One shot story po ito by Momoochi :)
I hope the readers will like it!Gommenasai- (I'm Sorry)
************
Saan kana kaya, Yuko? Hanggang ngayon kasi umaasa ako na makikita pa kita, mayayakap. Natandaan ko pa nga eh, nong unang nagkita tayo sa Japan. May business kasi sina Mama at Papa doon sa Japan kaya napadpad rin ako doon dahil sinama nila ako. Nakilala kita sa school, kung saan binubully ako dahil hindi naman talaga ako marunong mag japanese. Haays, di naman talaga ako taga roon eh. Kaya nong uwian, inilagay ng kaklase natin yung bag ko sa trash can, umiiyak nga ako nun eh. Nabigla nalang ako nung inilahad mo yung kamay sa akin. Akala ko pagtitripan moko, kaya di kita pinansin, nalaman ko pala na half filipino ka kasi alam mo ring mag tagalog. Mali pala yung iniisip ko na bubullyhin mo lang ako kasi kinuha mo yung bag ko galing sa trash can tapos pinagpagan. Buti lang hindi gaanong karumi iyon. Doon tayo nagsimula!
Hanggang sa magkalapit tayo sa isa't-isa. Naging bestfriends na tayo, di ko pa rin nakalimutan nong tinuruan mo ako kung paano mag jajapanese. Kaya ayun! Marunong na ako mag japanese! Salamat pala ah? Sobra sobrang salamat. Dahil sayo, nagiging matatag ako. Dahil sayo, hindi na ako yung dating babaeng hinayaan lang na mabully. Ang sarap nga sa pakiramdam nong dumating ka sa buhay ko, kasi worth it.. Worth it din yung pagpunta ko sa Japan.
Alam mo, ang sarap mong titigan kapag kumakain ka ng ice cream.
Naalala mo pa ba noong Highschool pa tayo? Nagpapasama ka sa akin sa tindahan ng icecream? Nanglilibre ka nga eh. Sabi mo pa sa akin natreat mo kapag sama ako, kaya ayun! Sumama ako. Di ko akalain na pareho pala tayo ng gusto, Cookies n' Cream flavor! Habang kumakain ka ay tinitigan kita, hindi mo iyon alam nuh? Habang dinidilaan mo yung natitirang icecream sa bibig mo ay ang hot mo! Hahaha! Oo di ko na maitanggi yan. Eh kasi. Aside sa kagwapuhan mo, mabait ka pa, gentleman, maalagain, tapos ang rami pa! Kung may magiging girlfriend ka nga eh ang swerte niya sayo. Kasi nandiyan na lahat ang maganda sayo.
Naalala mo rin ba? Nung palagi tayong tinutukso ni Mommy tsaka Daddy? Simula kasi nong ipinakilala kita sa kanila ay hobby na talaga nilang ipagkanulo ako sayo. Diba bestfriends palang tayo noon?
Noong sabay tayong pumasok sa school? Ako lang sana yung bubullyhin nila kaso tayo nalang dalawa. Tinapunan pa nga tayo ng itlog sa ulo natin eh, di nga natin alam kung bakit natatawa lang tayo habang tumatakbo palabas ng school at tumambay nalang sa isang garden na patago. Kahit na malagkit na yung ulo natin ay patuloy pa rin tayo sa pagtawa.
Nasasabi ko nga na..
Ibang klaseng lalake ka, Yuko. Ibang iba.Nong dumating ka kasi sa buhay ko ay parang nawala lahat ng tinik sa dibdib ko, nawala lahat ng problema ko, nawala lahat ng stress na nakapalibot sa katawan ko. Para nga ikaw yung stress reliever ko.
At naalala ko rin yung prom. Akala ko may ibang isasayaw ka kaso ako pala yung isasayaw mo, sabi mo nga eh na yung bestfriend lang yung isasayaw mo. At doon ka rin naglabas ng feelings mo para sa akin.
"Skida, Elle"
- (I love you, Elle)Alam mo, sobrang tuwa ko non kasi the feelings are mutual!
"Crush na kita simula nong tinulungan kita sa mga bullies na iyon, ang ganda mo kasi"
At doon rin ako naglabas ng feelings ko para sayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/107433887-288-k614322.jpg)