Rule-Breaker

220 4 0
                                    

Introduction:

Ako si Chino, isang kilalang artista ng henerasyon ko. Galing sa isang angkan ng artista at mayroong iniingat-ingatang pangalan. Madalas akong puriin at kainggitan dahil akala nila perpekto ako, na nasa akin na ang lahat. Pero nagkakamali sila. Hindi ako perpekto at hindi ako MASAYA. Dahil naka-kadena ako sa isang mundo na ayaw ko at hindi ko makuha-kuha ang puso ni Alice. Mahal ko si Alice, Mahal niya si Chris, si Chris na Bestfriend ko kahit noon pa man.

Tahimik na sana ang buhay ko nang may biglang dumating na babae at baby na dahilan para gumulo ang lahat. Siya si Aria, ang babaeng dugyot na pinaaako sa akin ang isang bata na hindi ko naman ginawa. Isa siyang sakit ng ulo, gulo sa buhay-artista ko at taga-kalat sa condominium ko. I despise her, A LOT. Tatanga-tanga, Clumsy at naghihilik kapag natutulog. Madami akong ayaw sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit ako pumirma sa isang kasunduan na kasama siya.

Pero habang tumatagal ..

At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ...

Hindi ko alam kung bakit Masaya siyang kasama

kahit Palpak naman siya sa pagbibiro.

Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang protektahan

... kahit Masama naman siyang makitungo sa akin.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit sa kanya

... kahit minsan bayolente siya. Kahit minsan, pahamak siya.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya pwedeng magustuhan

... ngayong dahan-dahan ko na siyang nakikilala.

Hindi ko alam kung bakit pumirma ako sa lintek na kasunduan na iyon

... ngayong BINAGO na niya ang buhay ko.. at dahan-dahang may nagbabago

Ako si Chino. I love games. I rule them. And I hate breaking rules.

But this game we pursue is a game that I cannot rule.

 Would a non-rule breaker like me break the rule for “love”?

Or just play safe and win this game called love?

                        

Property of:

Oneiric_Pulchritude

Note: Please Follow the said account and this one: Timang_Ibarra (New account) for your updates' convenience. Thanks!

Rule-breakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon