How Long Will I Love You?

36 6 19
                                    

DISCLAIMER:
It was my work, way back 2017.
Thank you and enjoy reading!
-A

"Truth or dare?"


   Sa akin tumapat ang boteng pinaikot nila. Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko sa dalawa. Kasi alam ko, kahit alin sa dalawa ang piliin ko, konektado lahat ng gagawin ko kay Matt.


   "Ang tagal mo naman mag-isip, Daisha Eleanor!" Malakas na sigaw ng kaibigan kong si Stanley.


   "Truth." Halos lahat sila ay nagtinginan sa isa't isa except sila Felicity at Matt.


   "May feelings ka pa din ba kay Matt, Daisha?"


   Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Komplikado na naman. Si Felicity na best friend ko ay may gusto din kay Matt. So, anong ang gagawin ko? Ipagyabang sa mga kasama namin na gustong gusto ko si Matt habang naririnig ng best friend ko? Hindi. Hindi pwede.


   Ayoko na maulit pang muli ang mga nangyari noon sa amin ni Felicity. Si Matt ang puno't dulo ng lahat kung bakit kami nag-away.


   "Wala." Matipid kong sagot at saka ako binuhusan ng tingin ni Matt.


   "Ah, punta lang ako sa classroom. Kukuhanin ko lang ang bag ko." Walang reaksyong sinabi ni Matt at sumunod naman sa kanya si Felicity. Alam ko naman kasing gusto nila ang isa't isa.


   "Kawawa naman ang Daisha namin, nandyan naman kasi si Hero oh!" Kantyaw nilang lahat sa'kin at napangiti nalang ako. Kailan ko kaya mararanasan ang mahalin ako pabalik ng taong gusto ko?


~*~


   Naglalakad na ako papunta ng classroom. Mag ga-gabi na at baka pagalitan ako ni Sister Vivian. Pero may naririnig akong sigawan. Huminto ako sa tapat ng pintuan at pinakinggan kung ano ang pinag-uusapan doon sa loob.


   "Mahal kita, Matt! Ano ba ang dapat kong gawin para malaman mong totoo ang sinasabi ko? Hirap na hirap na ako sa tuwing nakikita kitang kasama palagi si Daisha! Ayokong magkalabuan kami ulit ni Daisha kaya pakiusap,"


   Sumilip ako sa bintana nang makita kong naglapat ang labi nilang dalawa.

  

   Hindi ko alam dahil kung ano-anong sakit na ang nararamdaman ko. Akala ko tapos na ang sakit na dinanas ko sa kamay ni papa dahil palagi niya akong pinagsasamantalahan sa t'wing umaalis si mama. Akala ko tapos na ang sakit na naramdaman ko nung pinatay ni papa si mama. Tapos ngayon, nakikita ko ang best friend kong nakikipag halikan sa taong gusto ko? Masaya ako dahil masaya ang best friend ko, pero syempre nasasaktan ako dahil ang dahilan kung bakit siya ay masaya ay dahil kapiling na niya ang taong mahal ko. Bakit pa kaya ako binuhay? Sawang sawa na ako. Ayoko na.

 

    Tumakbo ako papunta sa lugar kung saan madalas naming pinupuntahan ni Matt. Dito nagsimula ang lahat, kaya mas mabuting dito ko na din tapusin.

  

   Flashback: Ten Years Ago

  

   Third Person's POV 

  

   "Ayoko na! Papa Jesus tulungan niyo po ako!" Sigaw ng batang babaeng kasalukuyang nakatayo sa dulo ng talampas. Nagtatangka siyang tumalon dito dahil sa kaliwa't kanang pagpapahirap sa kanya ng kanyang ama.

 

Tatalon na sana siya pero hinigit ng isang batang lalaki ang braso niya.

 

   "Bata, huwag!" Nadaganan ng batang babae ang batang lalaki sa paghatak nito sa kanya. Sabay silang tumayo at biglang niyakap ng batang babae ang batang lalaki.

  

   "Maraming salamat! Siguro nga, sinagot ni Papa Jesus ang hiling kong tulungan niya ako. At ikaw 'yun dahil pinigilan mo ako." Ngumiti naman ang batang lalaki.

  

   "Alam mo, sumama ka muna sa'kin at ililibre kita ng ice cream. Pero, ano muna ang pangalan mo?"

  

   "Ako si Daisha Eleanor Crisostomo. Ikaw? May pangalan ka ba?"


   "Malamang! Ako si Matt Chester Bartholomew. Ang cute ng pangalan ko, parang ako 'no?"


~*~

  

   Nagbabakasakali akong baka pigilan niya ulit ako sa gagawin ko ngayon. Nasa dulo na ako ng talampas at kapag humakbang ako ng isa, lilisanin ko na ang mundong ito. Pero sa ngayon, hindi na ako hihiling pa kay 'Papa Jesus' na tulungan niya ako. Hindi ko na kaya sapagkat gusto kong tapusin na ito.

  

   "How long will I love you, Matt Chester Bartholomew?!" Sigaw ko.

  

   Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa wakas, hinding hindi na ako makakaramdam ng sakit.

  

   "I have totally fallen for you! All that you do, all that you say, everything you are! You're my first thought in the morning, you're my last thought before I nod off and you're practically every idea in the middle!

  
  

   How long will I—"

How Long Will I Love You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon