This is my first one-shot story. Sana magustuhan n’yo. :) Enjoy reading! God bless!
***
"Dear, I’m sorry but I’m breaking up with you." -Jace
Halos dalawampung minuto ko nang tinititigan ang maliit na papel kung saan nakasulat ang mga ito. At hanggang ngayon, ‘di ko pa rin magawang paniwalaan ang nilalaman nito.Ang sulat na ito ay mula sa taong pinakamamahal ko, ang taong minahal ko, at katuwang ko sa lungkot at saya sa loob ng halos apat na taon.
Bakit? May problema ba kami? May nagawa ba akong mali? Hindi ba sapat ang pagmamahal na binibigay ko sa kanya? Hindi na ba nya ako mahal? Bakit? Bakit? Bakit?
Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko, pero wala akong makuhang sagot. Masaya naman kami eh. At alam ko ring mahal n’ya ako katulad nang pagmamahal ko sa kanya. ‘Yun ang alam ko... pero anong ibig sabihin nito?
Bakit biglaan? Ang sakit! Hindi, sobrang sakit, parang dinudurog ang puso ko!
Gusto ko sanang paniwalaang biro ‘to, pero hindi eh. Hindi s’ya ang tipo ng taong magbibiro ng ganito sa akin.
"Francine! I’m home!" tawag ni Kim, ang bestfriend ko at kasama dito sa apartment. Malamang tapos na ang duty n’ya sa trabaho.
Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap s’ya. At noon, binuhos ko ang lahat ng sama ng loob na kanina pang nagpupumiglas mula sa kaloob-looban ko.
"Francine? Bakit ano’ng problema?"
"Kim..." Basag ang boses ko peropinilit kong magsalita nang maayos, gusto kong ilabas ang sakit na nararamdaman ko "Kim, si Jace...si Jace, nakipaghiwalay na sa akin!"
"What?" gulat na gulat na tanong n’ya. Oh, hindi ba? Kahit s’ya nagulat! Naramdaman kong mas hinigpitan n’ya ang pagkakayakap sa akin.
"Oo Kim, he just left me a note. A note! Grabe, what a way to end our relationship! Ang sakit sakit! Wala naman kaming pinag-awayan eh. Okay naman kami, wala rin akong naalalang ginawang masama. Pero bakit ganito? Bakit? Bakit?"
Iyak pa din ako ng iyak buong gabi, at paulit-ulit na nagtatanong kung ano ang dahilan nito at ano ang dapat gawin ko. Pinakinggan n’ya lang ako. Pinakinggan n’ya ako hanggang sa ‘di ko malayang nakatulog na pala ako.
Kinabukasan, gumising akong umaasang panaginip lang ang lahat tungkol sa break up namin.
Pero nagkamali ako, ramdam na ramdam ko pa rin ang namamaga kong mga mata at ang sakit sa dibdib ko. Nakita ko rin sa tabi ko ang iniwang note ni Jace.
BINABASA MO ANG
THE SWEETEST BREAK-UP (One-Shot Story)
General Fiction[EDITED] How could a heart wrenching break up turn into the sweetest break up I'll ever have?