After doing the last stunt, our Coach immediately shouted for a 30 mins break. They carefully held me down to the cheer mats as I thanked them and then I started walking to the side bleachers to take a rest.
Oh God this is so tiring. Nandito kami ngayon sa gymnasium nagpapractice para sa darating na cheerdance competition sa mga susunod na buwan. It's past 4:00 PM already pero medyo mainit pa rin kahit nakaaircon sa loob ng gym. I've been doing this for years but still I can't stop myself from complaining. Being a cheerleader, a flyer to be exact is harder than I thought. But I don't want to quit since ito lang din naman yung pinagkakaabalahan ko dito sa school.
"Avianna!" Audrie called while walking towards the bleachers. She looks happy and excited for whatever the reason is.
"Yes?" I briefly answered. Nakakatamad magsalita lalo na kung siya ang kausap. Kidding.
Ano na naman kayang kailangan ng babaeng 'to at talagang dumayo pa dito sa gym? Sa pagkakaalam ko may meeting sila sa main ah.
"Nothing babe. Tapos na club meeting namin, wala na kong gagawin so I came here."
"Whatever Audrielle, hindi ka pupunta dito na walang importanteng dahilan. Anyway where's Ariella?" I answered her as I rolled my eyes.
It's true though, hindi pupunta 'to dito na walang pakay. Knowing her baka may inaabangan or sinisilayang lalaki na naman.
"How many times do I have to tell you to stop calling me Audrielle, Lei?" She rolled her eyes calling me by my second name as if it will affect me.
The audacity of this bitch to roll her eyes at me. Ayaw niyang tinatawag siyang Audrielle kasi raw ang haba. What am I supposed to do eh yon naman pangalan niya? Sometimes I'm wondering kung "bitch" na lang ba palagi itawag ko sa kanya.
"Ang arte mo. So nasaan nga si Ariella?" Nauubusan na ako ng pasensya sa babaeng 'to ang daldal eh hindi naman sinasagot tanong ko.
"I don't know. By the way, ayon din pala pinunta ko dito. We saw each other earlier in the cafeteria she's inviting us to go to City Nights later around 8PM."
City Nights? Again? Nandon na kami nung isang gabi ano na naman bang ganap nitong si Ariella.
"Anong ganap?" I asked.
"Ewan ko don. Nagmamadali kanina di ko nakausap nang maayos." She said while scrolling through her phone.
Hindi na ako nakasagot dahil biglang umingay sa loob ng gym. Rinig na rinig ko ang malakas na pag-uusap at pagtatawanan ng mga basketball players ng university namin dahilan para mapatingin kami ni Audrie sa kanila. Agad din akong nag-iwas ng tingin at umayos sa pagkakaupo.
Wait-- what?! Akala ko ba wala silang practice game ngayon? Anong ginagawa niyang mga yan dito? Agad akong napatingin kay Audrie na ngayon ay nakaupo sa tabi ko at natatawa. I looked at her with annoyance and confusion.
"Uh-oh." She whispered while putting her palm in front of her mouth na para bang nang-aasar.
"Akala ko wala silang practice?" I mouthed but she just answered me with a shrug at bumalik na sa pagkalikot sa cellphone niya na para bang wala na ulit pakialam kahit alam niyang gusto ko na agad umalis dito.
Agad akong tumayo at lumapit kay Sabrina, one of my co-cheerleader na naghahandle ng schedules ng group. Siya rin ang tumatayong leader namin.
YOU ARE READING
His Siren Girl (Ongoing)
Teen FictionAvianna Lei is a well-known student in their university. Despite having many friends, she barely trusts anyone until she met Kalen Aziquel, her complete opposite. She started trusting him until their secret was revealed.