Part Five

1 0 0
                                    

"Something came up today Clarisse, i'll see you some other time okay?" Na naman? It's been a week since naging busy na masyado si Kuya. Tinawagan ko si Princess para na rin may kasama ako dito sa condo ko. As soon as the phone rings, agad naman niyang sinagot. "Clarisse, i'm kinda busy today. So, call me some other time. Ok dear?" Pati ba naman siya busy rin? "Ok, sorry to disturb you." Agad naman itong inend call.

Hayyy! Everybody seems to be busy today. Si kuya, may trabaho. Si Princess naman may eskwela, she's taking up medicine. Kakaumpisa pa lang ng klasse nila and i think she needs to study. Ako? Well, tambay lang. I still don't want to work, i want to wander a bit.

*phone rings*

Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung sino yung tumatawag. It was an unknown caller. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba 'to o hindi. I don't know who's the caller. Pero wala naman sigurong mawawala kung sasagutin ko diba? So, yeah. I answered the call.

"Hello?"
[Hey, Clarisse. Si Sitty 'to.]
"Oh! What's the matter? Napatawag ka?"
[Eh kasi, si Lei.]
"Anong nangyari kay Lei?"
[Nawawala siya. Nawawala si Lei, Clarisse! Hindi namin sa mahanap! Wala na siya sa ospital.]

My eyes widened when she said that Lei went missing. Don't tell me, susunod siya kay Philip? Wag naman sana.

"Ok, I'll help to find her. Pero, may alam ka ba na pwede niyang puntahan?"
[Napuntahan na namin lahat ng pwede niyang puntahan pero wala siya dun. Pinuntahan rin namin yung sementeryo kung saan nakahimlay si Philip, but she's not there too.]

Saan naman kaya siya nagpunta? Think Clarisse! Think! Aha! Alam ko na kung saan.

"Alam ko na kung saan siya ngayon, Sitty."
[Saan?!]
"Dun sa lugar na dapat nilang pupuntahan ni Philip noon."
[Oo nga no? Sige, magkita na lang tayo dun.]
"Sige."

Then we both ended the call. Nagbihis ako agad, at agad na bumaba ng building. Pagka baba ko, nakasalubong ko yung BROTHER ni Sam. Haha, enemphasize ko talaga yung brother. Nakakainis kasi pakinggan eh. And as usual, nakapoker face siya. Iba ang kanyang aura.

Naghintay ako sa labas ng taxi pero mukhang, walang taxi na dumadaan. Ano ba yan, emergency na eh! Tiningnan ko ang relo ko, nako! I've been waiting for a taxi for about 20 minutes now. Ang tagal naman!

"Saan punta mo?" Nagulat ako dun sa nagsalita. Putek! Yung BROTHER lang pala ni Sam. Pero bakit brother lang 'to? Eh mas magkamukhang magkamukha sila ni Sam, diba dapat sila yung twins? Ay! Nakakalito na sila ah?! "Are you just gonna stare at me?" Nabalik naman agad yung diwa ko ng magsalita ulit siya. "Ano ulit yung sabi mo?"

"Bingi." Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa binulong niya na rinig na rinig ko naman. "Yah! Hindi ako bingi! Hindi ko lang narinig yung tanong mo sa akin!" Nakakainis! Shit! "Ok. Sabi mo eh." Aigoo! Naiinis na talaga ako sa lalakeng 'to! "Ewan ko sayo! Nakakainis." Hindi ko na siya pinansin pa. Nawala na rin siya pagkalipas ng ilang minuto.

Tiningnan ko ulit ang relo ko. Shit! Mag iisang oras na akong naghihintay ng taxi dito, pero wala namang dumadaan na taxi. Ano ba yan. Ilang minuto ay may isang sasakyan na huminto sa tapat ko. Sino naman 'to? Pagkababa ng bintana ng sasakyan, agad na bumungad ang mukha nung Brother ni Sam.

Tumingin siya sa akin with matching poker face. Hindi na ako nagulat pa, ganyan naman mukha niyan lagi eh. "Sakay." Walang gana niyang utos sa akin. Hindi maiproseso ng utak ko ang ginagawa niya ngayon. "Ano? Sasakay ka ba o kakaladkarin kita papasok ng kotse ko? Pumili ka." Sinamaan ko naman siya ng tingin at padabog na pumasok sa kotse niya.

"Saan punta mo?" Walang gana na naman niyang tanong sa akin. Anubayan! Nakakawalang gana naman 'to kasama. Sinabi ko sakanya ang pupuntahan ko.

Walang nag-iimikan sa amin buong biyahe. Nakakabingi ang paligid dahil sa katahimikan. Ilang oras din ay nakarating rin ako sa wakas. Tiningnan ko siya bago ako bumaba sa sasakyan niya. "Thank you." Pagkasabi ko nun, bumaba na ako. Pagkababa ko naman ay agad na siyang umalis.

"Clarisse!" Tawag ni Sitty sa akin. "Sitty!" Pagkasabi ko nun ay niyakap ko agad siya. Gosh! I missedd her so much. "Sino yung naghatid sayo dito?" Nagtataka niyang tanong sa akin. Nakataas pa ang kanyang isang kilay. "Ewan ko kung sino yun. Hinatid lang ako, naawa ata sa akin kanina." Sagot ko.

"Psh! Boypren mo yun no? Ikaw Clarisse ah? You're keeping secrets from us now ha? Gwapo ba yung boyfriend mo? Mas gwapo ba kay Kris? Hahaha!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ko nga siya kilala. Anubayan! Tara na nga! Hanapin na natin si Lei!" Naiinis ako kay Sitty! Pagkamalan ba naman na boyfriend ko yung BROTHER ni Sam?! Argh! Tumawa lang siya na nakasunod sa akin.

Shit!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Empty MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon