Kabanata Dalawampu’t Siyam
Bago pa siya makarating sa bahay, inunahan ko na siya.
Sinira ko ang elevator para di siya makaakyat ng ligaw.
Joke!
Umalis ako ng condo unit ko para wala siyang maabutan sa condo ko. Kinakabahan kasi ako. First time niyang manligaw sa akin. Hindi naman kasi kami nagligawan dati di ba? Naglandian lang naman kami kaya naging kami. At kung nahulog ako ng todo sa kanya sa landian pa lang, paano pa kaya kung manliligaw pa siya?
Baka bigla akong magpropose! Wahahaha.
Kaya minabuti kong umalis muna. Pumunta ako sa kung saan saan hanggang sa mapagod ako. Hindi ko rin dinala ang cellphone ko.
Para akong may pinagtataguan. Palingon lingon pa ako habang naglalakad. Para akong fugitive. Nakakapraning. Pero kunsabagay, matagal naman na akong praning, hindi pa ba ako nasanay?
Hanggang sa gumabi na at hindi na nakayanan ng kagandahan ko kaya naghanap ako phone booth at tumawag sa guard ng condo ko. Tinanong ko kung andyan pa din ba ang lalaking naghihintay sa akin.
Ang sabi ng guard, wala naman daw naghihintay sa akin.
Wala?
Eh di ba sabi niya aakyat siya ng ligaw? Baket wala? Tinanong ko pa ulit ang guard ng dalawang beses pero wala daw talaga.
BINABASA MO ANG
KaSaMaAnBaTayo Tamadao Sia (Published under Viva PSICOM)
General FictionLove at first sight Dao pero bakit lumalayo siya sa akin? Yanyan laments. Kung ayaw niya di wag! Manghahalay na lang ako ng ibang papable! KaSaMaAnBaTayo Tamadao Sia. Kahit Saan Mang Anggulo Bagay Tayo Tamadao Sia.