mangyari yun. Diba?!" (Reffering to audience)"Makatulog na nga!" Napagpasyahan niya na matulog.
Pero, habang sa himbing ng tulog niya. Bigla siyang nagising at nagsisisigaw.
"Ang iloooooong kooooo!"
Kinapa niya agad ang ilong niya. At kumuha ng salamin!
"Nababaliw na rin ba ako?! Akala ko totoo na, panaginip lang pala! Pero parang totoo. Bakit ganoon?!" Inis na tanong niya sa sarili niya.
Napaisip siya bigla, "Hanapin ko kaya ang babae na yun! Sinumpa niya ba ko? O parusa na talaga sakin to ng Diyos diyosan nila?"
Napasabunot siya sa buhok niya, "Hindi pwede na mawala ang ilong ko! Kailangan ko siya hanapin."
Napagpasyahan ni Asiong na hanapin ang mga misyonaryo na nagbahagi ng salita sa kanya. At ito na nga ba ang pagkakataon para mabago ang buhay niya?