Chapter 1:

28 1 0
                                    

Heavenn's POV:

Kailangan lakasan ko yung loob ko. Kayang kaya ko!! Hwaiting!!

"Kurt!!" sigaw ko dun sa lalakeng naglalakad sa may hallway.

Walang tao dito sa hallway kami lang dalawa.

Lumingon sya. Tumakbo ako papunta sa kinatatayuan nya.

"Anong kailangan mo??" sabi nya na parang bored.

"Ah! Ano may sasabihin lang sana a-ako." ano ba yun last word na nga lang nautal pa ako.

"Ano yun??" sabi nya.

"I...I...I just----" naputol ang sasabihin ko dahil sa dumating na impaktang bruha.

"Hey!! Kurt, what are you doing with this bitch??" tanong ni Thea kay Kurt na nakatingin sakin ng masama.

"Wala." bored na sabi ni Kurt.

Ouch ah!! Sakit ah!!

"Buti naman. At ikaw!!" duro sakin ni Thea.

" Bakit kinakausap mo ang boyfriend ko??" Thea.

"May sasabihin lang ako. Bakit?? Bawal ba??" mataray kong sagot.

"Aba't sumasagot ka pa---" di na nya naituloy ang sasabihin nya dahil kay Kurt.

"Thea tama na." sabi ni Kurt sabay hinawakan si Thea sa braso.

"Bakit ba?? Ikaw Heaven tigil-tigilan mo ang BOYFRIEND KO!! kundi malilintikan ka na talaga sakin!!" Thea habang pinandidilatan ako ng mata.

"As if I care." bored na sabi ko.

"Sumasagot ka na tala----" Thea.

"THEA ANO BA!! TUMIGIL KA NA NGA!!" si Kurt sabay kaladkad kay Thea.

Hindi na din nakapalag si Thea dahil sa sobrang gulat.

Pati ako nagulat din. Ngayon ko lang napansin na madami na palang tao sa hallway. Gulat na gulat din sila sa pagsigaw ni Kurt.

Hindi ganun si Kurt. Silent type sya, hindi sya marunong sumigaw, hindi din sya marunong magalit pero mas lalong hindi sya marunong ngumiti. Poker face lang sya lagi. No reaction, blanko lang.

Pero ngayon, sumigaw sya, nagalit sya. That's really not normal of him.

"Ven." hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Rie. Bestfriend ko.

"Oh! Andyan ka pala." sabi ko sakanya.

"Actually kanina pa ako nanonood. Ok ka lang ba?" sabi nya na may pag-aalala sa mukha.

"Oo naman. Ok lang ako. Tara na baka malate pa tayo sa klase naten eh." sabi ko at nagsimula nang maglakad.

Humabol naman sakin si Rie. Naglakad na lang sya ng tahimik at di na nagtanong pa.

Pagdating namin sa room wala pang teacher. Umupo na ako sa upuan ko sa may dulo.

Hayy. Nagalit pa tuloy si Kurt. Kainis kasi yung bruha na yun eh.

Oo nga pala. Ako si Heavenn Kat Mendoza, 15 years old, 3rd year high school. Nagaaral ako dito sa school na pagmamay-ari ng bestfriend ko.Si Rie, ang buo nyang pangalan ay Helerie Kate Chua. 15 years old na din sya, magkaklase kami. Mag-bestfriend na din kami since birth, mula pagkabata magkaklase na kami. HK Duo ang tawag samin dito sa school.

Pareho kasing HK ang pangalan namin. Mayaman kami pareho at alam kong may maibubuga din kami pagdating sa itsura. Hindi naman kasi kami panget eh.

At yung Kurt na tinawag ko kanina, sya yung crush ko simula pa nung 2nd year kami. Kabatch ko namin sya kaso hindi namin sya kaklase.

Nasa 1st section sya. Kami naman ni Rie nasa 2nd.

Gusto ko nga sana magpalipat sa 1st section kasi hindi naman ako bobo, matalino ako, top 1 nga ako eh. Ayaw lang ako palipatin ni Rie kasi mahahati daw yung atensyon ko sa kanya at kay Kurt. Selosa masyado tong bestfriend ko eh.

*RIIIING RIIIING*

"Ay! Palaka!!" nagulat ako dun ah!!

Tinignan ko yung relo ko. Breaktime na agad?? Ang bilis naman. Dalawang oras akong lutang ganun??

"Oh bakit parang gulat na gulat ka dyan??" sabi ni Rie.

"Wala wala. Tara na nagugutom na ako." sabi ko na lang at tumayo na.

Pumunta na kami ng canteen. Pumila agad kami konti pa kasi yung tao. Pag dumami na ang tao hahaba na ang pila at promisd aabutin ka ng isang oras bago maka-order.

Umorder lang ako ng carbonara at coke. Spaghetti naman kay Rie.

Naghanap na kami ng upuan. Napunta kami sa may dulo, two seats lang yun kaya dun na kami umupo.

"So kamusta naman?? Ok ka na ba?? Nakarecover ka na ba sa mga pangyayari kanina??" sunod sunod na tanong nya sakin.

"Hinay hinay lang sa pagtatanong mahina ang kalaban. At bakit naman ako hindi magiging Okey??" sabi ko.

"Wala." Aish!! Sa hinaba haba ng sinabi ko yun lang reply nya?? Seriously??

Bahala talaga sya dyan. Sinimulan ko na ang pagkain. Ayoko nang mgatagal pa dito. Ayokong magtagpo ang landas namin nila Kurt at Thea.

Sa kabutihan palad ee natapos naman agad ako.

Tinignan ko yung oras. May 30 minutes pa bago magtime.

"Tara na Rie. Balik na tayong room." sabi ko at tumayo na.

Nakatingin lang sya sakin.

"Hoy maaga pa para bumalik ng room. Bumalik ka mag-isa mo." sabi nya tumingin ulit dun sa tinititigan nya kanina pa.

Sinundan ko naman yung tingin nya.

AHA!!

Yung crush pala nya. Si Dev lang pala eh. Hahaha!! Si Dev Vilo Concepcion. Pang demonyo yung pangalan noh?? Kaya bagay sila eh. Si Helerie at si Dev Vilo. Hell at Devil. Juk!!

Gwapo din naman yang si Dev eh, playboy nga lang. Daming chix eh. Pero ok lang daw kay Rie sya din naman daw eh. Quits daw sila. Baliw talaga eh.

Nagsimula na akong maglakad. Nandito ako sa hallway, wala na namang tao. Ewan ko ba kung bakit ee break naman. Kakaiba talaga dito school na'to eh.

"Heavenn." kilala ko yung boses na yun. Kahit nakatalikod ako, alam kong sya yun.

Dahan dahan akong humarap at tumingin sa kanya.

"Kurt?"

To be continued...

I Love You So...(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon