044 | Author

20 0 0
                                    


a/n: paepal. Hahaha.

"Batang maputing bansot gumising kanaaaaaaa~" nakakairitang boses ang gumising sa isang dalaga na nag ngangalang 'Akira Lee'.

Napakamot siya sa ulo sabay tingin sa oras nang napamura siya. Hindi dahil late siya, dahil 3:03 palang nang umaga.

"Nang gagago kaba kuya?!" Galit na sigaw nito.

"Noooo~" pakantang sabi nito kaya't nag taka ang dalaga. Mataas ang nota nito kaya alam nyang hindi nya kuya yun.

Tumayo siya mula sa higaan niya at binuksan ang pintuan ng kanyang kuwarto.

"Ay palaka!" Sigaw nito pag bukas niya ng pintuan dahil nakita niya ang Kaibigan niyang si Luis na may hawak na malaking orasan na nakatapat sa numero na 5 at 12 na ibig sabihin ay 5:00 na.

Napasapo naman siya sa ulo, "totoo bayan? Bakit sa orasan ko 3 palang?!" Medyo nag tatakang tono na tanong ng dalaga kaya sinapok ni Luis si Mark na nasa tabi niya na may hawak na mikropono.

"Kaya pala late lagi tong si Akira eh!" Galit na sabi ni Luis kay Mark kaya naman tumawa to.

"Aba, ako'y taka at di pinapaltan ng babaeng iyan." Tawang tawa namang sabi ng Kuya ng Dalaga.

"Uhmmm!" Bigla naman silang napatigil ng may naamoy silang pagkain.

Lahat sila'y bumaba at hinanap ang amoy na nang gagaling at yun ay nag mula sa kusina.

"WAAAA! Who you?!" Gulat na tanong nitong tatlo.

Lumingon naman ito, at pak! Dinaig pa ang dyosa sa kagandahan.

"Ako nga pala si Seokjin but you can call me DyosangJinna." Magandang pagpapakilala nito. Kaya naman nahumaling ang tatlo sakanya.

"Anla, ano namang ginagawa mo dito?" Napakawalang galang na tanong ni Akira, dahil sa bata nitong itsura, matutukoy mong mag kasing edad sila pero nag kakamali kayo, tayong lahat. Halos pitong taon ang pagitan nila.

"Napakawalang galang mo naman bessy!" Ay puta. Isa rin pala siyang ganap na Beks! Na nararapat isama sa Gay7! Pero wag nalang, 7 na sila kaya no need sa iba pang member na beks.

Tinanggal nito ang wig nya at lumabas na ang tunay na kulay na lalaki siya at napakagwapo!

"Uhm, ur parents sabi to me na i should make alaga alaga the two of you! Ikaw kung sino ka man di ka kajoin kasi magkapatid na Lee lang! Hmp!" Turo turo nito kay Luis na kanina pa takam na takam sa pagkaing naamoy nya.

"Anyways, ayern na nga. Im one of your pinsan. I dont have trabaho so kaya i make payag payag. They will make bayad sweldo to me naman daw. So that is it i hope u understand." Nakanganga naman yung dalawang mag kapatid kasi magulo yung grammar at kailangang ayusin pero okay na rin yun atleast naintindihan nila kahit papaano.

"You know what, the two of you make upo upo na cuz i make hain the foods na!" Ang pabebeng sabi nito kaya't umupo ang mag kapatid.

"Hey! What about ako?" Tanong naman ni Luis na nakiconyo narin kahit nakakatanga na talaga.

"You are not kasali cuz i dont kilala you!" Sumimangot naman si Luis dahil ayaw siyang bigyan ng pagkain, Champorado ang niluto ni Dyosang Jinna na sa sasabihin ay paborito ni Luis kaya naman maluha luha itong nakatinging sa Dyosang Jinna.

"Dyosang Jinna, bespar ko yan. Kawawa naman oh, bigyan mo na." Paawa namang sabi ni Akira dahil nasusuka na siya sa Pag mumukha ng Kaibigan nya, na sa kahit anong oras ay kaya na nyang masuntok. Jusko!

Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon