Kat's POV
"What?!" Tanong ko Kay Ryan
"Gusto ko lang sabihin sayo na nahihirapan na ako." Nakakaawang sabi nya sa akin.
Ano kayang nangyari sa kanya? Bat nagdradrama to?
"Saan?"tanong ko.
Natahimik sya.Ilang segundo na din ang nakalipas di pa din sya sumasagot.
Maya-maya ay sumagot na din sya.
"Sa pagiging POGI KO"sabi nya habang napakalapad ng ngiti.
Ang yabang talaga ng Unggoy na to! Sasapakin ko na talaga to! Pigilan nyo ko!
"Alam mo napakayabang mo talaga!"sabi ko habang inaayos yung pagkakatali ng buhok ko.
"Hahahaha,di naman masyado."sabi nya.
So yabang talaga.Begwasan ko kaya 'to.
"Oy Kat, samahan mo ko sa canteen!" tanong ni Jennie. Parang kabute naman to.
"Lilibre mo ba ako?" Tanong ko sakanya.
"Sus. Yan ka na naman e. Papabili mo na Naman lahat ng pagkain sa Canteen e.Dali na samahan mo na ako"pangungulit ni Jennie sa akin.
"Ayoko. Tinatamad ako." Sabi ko at humikab
"Haysst.Oo na nga!" Sabi niya.Naysss namern.
"Sure? "Sabi ko habang naka-taas kanang kilay.
"Yahh"bored na sagot nya.
"Tara na nga! Baka magbago pa isip mo."Hinila ko na sya.Palabas na kami ng room nang sumigaw si Angel.
"Oy San kayo pupunta?!"sigaw ni Angel
"Sa pupuntahan." Pilosopong sagot ko.
"Sama ako!" Sabi nya habang naglalakad palapit samin.
"Bawal ASO dun." Pang-aasar ko sa kanya.
"Bakit? Muka ba akong aso?! "Inis na tanong nya sa amin.
Nagkatinginan kami ni Jennie at sabay sagot na "OO!". Tumawa kaming dalawa at inakbayan na lang si Angel.
"Tara na nga! Panget mo kaya pag nakabusangot ka!"sabi ko sakanya at tinarayan nya lang ako.
"Whatever."sabi nya.Arte kala mo naman ang ganda nya. Charot lang. Hahaha bisprind ko yan kaya mahal ko yan kahit may lahing ita yan. Hahaha Charot uli.
"Sama naman ako sainyo!"natatawang sabi ni Micha.
"Tara na! Baka dumami yung mga estudyante dun" sabi ko.
Naglalakad na kami papunta sa canteen.
~~~~~~~~~~~~~~
Jennie's POV
•Canteen
"Cheese Burger at Mountain Dew akin." Order ni Kat.
"Akin din!" Order din ni Angel
"Gaya-gaya ka talaga!D ka ba marunong mag-order ng iba?!" Sabi ni Kat. Halata namang nang aasar lang sya e. Sasagot na sana si Angel ng pigilan sya ni Micha.
"Hep! Baka mag-away na naman kayong dalawa. Ikaw Kat, mapang-asar ka talaga." Natatawang awat ni Micha kila Angel.
Nagpatuloy na lang sa pagce-cell phone si Kat. Si Angel naman may binabasang libro tungkol sa mga Animals.

BINABASA MO ANG
Unexpected Love
FanfictionHindi mo alam kung kelan darating ang taong para sayo. Walang nakakaalam. Paano kung tinamaan ka na pala ni Kupido ng di mo alam? Paano kung ang taong para sayo ay makilala mo sa hindi mo inaasahang pangyayari? At sa taong hindi mo din inaasahan...