3

24 2 0
                                    

Sinabi ko kahapon na hindi ganoon kahirap ang ipinagagawa niya ngunit heto ako ngayon hirap na hirap. Paano ako makakapagsulat dito samantalang ilang araw pa lang kaming magkakilala. 

"Ano ba kasi ang sunod na ipinagawa niya?" inagaw sakin ni Rick ang papel na hawak ko at binasa naman nilang dalawa ni Vin yun ng malakas. Samantalang naiwan lang akong nakatulala pa rin, iniisip kung paano ko gagawin yun.

"Write 10 things about me. PS: BE SURE NA ANG SAMPUNG MAISUSULAT MO AY SASANGAYUNAN KO. Goodluck " pagkabas ay umupo lang si Vin sa tabi ko samantalang pumunta naman si Rick sa aking harap.

"Yun lang naman pala ay bakit parang hirap na hirap kang gawin.?" paanong naging yun lang yun? Lumingon ako kay Vin umaasang may isusuggest ito pero umiwas siya ng tingin. Madali pala wala namang maisuggest.

"Paano ko nga kasi gagawin yan ay hindi ko naman siya gaanong kakilala." napahilamos pa ako, wala talagang pumapasok sa utak ko. 

"Ang dali dali lutasin nito pinahihirap mo." Umupo pa muna si Rick sa tabi ko at nagpatuloy sa pagsasalita. "Ganito dre hanapin mo ang mga kaibigan niya tapos tanongin mo sila."

"Parang ang pangit naman nun pre. Kung magtatanong ka parang sila na rin ang nagsagot niyan." Tumango tango ako na tanda ng aking pagsang ayun kay Vin."I suggested na kung ano ang nakikita mo sa kanya yun ang isulat mo." Ramdam ko ang pagliwanag ng mukha ko sa sinabi niya may mas kwenta talagang kausap ang isang 'to kesa kay Rick. Pero kung susundin ko ang sinabi ni Rick mas mapapadali naman itong trabaho ko. Hindi ko na lang sila sinagot at pare-pareho na kaming tumayo para pumunta sa klase namin. 

Pagkatapos ng tatlong oras na klase ay nagkaroon kami ng 30 minutes breaktime .

"Mga Dre mauna na muna ako sa inyo."

"Saan ka pupunta?" Hindi ko na pinansin pa ang tanong nila at nagmadaling pumunta sa room nila nerd. Naririnig ko pa ang bulungan ng mga kababaihan na pareho pareho lang naman akong pinagpapantasyahan. Nang makarating ako sa classroom ni Nerd agad naman siyang nakita ng magandang mga mata ko.

Ang balak ko ay kausapin ang mga kaibigan ni Nerd. Sa kanila na lang ako magtatanong dahil nasisigurado ko namang hindi nila ako matatanggihan. Wala pang tumatanggi sa akin. 

"Look! Kevin is here" Sigaw ng isang babaeng nasa loob rin ng classroom

"Anong ginagawa niya dito?"

"Palapit siya kay Nathalie"

"Oh my ghadd bakit siya lalapit sa nerd na yan?" Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sinasabi nila at naupo ako sa tabi ni Nerd. Gulat naman itong napatingin sa akin.

"Bakit nandito ka?" Isinara niya ang librong hawak. Kadiri mga pimples nito.

"Wala lang. Hindi kaba kakain?" nakangiti akong tinannong si Nerd habang inililibot ang mga mata. Nagababkasakali lang na makikita ko ang mga kaibigan niya pero bigo ako. 

"Hindi ako kumakain kapag breaktime." umupo na ulit ito at itinuloy lang ang pagbabasa.

"Bakit?" Wala ba siyang pera? Sabagay mukha naman talaga siyang walang pera. 

"Kasi ayoko." sinarhan niya ng padabog ang kaniyang libro. "Bakit ka ba nandito?" Taray naman nito. Kahapon pangiti-ngiti ngayon mukhang titirisin na ako sa inis. 

"Wala I just want to see you. Nakita naman na kita kaya aalis na ako." Tumayo na ako sa inuupuan ko. Nerd ka talaga. Bumalik na ako sa classroom namin at naabutan ko dun yung dalawang ugok.

She's My TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon