Chapter 2

7 1 0
                                    

This is the day. The day na kung saan magpi-present na kami ng aming role play sa NSTP.

"Guys nabasa niyo naman na 'noh? 'Yong script?" Tanong ko sa kanila. Sa totoo lang kinakabahan ako eh. Paano kasi baka may mali pala sa naisulat ko tsaka nakakakaba ang role ko. Isa ako sa magdadala ng play kaya dapat galingan ko para mataas ang makuha naming grade.

"Yep. Kaya yan noh. Sus tayo pa ba?" Pagyayabang ni Arnold. Makapagyabang 'to kala mo anlaki ng part niya eh noh. Eh bouncer lang naman ang role niya. Tatayo sa gilid tas pipigilan ang mga panauhin (char!) kapag nagkainitan na. Haha!

"So guys kapag nakalimutan ang part ang gagawin lang ay ang mag-adlib tayo? Okay? Alam naman na ninyo ang flow eh kaya madali nalang 'yon." And I gave each one of them my encouraging smile. I was taken aback no'ng nagka-eyes-to-eyes kami ni Pahlk and nginitian niya ako saying

"Goodluck!"

I am not that rude so nag-smile back ako sa kanya. Tumalikod na ako sa kanya after that.

"Mano po nay, tay."

"Kaawaan ka ng Diyos anak." Sabi ng ina ni Sarah.

"Kamusta ang school 'nak? Mukhang pagod na pagod ka ah." Wika ng ama ni Sarah habang pinupunasan ang pawis na namuo sa noo ng anak.

"Okay lang naman 'tay. Napagod lang po ako sa practice namin kanina sa sayaw pero okay lang po ako. Kung pwede po mauna na ako kwarto." Nasundan na lamang ng tingin si Sarah ng kanyang mga magulang.

Sa kabilang banda naman dumating din galing sa paaralan si Joyce.

"Hi mommy." Sabay beso ni Joyce sa kanyang ina.

"Hello anak. Kamusta ang school? Mukhang malungkot ka ah." Puna ng ina ni Joyce sapagkat malungkot ang boses ng anak.

"Nah. Okay lang ako mommy sadyang napagod lang ako sa practice namin kanina. Where's dad by the way?"

"Nasa trabaho pa ang dad mo. He'll be here in a while."

"Mom mauna na muna ako sa kwarto ko."

"Okay."

"Ang play na pinakita namin ay isa sa mga katangian ng isang Pilipino at kung ano na ang nangyayari dito sa kasalukuyan. Ang katangiang ito ay ang pagmamano sa nakakatanda at ang pagsasabi ng 'po' at 'opo'.  Mapapansin naman natin na kaunti nalang ngayon ang nagpa-practice ng mga katangian na iyon. Masyado na  kasi tayong nasasanay sa practice ng mga taga ibang bansa kaya ang nangyayari unti-unti nang nawawala ang essence ng pagka-Filipino natin. So in our play we are implying that we should practice and act our traditions 'cause it's what who makes us who we are. 'Yon lang po and thank you and lastly we are the group 4."

Palakpakan naman kaming mga classmates ni ateng para sa kanyang well-spoken speech. Hihi. Pero infairness may point siya. Kudos to you girl.

"Now we go to the group who will present the gender inequality which is the group 5." Sir Makadiyos

"Pwesto na tayo guys." Ani ni Shaya habang tumatayo siya

"Magandang umaga mga ka-face talkers! Kami ang emcee niyo sa umagang ito. Ako nga pala si Sherly."

"At ako naman si Jae." Sabay tingin kay Sherly sign na sabay kaming magsabi ng

"At ito ang face-to-talk!"

"Naku! Partner alam mo bang ang guests natin ngayon ay mag-asawa?" Chika kunwari ni Sherly sa akin

"Yes naman partner. At alam mo bang ang problema nila ay tungkol sa usaping trabaho? Si mister daw kasi ayaw pagtrabahuin si misis at ito namang si misis gustong magtrabahn. Haaay naloloka ako sa kanilang dalawa." Madamdamin (char!) kong pahayag.

The Guy Who Gave Me TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon