Dear ASHRY (4)

268 4 0
                                    

July 25 (Wednesday)

Dear Ashry,

AYYOOOOOOOKOOOO NA!!!!!!!

SAWANG SAWA NA AKOOOOOOO!!!!!!

ANSAAAAAAAAKIIIIIIIIIIIIIT NAAAAAAA!!!!

Anniversary namin ngayon ni Kevin eh.

Alam mo yun?

Yung di niya na nga naalala, tapos sinaktan niya pa ako.

Oo, tama ang nabasa niyo, anniversary namin ngayon. 

Anniversary ng so-called- FRIENDSHIP namin.

Akalain mo yun, 11th anniversary na namin.

Umabot kami dun sa 11 years na mag kaibigan?

at umabot na din pala sa 11 years ang aking KATANGAHAN!

yeah. that's right. kinder palang ako, I really do feel something special for my bestfriend.

Dati crush ko siya kasi mabait talaga siya.

Lagi kami niyan magkatulong sa mga projects, assignments and everything. 

At akalain niyo yun, sa 11 years naming magkasama, 11 years na din naman siyang nagpapakatanga kay Andrea.

Sh*t ano ba kasing na kay Andrea? At ganoon niya nalang niya kamahal si Andrea?

Ahy, di ko pa pala nasasabi sainyo noh?

Alam ni andrea na kahinaan ko si Kevin dahil nga diba, magbestfriend kami D-A-T-I.

pero, dati yun.

Ahy oh, back to the real thing that juast happened a while ago in school.

Sobrang saya ko kanina, mag kakaroon daw kasi ng contest BUKAS sa Mathematics.

Napili kaming tatlo nina Andrea and kevin.

Pina take kami ng several examination para pumili lang ng dalawang ikocontest.

Oo, matalino si Kevin, bukod sa varsity player yan 3rd honor namin yan.

Matalino siya sa Math.

Sa dinami dami ng exams na tinake namin.

Sa kahuli hulihan.

WAHAHAHAHAHAAHHAAHHAHAHA!!

KAMI NI KEVIN ANG NATANGGAP!!

An sama ko noh? ansaya ko kasi kami ni Kevin.

Yaan niyo na. minsanan lang mangyari to. kami kasi lagi ni Andrea magkasama eh.

Oh kung hindi naman sila lang ni Kevin ang magkasama sa contest.

First time nga ito na nahigitan ko si Andrea sa Math eh.

Alam kong favorite na favorite niya ang Math.

Ang sama ng tingin niya saakin kanina.

Tapos alam kong mahal na mahal ni Kevin si Andrea kaya guess what kung ano ginawa ni Kevin?

Nakiusap siya kay Ms. Fuente na kung pwede daw palitan nalang siya ni Andrea, gumawa pa siya ng mga lame excuses. Kesho daw magfofocus siya sa laro tapos daw next month na daw yung contest niya sa History mas priority niya daw yun.

Pero ang alam ko MATH talaga ang pinakamamahal niyang subject. at dahil lang kay Andrea, ipagpapalit niya ito?

Damn. Ano bang klaseng gayuma pinainom sakanya ni Andrea at pati mga gusto niya kailangan niyang isacrifice para sa babaeng yun.

Kung ako nalang kaya minahal mo, edi wala kang kelangang isakripisyo.

Hindi siya pinayagan ni Ms. Fuente kasi nga siya ang pinakamagaling sa math and always champion siya,.

Sobrang saya ko kanina kasi wala na siyang magagawa, its final na di siya pwede mag back out.

Pero nasira yung kasiyahan ko nung nilapitan ako ni Kevin.

Akala ko noon igegreet niya ako ng happy anniversary o kaya makikipagbati na siya kasi nga diba inaway niya ako kahapon i mean, di niya ako pinansin maghapon.

Kaya lang.....

Nakiusap lang naman siya sakin na kung pwede i give up ko daw yung slot ko sa Math contest para daw kay Andrea, ako na daw bahala gumawa ng excuses.

Sh*t ano ba to?

Sabi niya pa, take it or leave it daw.

Nasa saakin na daw kung susundin ko siya o hindi na talaga kami magpapansinan for the whole lifetime.

And there! there I go! 

Pinairal ko ang katangahan ko, ang pagmamahal ko sakanya, ang pagkagago ko at ang pagka super understanding BESTFRIEND AT LOVER NIYA!

pumunta nga ako sa office ni Ms. Fuente at nakiusap dun na palitan ako kasi pupunta akong Manila pero biglang nag call si Ms. Fuente kay kuya at nalamang hindi naman pala ako aalis. 

So, yun nga, lahat ko na ginawa, hindi pa rin pumayag si Ms. Fuente.

Nagreview kami maghapon.

Nung uwian na, nagpaiwan ako kasi alam kong nagpapractice pa yun si Kevin sa gym sa basketball.

Hinintay ko siya. Magsosorry sana ako dahil di ko nagawa gusto niya.

Nung pagkalabas na pagkalabas niya, nakita niya ako.

sinalubong ko siya.

Nginitian ko siya. pero di malamang expression ang nasa mukha niya,.

Nagsorry ako sakanya at nag explain alam mo ba ang sinagot niya?

eto oh, tandang tanda ko pa ashry, eto sagot ni Kevin,

"Alam mo Ashley, ganyan ka naman talaga eh. Bakit ba hindi mo kayang maibigay saakin ang mga katiting na bagay na hinihingi ko sayo. Konting favor lang naman yun diba? Alam mo, minsan sobrang labo mo na talaga Ashley, bakit pagdating kay Andrea, di mo sinusunod mga favor na hinihingi ko sayo. Ganyan ka pala. Di na kita kilala Ash, Kala ko pa naman bestfriend kita. Pero hindi eh. Magkalimutan na tayo. Mas mabuting pang hindi na lang kita nakilala, anong klaseng bestfriend ka ba?"

At yun, pagkasabi niya nun, iyak ako ng iyak.

Muntik nanaman akong atakihin.

Buti nga nadial ko agad number ni Kuya at agad naman niya ako sinundo kanina,

Pinarest niya lang ako kanina dito sa bed, ngayon okay na ako.

Pero nakatatak pa rin sa utak ko yung sinabi niyang magkalimutan na kami.

Di na ako iiyak. kashit sobrang sakit.

Tsaka bawal ako ma istress, contest bukas, kelangan ko manalo.

Osya, good night na Ashry.

Nasaktan ako kanina.

Nasasaktan ako ngayon at siguradong

Masasaktan ako bukas.

Kelangan ko na din iprepare sarili ko kung gaano man kasakit yun eh.

Kaya good night na.

12:51 na oh?

Umaga na.

Love,

Darling Dude Ashley

Song for today: 12 : 51

Cause it's 12:51 and I thought my feelings were gone 

But I'm lying on my bed, thinking of you again

And the moon shines so bright, but I gotta dry these tears tonight 

Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on any longer 

My 28 1/2 days - Diary [edited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon