056 | Akira

22 0 0
                                    

"WAAAAAA INA MO PAKYU PAASA KAAAA!" Sigaw ko sabay bato ng phone ko. Hayop paasa siya paasa!!!!!!! >.<

----

Nakaakbay sakin si Kuya Junior habang papasok ng school. Si kuya mark daw kasi madaming gawain sa school kaya maagang pumasok kaya yun hinabilin ako kay kuya junior.

Habang nag lalakad nakasalubong namin si Ella.

Napahigpit naman yung akbay ni kuya sakin.

Lumapit si ella at tumawa. "Malandi ka talaga no?" Sabi nito na parang walang kuya junior siyang nakikita.

Iniwas nalang kami ni kuya junior pero may mga alipores nanaman siyang bago. Am papanget naman.

"Pwede ba! Tigilan nyo na kaibigan ko?!" Galit na saad ni kuya junior pero sadyang pinalibutan kami ng mga panget nyang alipores. Pilit kong pinaalis si Kuya Junior dahil baka madamay lang siya, iba kasi to magalit walang sinisino.

"Kuya junior, alis kana pls wag mo nalang sabihin to kay kuya mar---"

"ANONG KAGULUHAN TO?!" Sigaw nang nakapaka familiar na boses! Boses ng Kuya ko. Sh*t!

Nakinig ko naman ang hiyawan ng estudyante. Ang Gay7 ay sobrang sikat dito. Pero kilala sila bilang Got7, kapag kaharap lang nila ako Gay7 sila HAAHHAA. De joke nagawa mo pang tumawa nag kakagulo na nga astig ka talaga akira lee!!

Agad namang nag si alisan yung mga panget nakapaligid samin ni Kuya Junior, nakakatakot na kasi yung aura ni kuya mark.

"Wow! Huh! Wag mong sabihing Buong Got7 nilandi mo? Iba ka talaga Akira Lee!" Sabi nito kaya naman lumapit si Bryle sakanya. Pagkakaalam ko crush ni ella to.

Sinampal niya si Ella, kaya napa whooa nalang ang mga estudyante. Lalaban pa sana si Ella kaso ako na ang pumigil. Tas sinampal ko siya ng pagkalakas lakas.

Napako siya sa kinatayuan niya. "Maganda ka ella, maganda ka kaya wala ka dapat ika inggit sa isang tulad ko.. Hindi ako makapaniwala na yung taong nagtatanggol sakin noong akin elementary pa ay siya namang binubully ako ngayong highschool na. Ella, kilala kita, alam ko ang tungkol sayo. Ella kung magiging bukas ka at iintindihin mo ang magulang mo ay maayos mo yang problema mo. Hayaan mo silang mag paliwanag kung bakit ka nila iniwan, bigyan mo sila ng chance na alagaan ka para maramdaman mo naman ang pagmamahal. Siguro aayos yang ugali mo, siguro naman babalik ka sa dati, dating masayahing ella. Umaasa ako na gawin mo ang sinabi ko. Wag kang mag alala, kung natatakot ka sa tita mo. Ako at ang Gay-este Got7 ang bahala. Ella, ang kulang sayo ay pag mamahal eh. Yun yun. Kaya ka nag kakaganyan." Sinampal niya ako pagkatapos kong umimik pero mahina lang naman tas niyakap nya ko. At ang kasunod nalang nun ay umiyak siya ng umiyak sa balikat ko.

Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon