"Clarisse? >3< , bored na ako~!" Pagmamaktol ni Princess.
"Psh! Sino ba kasing nag-utos sayong pumunta dito sa condo ko?" I said and roll my eyes!
"Ay? Maldita mode tayo ate? Ay grabe siya oh~" sabi niya tapos tumawa. Tsk! Pag may nagtatanong diyan kung ka anu-ano ko 'tong babaeng 'to! Sorry pero hindi ko siya kilala. >3>
She just roll over my bed, wala talagang magawa sa buhay 'tong babaeng to. Sa kung sino man ang nakakakilala nito, please! Paki uwi naman ho!
"Clarisse! Gumala naman tayo~ Ang boring dito sa condo mo!" Ayan na naman siya!
"*sigh*, Oo na. May magagawa pa ba ako? Eh sa hindi ka naman titigal diyan hangga't hindi mo ako napa Oo." Sabi ko tapos kumuha ng desenting damit.
"Gaya niya? Hindi ka ba niya tinigilan, hangga't hindi mo siya sinabihan ng oo?" Sinamaan ko siya ng tingin. Siya naman patay malisya at tumatawa tawa pa. Haayyyy!
"Tigil-tigilan mo nga ako Princess, at baka kunin ko ang korona mo. Tapos gawin kang katulong ko." I joked.
"Ha-ha, alam mo Clarisse. Hindi ka na sana nagjoke, hindi benta eh. Sorry, R.I.P joke. Condolence Clarisse." Sabi niya at she patted my shoulder.
"Gaga!" Sabi ko sabay bato sakanya ng unan. Siya naman, tawa ng tawa.
---
"Eeiiiiihhhhhh!! Ang ganda netong movie nato! Parang love story ni bestfriend! Sawi sa pag-ibig! Whooohhh!" Napahilamos na lang ako sa palad ko! Shit!
'Whoi! May nanunood dito!'
May isang lalake na sumigaw.
"Nanunood o naglalandian?" Mataray na tanong ni Princess.
"Princess naman! Kailangan talaga ipagsigawan na sawi ako sa pag-ibig? Naman oh! Nakakahiya sa mga tao." Bulong ko sakanya.
"Ano?! 😱 nakakahiya sa tao?" Sigaw niya.
'Whoi! Pakihinaan ang boses!'
"Anong pake ko sa inyo?!" Napasubsob na lang ako sa upuan. Shit! Nakakahiya naman 'to oh.
Biglang tumayo si Princess at pinuntahan yung lalakeng sumisigaw na tumahimik siya.
"Oh~ if it isn't Jared Monteclaro." Mataray na sabi niya.
Wait? I think i've heard about that name before?
"Well, o well. Si Princess Montes." The guy smirked. I think, i know where i've heard about his name.
Siya lang pala yung crush ni Princess. Oo, crush niya yan. Pero inaaway niya dahil ayaw niyang malaman ni Jared na crush niya yun. Aba't eywan ko ba diyan sa babaetang yan, masyadong maraming sinasabi.
Bigla akong hinila ni Princess palabas. Tamo na? Hayyy!
Nang makalabas kami bigla niya akong niyakap ng pagkahigpit-higpit. Umiiyak na siya.
"Clarisse. *sobs*. Titigilan ko na 'tong nararamdaman ko sakanya. *sobs*" sabi niya habang humagolgol.
"Pang-ilang beses mo na ba yan sinabi sa akin Princess? 100? 300? Or 500 times?" I joked to make her laugh, but sad to say i failed.
"Grabe ka naman, pero seriously. I'll stop this damn feelings for him. Hindi niya naman ako magugustuhan eh, tsaka he only sees me as an enemy." Sabi niya.
Hinigpitan ko pa ang yakap. I don't want to see her like this. Hayyy! Kahit medyo may saltik 'to sa utak, mahal ko 'to eh.
"Ahm, Princess." Kumalas siya sa yakap at hinarap yung tumawag sa pangalan niya.
"Jared?" Hindi niya makapaniwalang tanong.
"Ahm. Ano, kasi. Ahm."
"Ano?" Mataray kong tanong, pero itinulak ako ni Princess. Aysus! Akala ko ba titigilan niya yang feelings niya? Hayyy! Lumalandi na si bestfriend. Tsk! Wala pa namang forever. I pity her.
"Pwede ba kitang yayaing lumabas ngayon?" Aysus! Ano naman susunod neto? Magboypren-girlpren? Tapos di magtatagal, maghihiwalay dahil sobrang babaero ni lalake? Psh! Di na benta yan.
"Sure! I mean, ok lang naman." Ay ang landi! So, ibig sabihin nito iiwanan nila ako mag-isa? Psh! Ganun naman kayo eh! Iiwan niyo lang ako.
"Great!" Sabi ni Jared.
"Nako bestfriend, mukhang date na ata to. Pano, maiiwan na muna kita! Bye!" Sabi niya tapos hinila na si Jared sa kawalan.
I guess, ako na nga lang mag-isa. Haayyy! Sana hindi na lang ako pumayag na gumala sa mall kung ganito rin lang naman ang mangyayari.
*boogsh!* ay! Medyo oa naman yung pagkabonggo na yun.
"Sorry!" Pagkatingin ko dun sa nabunggo ko. Si Sam lang pala, pero weird eh. Iba yung aura na nasasagap ko sakanya. Nakahoodie siya ulit. Tapos all black siya.
"Sam? Anong get-up natin ngayon?" Pero nabigla ako nang, medyo na freak out siya.
"Sorry, i'm not Sam." ................
..........
........
......
......What did he just say? He's not Sam? Oh shit!
BINABASA MO ANG
Empty Minds
Fiksi RemajaI can't find an explanation of what i am feeling right now. Either, i'll be happy or be sad with it. - Clarisse de Leon.