chapter twenty three

42 1 0
                                        

Bella's Pov

Matapus makababa ni jin .. tinapos ko naring paliguan si blaire habang binibihisan ko sya parang feeling ko mamimiss ko sya .. gusto kong titigan ang anak ko ng hindi ko alam ang dahilan .. kaya matapus kong bihisan si blaire bumaba muna ako at binuhat si blaire . 

Ibinigay ko muna si blaire kay suga

"Suga sayo muna si blaire may bibilhin lang ako sa grocery" sabi ko

"Gusto mo samahan na kita?" Sigaw pa ni jimin mula sa kusina

"Tss wag na ang lapit lang naman" sabi ko

"Magdadala gusto mo ng katulong?" Sabi naman ni namjoon

"Sus diaper lang ang bibilhin ko hindi pang birthday party.. sige na alis na ko" sabi ko

"Magingat ka!" Sabi nila ng sabay sabay

Ngumiti lang ako at oumunta na sa grocery ..

*AT GROCERY*

tumingin tingin ako ng diaper ..ng makita ko ang isang pack na marami na ang laman inaabot ko na ito pero ang taas, ng makita kong may papahulog na bote ng alak galing sa taas ng istante ng mga diaper napapikit nalang ako at tila iniintay na masaktan ako sa pagbagsak ng bote sa ulo ko

Pero wala akong naramdaman

"Sorry po .. buti nalang at nakuha ko" sabi ng isang lalakeng hawak na yung bote

"Hayyy oo nga eh buti nalang" sabi ko

Pumunta na ko sa counter .. habang nakapila may nahagip ang mga mata ko na kpop store .. napangiti nalang ako ng maalala ang mga araw na bumibili ako ng mga merchandise nila

Pagkabayad ko dumeretso muna ako sa kpop store na iyon .. may nakita naman akong napaka cute na pang baby na tshirt kaya naisip kong bilhan si blaire .. binayaran ko na ito at lumabas ng grocery ..

Paglabas nagulat nalang ako dahil sa sobrang trapik sa harap ko ..

Ng bigla namang tumawag si suga

"Bellaa" sabi ni suga na parang kinakabahan

"ano?!" Sabi ko

"Si blaire tumitirik ang mata .. bilisan mooo!!" Sabi nya

"Huh?! Teka anong nagyari?" Sabi kong ng naiiyak na kasabay ng paglakad ko sa kalsada ..

Ng bigla namang may humarurot na kotse sa harapan ako ..

Napahiga ako sa sobrang lakas ng salpok sakin .. papikit pikit na ko ng makita kong ang daming tao na ang pumapaligid sakin par humingi ng tulong .. at nag black na ang lahat..

SUGA's POV..

"Bella?! Bella?! Anjan ka pa ba ? Bella?!" Sabi ko pero wala ng sumasagot

Ng bigla namang pawis na pawis na umuwi si jin

"O?! Bakit?" Sabi naming lahat

"Si b-bella" sabi nya ng pawis na pawis namumula at nauutal pa

"Anong nagyari kay bella?" Seryosong sabi naman ni jungkook

"N-nabangga sya ng kotse dun sa may high way bilisan nyooo" sabi nya

Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naisip kong pumunta sa kotse ko para pumunta sa ospital

"Sasamahan nakita sa ospital" sabi naman ni jimin sakin

Nagmamadali na ang lahat ...
Si jimin narin ang nagmaneho ng kotse ko dahil sa pagaalangang baka ma disgrasya pa kami sa sobrang kaba ko pag ako pa ang nag drive .. ni mga kapit bahay namin nabulabog sa sobrang kakakabahan namin ..

dali daling dumeretso kami sa ospital at swerteng may umalalay agad saming mga nurse at pinapunta sa emergency room si blaire ..

Maya maya lang nakita na namin si bella na duguan ang parteng ulo dala pa ni jungkook ang plastic ng diaper na binili nito sa grocery

Bakit ba nagsabay pa kayo?
Saka taehyung asan kana ba kailangan ka ng magina moooo ..

Sinabihan ko si jimin na contakin si taehyung ..

Ng makasagot na si taehyung ibinigay sakin ni jimin ang phone nya para ako ang mismong kumausap dito ..

"Taehyung!! Asan ka?! Naaksidente ang asawa mo si blaire naman may sakit! Asan ka ba?! Hindi ba pwedeng takasan mo muna yang babaeng yan para sa pamilya mo?" Sabi ko

"Ano?! Teka anong lagay nila ngayun?!" Sabi nya

"Pumunta ka dito ng malaman mo!" Sabi ko at pinatay ang phone ..

TAEHYUNG's POV..

Nagmadali na kong magimpake ..
ng biglang pumasok nanaman ang surot sa kwarto ko ..

"Saan ka pupunta? Naghanda ako ng miryenda oh" sabi pa nya

"Jessice .. listen .. yung magina ko kailangan ako ngayun .. yung anak ko may sakit tapus yung asawa ko naaksidente kaya pls kahit ngayun lang palabasin mo ko"sabi ko

"Tss buti nga sa kanila" sabi pa nya

Naginit na ko at sinabunutan si jessica

"Pagmay namatay sa kanilang dalwa pagbabayaran mo! Papatayin kita ilang taon mo na kong kinukulong dito! To toturin kitang hayuf ka !" Sabi ko

At nakita ko naman ang takot sa muka nya kaya dali dali na kong lumabas ng kwarto ..

Ginamit ko ang kotse ko papuntang hospital at mga ilang minuto lang ay nakarating na ako agad agad ..

Dumeretso ako sa emergency room at nakita silang nagiintay sa labas

"Taehyung?" Sabi pa ni jimin

Ng bigla naman akong sugudin ng suntok ni jungkook

"BAKIT BUMALIK KA PA?! ANO?! NAKITA MO? NAKITA MO NA NGAYUN KUNG GAANO NAGHIHIRAP ANG MAGINA MO DAHIL WALA KA! ALAM MO HINDI KA TAO EH .. DEMONYO KA!" sabi nya ..

Habang tuluyan ng tumulo ang nga kuha ko sa mata

Inawat sya ng iba at ako naman pinaupo nila suga

Hindi nalang ako nagsalita dahil iyak na iyak na talaga ako dahil narin sa pagsisisi sa mga nagawa ko at sa pag aalala sa magina ko .. pagmay nangyari sa isa man o pareho man sa kanila hindi ko alam kung anong magiging resulta nun sakin ..

Maya maya lumabas na ang doctor ..nagsilapitan naman kami dun

"Ano pong lagay nila?" Sabi ni suga

"okay na yung baby .. nilalagnat lang sya ng kaunti .. pero yung nanay nya mejo kritikal pa .. nadamay ang luob ng ulo nya dahil na rin siguro sa sobrang lakas ng tama sa kanya ng sasakyan at sa pag bagsak ng ulo nya sa sahig .. kailangang maiconfine ni bella for 2 to 3 years para maayus at makaricover .. "sabi ng doctor at saka umalis ..

Nadismaya ang lahat masaya kami na ayus lang si blaire pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman namin para kay bella

SUGA's POV

"Dapat talaga sinamahan ko na sya " sabi ni jimin

"Walang may kasalanan sa kahit sino sa atin lalong lalo na kay bella .. aksidente ang nangyari syenpre hindi natin yun inaasahan" sabi ko

"Hindi rin .. kasalanan ko to .. dapat nandun ako nung mga oras na kailangan nila ako yung mga oras na ulti mo pampers dapat ako na yung bimili dahil si bella hirap na hirap na sa pag aalaga kay blaire ang dami dami kong pagkukulang sa magiina ko kaya sana malutasan ko lahat yun" sabi ni taehyung

"Ngayun pa?! Ngayun mo pa naisip umalis jan sa jessica mo kung kelan may nangyayari na sa mag ina mo?! Huh?! ngayun pa?! Taehyung dapat NOON PA! taehyung akala ko magiging mabuting asawa ka kay bella nuon pa eh akala ko nagiging mabuting ama ka sa magiging anak nyo na sa ngayun eh nanjan na pero hindi mo ba naisip na nakakaawang walang kilalaning ama yung anak mo? Sana nag isip ka ! DAHIL NAPAKA BOBO MO!" sabi ni jungkook pagkatapus ay umalis . 

Naiintindihan ko ang galit na nararamdaman ni jungkook dahil narin sa pagmamahal nya kay bella hindi narin nakagalaw pa si taehyung at tahimik na umiyak nalang habang nakatitig kay bella

-------------------------
Sorry ngayun lang nakapag updatesuee😘😂
-utur

I'm His Wife Stories to obsess over. Discover now