Chapter 1 💚

15 2 1
                                    

Kat's POV

"Oy sis, napanood mo yung Laban kagabi ng Ginebra?" Tanong ni Angel sa akin.

Ginebra fan kasi kami. Solid Ginebra Fan. Hahaha

"Oo naman. Ako pa ba? " sagot ko sakanya.

"Ikaw na, Ateng!"natatawang sabi nya sa akin.

"Shhh.. Ms. Crisostomo" Ma'am Demi. Librarian dito sa school. Napalakas kasi yung boses nya.

"Sorry po,Ma'am" sabi ni Angel na naka-peace sign pa.

Pinagpatuloy na lang namin yung pagbabasa namin. Nagbabasa ako tungkol sa Earth. May gusto kasi akong matuklasang kakaiba dito sa mundo.Para 'pag may natuklasan ako

So by the way, I'm Kat. 15 years old. Grade 10 student here at Feliciano Salvador University.I love to read books.

*Kringgggggg*

Ayan na nag-bell na.Tumayo na ako at inayos yung mga gamit ko.

"Tara na!" Sabi ni Angel na binabalik yung librong hiniram namin sa lagayan nun.

Tinanguan ko na lang sya.

Sa Room ~~~

"Kat! Angel! "Sigaw ni Jennie sa amin. Si Jennie,kaibigan ko.

"Oy Hi Jennie! Si Micha?" Tanong ko.

"Hello Kat! Kinausap ni Sir Allan. Alam mo na may ipapagawa. "Sabi ni Jennie habang tinatali yung buhok nya.

Umupo na ako sa upuan ko. Hindi kami magkakatabi. Dapat lalaki,babae. Wala pa yung katabi ko. Si Ryan. Mabait yun kaso mahilig mang-asar. Speaking of Ryan dumating na sya .Kasunod nya si Micha.

"Guys, may ipapasulat si Sir Allan satin. Di sya makakapasok kasi may urgent meeting lahat ng mga teacher."sabi ni Ms. President. Si Micha.

"Jennie! Ikaw magsulat nito sa blackboard"sigaw ni Micha Kay Jennie.

"Eeee,ayoko.Tinatamad ako."sabi ni Jennie Kay Micha habang nakabusangot.

"Micha! Ako na lang"sabi ko habang naka-ngiti .

"Jennie ,Ikaw ang secretary dito.Wag ka ngang maarte.At ikaw naman Kat,manahimik ka jan. Kinaladkad ng manok yung sulat mo e."natatawang sigaw ni Micha sa akin.

"Ouch!Ang sakit nun!hahaha!"pang-aasar ni Ryan sa tabi ko.

Nagsisimula na naman syang mang-asar.

"Mas masakit to!"sabi ko sabay batok sakanya. Paepal talaga kahit kailan.

"Ang bad mo talaga,KitKat!"sabi nya habang naka-pout.

"Yuckzz! Di bagay sayo muka kang aso! Hahaha" sabi ko sakanya na tumatawa ng malakas.

"Ingay naman oh."

"Baka magkatuluyan kayo niyan"

"Dyan din nagsimula lolo't lola ko."

"Psh." Paepal tlga tong mga nasa harap namin. Lagi na lang kaming inaasar ni Ryan.

Nagsimula ng magsulat si Jennie sa blackboard. Nakakaantok naman. Nagulat ako ng may kumalabit sa akin. Tinignan ko kung sino si Patrick lang pala.

"Oy,Kat!Taray ng kangkong mo ah!Natalo yung Star."sabi ni Patrick.

"Weak kasi e."sabi ko habang umiiling.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon