10 Years Later...............
"Sabi ko na nga ba andito ka lang eh. Tssk!."
Naka ngising wika ni Mark at pabagsak itong naupo sa Bench kong saan naka upo ang kaibigang si Avril.
Nakaharap ang dalawa sa isang malawak at napaka gandang lake na malapit lamang sa paaralan nila. Dito sila madalas tumatambay pagkatapos ng kanilang klase.
"Hoy, best! Wala ka man lang bang sasabihin?." Untag ni Mark sa kaibigan na di parin kumikibo. Naka simangot parin ito habang ang mga mata'y naka focus sa mga bebe na nagtatampisaw sa may lake.
"Best ok ka lang?" saglit itong napahinto sa pagsasalita na animo'y may iniisip. "Aminin mo nga nagseselos ka noh?."malapad na ngiting wika ni Mark na may halong pang aasar.
"Huhh ako nagseselos?" Mukha mo Marco! Di noh! Jan ka na nga." Taas noong saad nya sabay lakad at iniwan si Mark sa may upuan.
"Yan tayo best eh deny pa more." naka ngising wika nito.
"Hoy best kong nagseselos ka kay Kate tinutulungan ko lang naman yong taong gumawa ng project nya. Yon lang yon kaya wag kanang mag seselos." Nang aasar parin na sigaw nito.
"Mukha mo di nga ako nag seselos. Ano uupo ka lang ba jan?Wala ka bang balak tumayo at ng maka uwi na tayo Mr.Read?" Diffensive at taas kilay na tugon ni Avril.
Oo nga tama ang sinabi ni Mark. Nag seselos nga sya pero hindi maaring malaman iyon ni Mark. Kaya todo-todo na lamang ang pag deny na ginawa niya. Hindi maaring malaman ng kaibigan na may lihim siyang naramdaman para dito.
Tatayo na sana si Mark para sumunod na kay Avril. Ngunit na agaw ng kanyang pansin ang cute na kulay yellow na notebook ng kaibigan na naiwan sa may upuan.
"Hey best diary mo ata to oh" sigaw nito habang naka ngisi parin. Lumaki naman bigla ang mga mata ni Avril at dali-dali itong tumakbo pabalik sa kinaroroonan ng kaibigan.
"Mark dont dare to open that or else mag kakalimutan tayo."seryosong sabi nito..
"Nah ano ba kasi ang laman nito at napa ka confidential naman ata at kong maka react kapa daig mo pa ang may malaking lihim na takot mabunyag haha okay ka lang?"
"I said don't dare to open that Marco!Sinasabi ko magagalit talaga ako sayo!Kapag sinubukan mong buksan iyan" seryosong saad ni Avril.
Kaba at takot ang nangingibabaw kay Avril ngayon habang patuloy ang pakikipag agawan sa kanyang diary na nasa mga kamay ni Mark. Dahil malaki ang posibilidad na mabunyag na ngayon mismo sa harapan ng kaibigan ang kanyang matagal na tinatagong lihim at hindi pa niya ito napaghandaan.
"Hey give it back to me Mark Read! That's not yours!" Ano ba, Mark!" Inis na sabi nito
"Mark please I'm begging you give it back to me na." halos mangiyak-ngiyak na nasabi nito.
"Hey! teka lang, gusto ko lang namang mabasa ang laman eh. Ano kaba chillax lang ang weird mo ah haha." Naka ngising turan ni Mark at itinaas pa lalo ang hawak na diary ni Avril para di ito makuha sa kanya.
"Marrrrrrrkkkkkkkkkkkkkkkkk!!!"
Parang binuhusan ng mainit na tubig si Avril sabay takip ng kanyang bibig ng di nag paawat si Mark at binuksan talaga nito ang kanyang diary.
"Dear Diary,"
Ngunit sandali itong natigilan ng nasa kalagitnaan na sya ng kanyang binabasa.Pagkuway seryosong tumingin kay Avril.
Nabigla sya, at tila di makapaniwala sa kanyang nalalaman.Ngayon lamang nya napag tanto na ganun na lamang ang labis na pag tutol ni Avril na wag nya iyong buksan.Dahil nakatala lahat duon ang lihim na pag-ibig nito para sa kanya mula nuon hanggang ngayon.
YOU ARE READING
Power Of Desire[Mark Read's Fanfiction]
FanfictionI could never live this way If only you'd forgive We'll start again With all my heart All my love for you I Love You Baby! -Mark