C.R.U.S.H

9 0 0
                                        

Hay !!

Nagre-ready na ko para pumasok nagsuot na ko ng uniform ko white t-shirt na kentucky at paldang blue sa Public School ako nag-aaral(BAYAN LUMA I ELEMENTARY SCHOOL) dahil nagrereview kami sa exam na NSAT.Maaga nagluto si Ermaatx at ito pa may baon kaming kanin kasi hanggang hapon kami sa school.Grade 4 na ko at medyo patomboy tomboy pa ako.Pag regular days sa school pagpatak palang ng 3:30pm naglalabasan na kami merong grupo ng mga nerds,conyo,Bff's atbp.
Habang yung kauri ko na parang tomboy na si Chelle at ang dalawang bully na si Jacob At Vash Naglalaro ng Sipa na may Tingga.

Hindi ko napansin naubos ko na ang almusal ko sa kakaisip ko sa kanila.Tumayo na ko at nag toothbrush para makapasok na.Si kuya Azure naman ay nakabusangot na naman.

heto na naman kami...
(SABI NG UTAK KO)

"Bilisan mo -_- "sabi ni Kuya.

"Teka lang naman." sabi ko.

Naglalakad na kami papasok ni kuya.

"Tignan mo to parang walang kasama laging nauuna. KAPATID KO BA TALAGA TO?" Sa isip isip ko.

Nauuna sya sa akin ng mga 15 hakbang
OO bilang ko talaga.Parang hindi ko sya kapatid hindi nya ko kinakausap hindi tulad sa teleserye na yung magkakapatid nagyayakapan at nagkukulitan gusto ko maranasan yung ginugulo ang buhok ko pag makulit ako feeling ko LONER sya.

Simula Grade 1 ganyan na pakitungo nya sa amin nila ate Amber at ate Akiko.Tatlong taon lang naman tanda nya sakin pero kala mo 50 na at may menopause sya. Pag napunta ako sa room ni kuya para iabot ag baon nya ganun parin ang mukha umiirap pa pagnakuha na nya ang baon nya.

May naalala ako bigla nung Grade 1 ako

Break time na at nagpaalam ako kay Maam. Gutlay na ihahatid ko lang yung baon.

"Uy. Azure Kapatid mo ohh "
sabi ni ate Milka classmate ni kuya.
Nakita ko na ngumiti ng pagkalawak lawak si kuya. Nakasilip kasi ako sa bintana ng room nila mga 100 steps lang naman ang layo ng room nya sa room ko.

Aba sinapian ata at nakangiti.
Napangiti ako ng nakakaloko.

Nakita ko si Kuya na nandoon na sa pinto lumapit ako at biglang nag iba na naman ang mood nya sa pagiging pusa ng mukha nya kanina ng tinawag sya ni ate Milka. Tapos ngayon biglang mukha na syang PITBULL ?? Kinuha nya na sa akin ang baon nya sabay talikod walang man Pasalamat akong nakuha.

"Bakit ang sungit mo sa kapatid mo? Ang cute kaya nya."comment ni ate Milka.

Napangiti ako at ng Thumbs Up sa mga kaklase nya.

Pabalik na ko ng room at naisipan kong sa school ground na dumaan feel kong magdumi ngayon pero napangiti ako at naisip ako na CRUSH siguro ni Kuya si Ate Milka.

Habang naglalakad ako eh natapilok ako at nadapa ayun sugat ang tuhod ko buti nalang at walang masyadong tao kundi pinagtawanan na ko ng mga BULLY dito.
Papatayo na ko ng biglang may kumalabit sa akin.Pag anggat ko ng ulo ko ay nakita ko si Jacob yung bully kong classmate bigla akong nagulat kasi nakangiti sya at lumalabas ang dalawang dimple na maliit sa magkabilang gilidng labi nya.Napatayo ako at nagpagpag ng damit ko nung naayos ko na ay naisipan ko na hindi pa ko nakain kaya babalik na ko sa room namin.

Ano ba yan ayoko nga makita ng bully tapos ngayon si JACOB pa ?!sabi ng isip ko.

"HUY ..."sabi ni Jacob
napaangat ang ulo ko napangiti ako sakanya ng pilit.

"Bakit?"tanong ko.

"Ang lapad ng noo mo"sabi nya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.Bigla akong napatungo at hinawakan ang noo ko parang naiiyak ako sa sinabi nya kaya umalis agad ako sa harap nya.

Tsss sama ng ugali Crush ko pa naman sya sabay nguso ko pag upo ko sa desk ko.

Kinuha ko na ang baon ko at sinimula ng kumain pinuno ko ng pagkain ang bibig ko sa sobrang asar ko sa kanya.

****
"Hoy bilisan mo nga !!" Sabi ni Kuya.

Nagulat ako kasi nasa tawiran na kami ng school haist hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng school namin.Masyado na palang malayo ang naisip ko kanina simula kay Kuya kung kapatid nya ba talaga ako ay kay Jacob napunta.

Si Jacob ung CRUSH ko simula Grade 1 hanggang ngayong Grade 4. Wala naman nagbago sa kanya BULLY pa rin at lumevel up pa kasi may Vash na sya na kasama. Si Vash kung ano ang kina bully ni Jacob 3x ang kanya haist ano ba naman yan.

Narinig ko na pumito si Manong at nag sign na sya na tumawid na kami.Pagpasok namin ng gate eh dare daretso na ko sa room na naka asign samin dun kasi kami mag tetake ng exam sa room ng mga Grade 2 students.Magkakahalo ang Section ng Love at Peace. Pagkaupo ko napaisip naman ako kung sino ang katabi ko.

"sino kaya yun?"

Naalala ko bigla yung sinabi ng mga classmates ko kasi yung katabi ko absent tapos biglang nagtanong yung mga classmate ko tinatanong ako kung sino ang katabi ko sabi ko eh Louie tapos nakalimutan ko ang apilyido nya. Habang nilalagay ko ang gamit ko sa bag nakita ko sila na nagtatawanan at sinundot ako sa bewang ko.

flashback .....

"Uy ang swerte mo naman sya ang katabi mo?"

"Huh?"sabi ko.

"Kunwari ka pa Crush mo na sya no?"tanong ni Ica sakin.

"Paano ko magiging crush yun eh ABSENT nga 2 days na tsaka hindi ko sya kilala noh." sabi ko na nagtataka.

"Ahh ganun ba kala ko crush mo na ehh ang daming may crush dun noh"singit ng isa ko pang kaklase.

"Wapakels"sabi ko sabay walk out ko.
Papalayo nako ng bigla silang nag sigawan ng sabay sabay.

"Uy si Aimie Nagseselos!!!! Hahahaha"

"Fuck You Kayo !! 100x" sabi ko na galit na galit.

You Complete MeWhere stories live. Discover now