Kabanata Labing Walo

60.9K 852 344
                                    



Labing Walo

Nakarating ako sa resto 15 minutes earlier. Pero nagulat ako kasi pagdating ko andun na si Tamadao. Pagkatapos ko kasing magtext sa kanya, tumawag siya pero hindi ako sumagot. Hindi pa ako ready na makausap siya at gusto ko pag nagkausap kami, yung harapan. 

Pumunta ako sa table na inuupuan niya and he stood up upon seeing me at inihila ako ng upuan. Ang awkward ng atmosphere pero ano ba ang ineexpect ko? Na okay lang ang lahat when in fact nagdurugo pa rin ngayon ang puso ko?

 "Thank you for coming." Hindi ko aam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko. At ang lakas na magsalita  na hindi pumipiyok. 

"Yannie..." He attempted to hold my hand na nasa taas ng mesa pero inalis ko kaagad ang kamay ko. Oo natatakot ako. Natatakot ako na baka pag nahawakan na niya ako, makalimutan ko ang rason kung bakit ako andito.

"Mag order na tayo." Tumango na lang siya at we called the waiter. Tapos wala pa ding nag uusap habang naghihintay kami ng pagkain, hanggang sa makakain kami. I guess, both of us doesn't want to spoil the dinner. At least not yet. Kumain ang kami hanggang sa matapos pati ang dessert.

"Makikinig ako sa reasons mo." SIguro naman may rason siya kung bakit niya ginawa yun. Oo galit ako. Oo nasaktan ako. But everyone deserve to be heard. Everyone deserve to expain their side. At binibigyan ko siya ng chance ngayon and the fact na gusto kong malaman ang dahilan niya. And besides, hindi na kami bata. Hindi na kami bata na makikipagbreak na lang agad agad without hearing the side of the other party. We are mature individuals and we have to act our age. 

"I'm sorry." Yumuko siya at tiningnan ang dessert niya na halos hindi pa nangalahati. "I wouldn't make excuses for what I've done. I admit nagkasala ako. I was tempted. I wasn't strong enough to resist it. I'm sorry." Napangiti ako ng tipid. I know it was a bitter smile. At ang mahirap pa, mahirap pigilin ang luha. God, mas masakit pa pala na marinig mula sa kanya ang katotohanan. Mas masakit pa pala  na inamin niya sayo na niloko ka niya.

Pero siguro nga mas mabuti na inamin niya kesa gumawa pa siya ng mga kasinungalingan na alam kong hindi ko naman papaniwalaan. 

Nakatinginan kaming dalawa. His eyes are begging and mine are emotionless. Ngumiti ako sa kanya but a tear escaped my eyes. I immediately brushed it. 

"Alam mo ba na mahal na mahal kita? That i am willing to give up everything for you? Kahit ang sakit sakit na tinitiis ko. Kaya nga hindi ako nagdedemand ng kahit ano sayo because I'm scared that if I do that, I would drive you away. Kaya inaalagaan ko ang relasyon natin at nagbubulaglagan at nagbibingi-bingihan ako. Kasi hindi ko kayang mawala ka. I cherished you because this is the first time that I've felt this way towards a certain person." Tuloy tuloy na ang tulo ng luha ko. Mabuti na lang nagdala ako ng panyo.

KaSaMaAnBaTayo Tamadao Sia (Published under Viva PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon