Chapter 4: Crossed Roads

62 2 0
  • Dedicated kay Trixha Carlos
                                    

I dedicate this chapter for "Trixha Carlos" who had been so nice at me. She's our CL (2NE1) here in the Philippines. She's just as awesome as CL. They're like twins when you stare at 'em.

.. and to the one who always inspires me to write,

I dedicate this to you too. You're the reason behind all these.

"I'm not after fame, my purpose of writing is to inspire people. Atleast one..  Because writing is really my passion. It's my weed" - Oneiric Pulchritude

(sagot ko po yan sa nagtanong dun sa acct. ko. Thank you!)

Chapter 4: Crossed Roads

Nasa harap kami ngayon ng Bar XXXX. Halos kaladkarin na nila ako dito dahil ayoko talaga sa idea na patulan kung anumang gimik ito.

At dahil apat laban sa isa, panalo ang isa. Itlog, syempre hindi. Panalo sila.

Kahit kinailangan pa nilang magsinungaling kila tito na may pupuntahan lang kami sa may kanto. Nung una gusto pa kaming ipahatid sa driver nila tito and that’s a “No-No” baby. Kaya nagcommute lang kami papunta rito. Mag-ieight pm na rin kaya kailangang makabalik na kami sa bahay nila Trish dahil ang paalam namin ay saglit lang kaming mawawala at yeah, sa kanto lang.

Sa lahat ata ng magulang sa barkada namin, ang mga magulang na ata ni Trish ang pinakamabait. Oo, istrikto pero hindi nakakaasar. Kaya nakakapagtaka na lang na mayroong black sheep sa pamilya nila at yun ay si Zack. Speaking of Zack, pareho kaming galing sa ospital pero ang bilis din gumala. Party guy siguro yun. Hindi namin siya nakasabay magdinner kasi wala at kung nasaan mang galaan daw sabi nila.

Nakikipag-tug of war pa ako sa mga kaibigan ko sa pagpasok sa loob. Hindi kami naka-uniform kaya nauto namin yung mga guards na hindi na kami minor.

Nung nakapasok na kami para kaming mga alien na hindi alam kung saan ilalagay ang sarili.

Para kaming mga kambal na hindi mapaghiwalay sa isa’t-isa. Parang may gera, joined forces parang ganun. XD

And Err.. I don’t like the atmosphere.

Drinks.

Clingy people.

Loud music.

Ah basta ayoko talaga.

Kaya nga kahit 18 na ako, first na pag-apak ko pa lang sa isang bar ngayon.

May mga lumapit sa amin. Isang dude na naka-pang action star jacket ang lumapit kay Zia. Good-looking naman ito pero halata mo sa intimidating aura niya na playboy at mayabang siya.

Hindi naman siya pinansin ni Zia. Aba, reyna ata yan ng katarayan.

Yung isa naman parang hindi naman kasama noong lumapit kay Zia. Parang type niya si Cynthia kasi halos idikit niya na ang buong katawan niya dito. Amoy na amoy ko nga na nakainom siya. Amoy-alak. Pero nagulat na lang ako noong biglang sumolpot sa gitna namin si FELIPE. Bigla niyang inilayo si Cynthia kay BATMANYAK. Naka-Tshirt kasing may print na BATMAN yung guy at whoa, itsurang mayaman din ha.

Rule-breakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon