First year HS begins in
3
2
1
Boom!
***
St. Ignacio's De Loyola University2 weeks ago after the Opening of School.
"Clint!!!!" Sigaw ng tropa kong si Yuan.
Nakasimangot akong lumingon "Bakit ?" Naiinis kong tanong."San ka pa pupunta? Math na ang sunod na subject at ikaw ang magsasagot ngayon ng equation sa board. Mag ready ka na pare. Ipapahiya ka ni Mam Saul mamaya sa harapan" nagaalalang sagot ni Yuan habang pinagpapawisan
"Ee ihing ihi na ako e" tumakbo na ako sa papunta sa CR
Nang nilingon ko si Yuan kakamot kamot syang pumasok sa room.
Takot naman talaga ako dun sa teacher kong yun, kaso baka mas lalo akong maihi kung makita ko sya agad.
I love Math pero nung natalo ako sa Math Quiz National Championship bigla akong nag laylo parang tinamad na akong mag-aral.
Tsaka alam ko kung bakit kabado si Yuan kasi kung hindi ako ang makasagot sa board, eh dahil sya ang kasunod ko sa upuan ay malamang na sya ang magtatama ng sagot ko. Napatawa na lang ako sa naisip ko.
Matalino naman yun sa Math kaso sa sobrang ganda ni Ms. Saul bigla na lang nabobobo."Hep Hep!" Sigaw ng isang babae na nakaharang at nakadipa pa sa harap ko.
"Mabait ka naman diba? Peram naman ng book sa Values pleassssee" sunod sunod nyang salita. Naka pout pa sya.
Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa room ko at kunin ang book.
"Good you're here Mr. Martinez answer the problem #4 on the board. No notes?" Maidiin nya pang sabi sa NO NOTES!
Patay!
"Mr. Clint, explain your answer!" Sabi nito
"A-----h-m..." pinagpapawisan na ako ng may biglang nag excuse.
"Excuse me po Mam, may I speak with Mr.....(hinahanap ako) him, Mam (sabay turo sa akin) " sabi nung babaeng nanghihiram ng book marahil nainip sya.
"Why? Miss? He is busy, he needs to explain his answer before you excuse him" mataray na sagot ni Mam
"Ahm Mam this is urgent, Ms. Principal wants to talk to him. I dont know why Mam. Ahm but its okay Mam..I will tell to Ms Principal that.. That boy is busy in his Math class. Thanks Mam" sunod sunod na sabi nung babae
Nung akmang aalis na ang babae ay biglang umimik si Mam.
"Go Clint! Go to Principal's office" mabilis na sabi ni Mam na mukhang kinabahan
Paglabas ko ng room bumulong agad yung babae sa akin.
"San na yung book?" Naiirita nyang maktol
"Ah wait kunin ko lang" madali kong kinuha ang book sa mate ko na hiniraman ko bago ako lutuin sa unahan ni Mam naiwan ko kasi ang book ko kaya kinailangan ko pang manghiram sa iba para sa babaeng to.
"Oh heto na," sabi ko
"Salamat," akmang aalis na sya ay pinigilan ko
"San ka pupunta?"
"Sa room, sabi ko kay Mam naiihi ako, e kukunin ko lang naman tong book." Sagot nya habang nakangiti
"Ah hindi mo ako sasamahan sa Principal's office?" Takang tanong ko
BINABASA MO ANG
Ex, Ikaw pa din
RomanceFirst year high school noon nang makilala ko si Vennise. Nagkakilala kami sa isang piraso ng papel na ang nilalaman ay "Salamat". 2017