Kakaiba?

1 0 0
                                    

Dumating na ang araw ng Exam namin.

Yes !! Matatapos na ang paulit ulit na pagtingin ko sa mga papers !! Sigaw ko sa isip ko.

"Ae??"tawag ni Ermaatx

"Nay??"tanong ko.

"Tumayo ka na dyan mag aalas syete na."

"Mamaya pa naman 8am yung exam eh."

Natutuwa ako kay Ermaatx kasi sya ang alarm clock ko kasi kahit may katabi akong alarm clock hindi ako nagigising PROMISE.Siguro ang hirap maging Nanay kasi ikaw gumagawa lahat.Proud ako sa ErmaAtx ko kasi bago sya pumasok sa trabaho nagawa na nya ang lahat nakahanda na ang damit namin na susuotin sa school at nakapag luto na sya ng almusal minsan nga nagulat ako nakapaglaba na sya nagtataka ako kung pano nya nagawa yun "may magic ba sya or super power gaya ni superman?"

Nag inat ako para tumayo at dumaretso na sa C.R.
Kaso nga lang si Kuya Azure daig pa ko maligo kala mo may Jakuzi sa banyo ang tagal nya sobra.

Kinalampag ko ang pinto.

"Huy tulog ka na ba dyan ang
tagal mo ehh !!" sigaw ko sa kanya.

"Saglit lang!"sigaw nya din.

Haaayy After 50 years natapos din sya.

"Bakla ka ba? Ang tagal mo.Hindi ka naman kakausapin ni Ate Milka kasi mukha kang Pitbull haha."sabi ko sa kanya pag kalabas nya at nagmadali naman akong  pumasok sa banyo.

"Gago!!! I-lock kita jan sa loob eh"sagot nya.

Pagkaligo ko kumain na ako at WOW !!!
CORNED BEEF. baka pag nagtake na ko ng exam  eh puro Moo na ang masagot ko.

Mayamaya lang ehh nakarating na kami sa school. Buti walang masyadong pumasok sa isip ko para lumutang ang utak ko sa paglalakad. Naenjoy ko ang paglalakad ko dahil magiging Back to Normal na ang routine ko. Makakausap ko na ang mga classmates ko YIKEE!!

Umupo na ko sa desk ko at hinihintay nalang  ang teacher namin.

"Good Morning Class!"

"Good Morning Mrs.Legaspi."sabay sabay namin sabi.

Kinuha na ni Ma'am ang mga papel at binahagi na samin.

"Get one and Pass."

Inabot sakin ni Louie ang papel habang nakangiti.

"Ohh."sabi nya

"Salamat." Sabi ko na may kasamang ngiti.

Kinuha ko ang bag ko para kuhain ang lapis ko.Hinanap ko ang pencil case ko pero naalala ko pinatong ko yun sa study table kagabi.

"Ay! Ano ba yan !! Sa dinami dami ng maiiwan ko yung lapis pa paano na ko makasagot nito.Bawal na lumabas patay ako nito." Sabi ko sabay patong ng kamay ko sa malapad kong noo.

"Bakit?"matamlay nyang tanong.

"Ayy Moo !!"nagulat ako sa kanya.

"Huh?"  Pagtataka nya.

"Wala akong lapis?" Napaisip ako kasi parang may iba sa kanya ngayon parang may iba. iba ang Aura nya ngayon.

"Ohh."pag abot nya sa akin ng kulay itim na lapis.

Wow sosyal ang lapis ahhh hindi MONGOL.

"Balik ko na lang mamaya ahh."

Tumango lang sya sakin.

May iba talaga sakanya sa 3 araw namin nagkasama sa room hindi naman sya ganun katamlay eh. PAGIISIP KO.

"OK  ka lang??" Tanong ko sabay hawak sa braso nya mainit  sya at maputla ang labi nya.

"Oo. Sige na magsagot ka na."sagot nya na para bang babagsak na ang katawan nya.

Kinabahan ako bigla baka may sakit ulit sya.Hinawakan ko ang noo nya at hindi nga ako nagkamali nilalagnat sya!
Tumayo ako at pumunta sa desk ni Ma'am.

"Ma'am excuse me po."

"Bakit Aemie anong problema?"

"Ahh ehh kasi po si Louie ang taas po ng lagnat nya pwede po ba dalhinn natin sya sa clinic?"

Tumayo si Ma'am at lumapit sa long desk namin ni Louie.

"Louie are you okay?"

"Yes m-maam."

Hala nauutal na sya kinakabahan talaga ako dito ahh.

Tatayo na sana si Louie para magexcuse kaso huli na ang lahat NAHIMATAY NA SYA.

Agad namang humingi ng tulong si Ma'am at  napaupo ako at niyugyog si Louie.

"Louie.Uy? Wag kang matutulog nako  dadalhin ka na namin sa Clinic."

NADALA na si Louie sa Clinic pero sabi ng Nurse mas maigi sa Hospital sya dalin kasi may sintomas sya ng Dengue.
Agad agad pinatawag ang magulang ni Louie para madala na sya sa Hospital.
Habang ako pabalik pabalik sa paglalakad dahil hindi talaga ako mapakali.

May narinig ako na pumasok.
"Ahh miss nasaan ni Louie?"tanong ng lalaki sa nurse.

"Ahh Sir kayo po ba ang Guardian?"

"Yes."

"Dalin nyo na po sya  hospital kasi po may sintomas po sya ng dengue.Hindi ko naman po pwede na dahil sya dun ng walang guardian na kasama but now your here we need to go to the hospital  Sir."
Mahabang paliwanang ng Nurse.

Habang ako ay napaupo na lang sa desk ko at pinagpatuloy ko ang pagsasagot sa exam. Napatingin ako sa gawi ng upuan ni Louie at nakita ko ang panyo nya na navy blue.Kinuha ko yun at nilagay sa bulsa ko.

"Ibibigay ko to kapag nakapasok na ulit sya."

Natapos ang exam ng 3:30pm grabe wala naman akong givawa pero parang drain na drain ang katawan ko. Hindi mawala sa isip ko si Louie.

"Kamusta na kaya sya?"
Sabi ko sa sarili habang naglalakad pauwi.

Nakarating ako sa bahay na parang pagod na pagod.

"Anong ulam?"tanong ko kay Ate Akiko. Hindi pwedeng si Ate Amber ang tanungin ko kasi pampaganda lang ang alam nya.

"Pakbet  at Fishda"

"Chalap wait lang magbihis lang ako.

"Nga pala may regalo dyan sa damitan mo binigay ni  Lola kanina"

"Anong regalo? Cellphone?"

"Hihi SECRET!! Tignan mo nalang ang ganda kaya."

Naexcite ako sa sinabi ni Ate Akiko.Agad akong pumasok sa kwarto at dali daling binuksan ang damitan ko.Nakalimutan ko nang i-On ang ilaw dahil sa tuwa.

"Waaaah!!!"Napasalampak ako sa sahig dahil sa nakita ko.Isang manikang kasing laki ng isang batang 3 years old na hiwahiwalay ang katawan at may bahid ng dugo sa mukha.

"Hahaha."Narinig ko ang tawanan nila Ate Amber,Ate Akiko at ang kakarating lang na si Kuya Azure.

Habang ako ay  nanlalamig ang kamay sa sobrang takot.Feeling ko nasa Horror movie ako ngayon.
Waaaah! Naiimagine ko ang manika na may hawak na kutsilyo at hinahabol ako naparang sya yung asawa ni Chucky.

Biglang nagbukas ang ilaw at nakita ko ang tatlo kong baliw na kapatid sa pinto at ang mga ngiti nila sa mukha eh daig pa ang kontrabida sa TV.

"Mga Baliw tss."Sabi ko sabay tayo at pumunta sa ref para uminom ng tubig dahil feeling ko mahihimatay ako kanina sa sobrang takot.Mahihirapan na naman ako makatulog nito mamaya haaay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You Complete MeWhere stories live. Discover now