Bea's POV
I'm on my way to Ej's dorm na. But syempre sinuyo ko muna si jho. Ayokong magkaaway kami. Pero feeling ko di pa kami okay eh. Bahala na nga. I texted ej kasi malapit na ko.
Nakita kong lumabas si Ej at nakasunod naman sina Ria Meneses at Jessey de Leon. Pumasok si ej sa kotse ko at binuksan ang window. Andun nakaabang sina ria.
"Alagaan mo yang si ej ha!" - jessey. Tumango ako.
"Lam mo na mangyayari De Leon pag umuwi yan na umiiyak." - ria.
"Luh bakit ako?" - jessey.
"Gaga di ikaw! Si bea kasi! Si bea!" - ria
"Pwede naman kasi "bea" na lang! parehas kasi kaming de leon dito diba! Hustisya! " - jessey
"Eh mas nakakatakot pag last name tinawag eh HAHAHA!" - ria.
"Ewan ko sa inyong dalawa! HAHAHAHA" - Ej. Napailing na lang ako sa kakulitan nila.
"Hoy jeria! Aalis na po kami! Byee!" - Ej
"Ingat nak!" - ria at jessey. Kumaway na kami ni ej at umalis na.
Medyo traffic dahil ngayon ang oras ng uwian ng mga nagttrabaho. Nakarating na rin kami sa moa at pumili na ng restaurant."Mukhang nagkaaminan na ang jeria ah hahaha!" - ako. Mula noon kaclose ko na si ria at jessey dahil mga kaibigan din sila ni Ej.
"Ay nako kung hindi mo pa pipilitin si ria na umamin, walang mangyayari." - ej
"Mahirap kaya umamin!" - ako
"Nahirapan ka bang umamin sakin nuon?" - ej. Naramdaman ko naman na lahat ng dugo ko napunta sa ulo. Naiilang ako pero ayokong maging awkward tong dinner na to.
"Oo naman. Mahirap isugal friendship lalo na't walang kasiguraduhan kung mahal ka din ng minamahal mo" - casual kong sabi.
"Ay taray may kadramahan ka na pala sa buhay bea ah! HAHAHA" - ej. Binatuhan ko naman siya ng tissue.
"Ewan ko sayo! Kumain ka na lang HAHAHA" - ako. Buong dinner namin, light lang ang atmosphere. Minsan nag aasaran pero wala akong awkwardness na nafeel. Parang walang nangyari samin dalawa.
Jho's POV
"Walanghiyang beatriz na yun! Di muna ako sinuyo WAAAAHH!!" - ako
"Gaga! Sinuyo ka niya! Okay na nga kayo eh!" - ate ells
"Hindi mamshie! Syempre sinabi ko lang na okay lang sakin pero ang manhid niya! Di ba niya alam na galit pa rin ako?!" - ako
"Hoy jho! Ano ba pinuputok ng taba mo diyan ha?" - jia. Nagtawanan naman sila ni ate ella at nag apir pa.
"Eh yung de leon na yun, kasama na naman ex niya!" - ako
"Ex bestfriend lang kasi!" - jia
"Ex almost kasi..." - bulong ni ate ella. Pero kahit mahina lang yun, narinig pa rin namin ni jia.
"ANO ATE ELLS?!" - sabay namin sigaw ni jia.
"Ha? Eh wala mga baliw!" - ate ella. Yung itsura ni ate ella ngayon mukhang natatae na ewan WAHAHA! May tinatago to!
"Ate ella naman eh! Nasabi mo na! Walang bawian" - ako
"Yuck jhoana! Wag kang magpout di ka cute! Mukha kang bibe" - Ate ella. Hinampas ko naman siya
"Aba bastos ka ah!" - ate ella. Binelatan ko lang siya.
"Uy te ells, share naman ng mga chika diyan oh! San mo nasagap yang "ex almost" churvalu na yan?" - jia
"Si bea na lang tanungin niyo wag ako! Ililibre pa niya ko sa buffet hehehe!" - ate ella. Mukhang wala naman kaming mapipiga dito kay donya kasi may pagkain na katapat eh! Buffet pa ha.
"WAAAAH! Lagot sakin si beatriz mamaya! Babalatan ko yung napakagandang kutis niya gamit nail cutter tas iaalay ko kay Lord." - ako
"Ang brutal mo girl! HAHAHAHA" - jia
"INGGIT KA LANG KASI SIYA MAPUTI! IKAW MAITIM!" - ate ella
"INGGIT KA LANG RIN KASI AKO MATANGKAD! IKAW PANDAK!" - ako. Si jia naman tawang tawa habang vine-videohan kami.
"CUT!" - sigaw ni jia habang pumapalakpak. Parang baliw kami dito nagtatawanan. Sila yung masayang kasama pag may problema ka, kasi kahit papaano nawawala ito kahit panandalian lang. Bigla naman pumasok si beatriz sa kwarto.
"Oh you guys are here" - bea.
"Ay wala! Wala kami dito. Mga multo lang kami eh wooooooh!!!" - jia. Umirap naman si bea
"Tara na jia! Baka makaistorbo pa tayo diyan sa dalawa! HAHAHAHA" - ate ella. Nagbye na sila samin at umalis na sa kwarto.
"Oh kamusta date?" - ako
"Di yun date no" - bea
"Di mo pa sinasabi kung bakit ka biglang minessage ni ej para makipagkita." - ako. Sumeryoso naman mukha ni bea.
"She wants me back" - bea
"May chance pa ba?" - ako. Ngumiti lang siya ng matipid bilang sagot. Isang ngiti na nagpadurog sa puso ko. Di pa nagsimula, pero natapos na.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
SORRY ANG IKSI NG UPDATE!
VOTE!! COMMENT FOR ANY SUGGESTIONS!
BINABASA MO ANG
Bridge (on hold)
FanficJust your average jhobea fanfic! Enjoy The media/ Pics are not true! I just wanted to make the story look real tho hahaha please dont judge! Thanks!