fluk•ey un

6 1 3
                                    

"Ninang puntahan ko lang po sila allen sa playground."

"Ok ingat. Sabihin mo kay lola punta na dito sa 2nd floor kase mag dinner na kamo."

"Sige po."

Nasa SM Aura kami ngayon. Gusto kasi ng ninang ko dito kumain ng japanese food, naglilihi nanaman ata. Sosyal siya maglihi ha. 😑

Papunta na ako sa escalator ng may makakasalubong akong lalaki. Napatingin ako sa kanya habang kausap niya yung dalawa niyang kasama na mukhang magjowa ata. Wow third wheeling? Hahaha. Gwapong third wheel naman.

Nang makatapat ko na siya sa paglalakad ay napatingin rin siya sa akin habang nakangiti. Ooppss di siya ngumiti dahil nakita niya ako. Napangiti siya dahil dun sa sinabi ng kaibigan niya. Gurl wag assumera!

Gwapo siya infairness. Shemay ang landi ko nanaman. Ang lakas kaya ng appeal niya oh! Oemzii. Naka white shirt siya, jogger pants, shoulder length hair na naka half ponytail, at nakasalamin siya. Nakow. Ganyan mga type ko ohmy. Hawtt ayttss.

Hindi naalis yung tingin ko sa kanya hanggang sa makalampas na siya. Sumakay na ako sa escalator at pinuntahan yung pinsan ko. Pagbaba ko hindi pa sila tapos maglaro. May time kasi, dapat 1 hour lang kaso mukhang hindi pa nakaka isang oras kaya naisipan kong umakyat nalang ulit. Pagka akyat ko nakita ko ulit yung lalaking long hair. Tinitingnan niya yung TV habang yung dalawa niyang kasama eh naglalampungan.

May gf kaya siya o bf? Jookeee hahaha. Puntahan ko na ba guys? Hahahaha

Nakita ko siyang pumasok sa national bookstore kaya naisipan kong pumunta rin dun hahaha. Well mahilig naman ako magbasa kaya titingin na rin ako ng libro. Nako multitasking ito. Titingin ng book habang nag boboy hunting. Wotwot. 😉

Pagpasok ko nakita ko siyang tumitingin ng mga fictional books. Ayy bookworm din ang isang to ah. Magkakasundo kami. 😏

Okay ito na ang lola niyo. On the move na. Pumunta ako dun sa opposite side nung bookshelves kung saan siya tumitingin. I try my best para hindi niya ako mahalata na sinusundan ko siya. Mukhang hindi naman, kasi busy parin siya sa pagtitingin kaya ginrab ko na yung chance para tingnan siya habang kunware eh kumukuha ako ng libro.

...

Pero sa kashungahan ko naman ay dumulas sa kamay ko yung librong kinukuha ko at nabagsak. Kaya agad kong inalis yung tingin sa kanya at agad kong kinuha yung nahulog na libro. Napansin kong napatingin siya, kaya agad agad akong tumayo at nilagay sa shelf yung libro at nag switch sa kabilang bookshelves.

Nako naman! Ang taeeeeee! 😖

Kaya para hindi ako mahalata nagtitingin ulit ako ng book dun sa pinag switchan kong shelf. Hindi ko na nga alam kung ano na yung tinitingnan ko.

...

"Nagbabasa ka ng coloring book?"

Napatingin ako dun sa nagsalita sa gilid ko at magkaka heart attack ata ako. Siya yung nagsalita. Yung lalaking may long hair na kanina ko pa sinusundan. Inulit niya ulit yung tanong niya kasi hindi ako sumagot nung una. Kaya tiningnan ko yung hawak ko. Seriously? Peppa pig coloring book? Damn gurl! Shunga shunga mo talaga eh. 😫

"Ah eh hehehe. Bibigay ko sa cousin ko. She likes peppa pig at ang magcolor rin hehehe." Yun nalang yung sinabi ko at tumingin sa kanya.

He smiled at me then left...

fluk•ey Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon