Chapter 2: The Consequence

44 1 0
                                    

Chapter 2: The Consequence

Thursday ngayon. Nandito ako at ang mga kaibigan ko sa secret garden na tambayan namin. Kami lang kasi ang lagi nandito tumatambay which means kami lang siguro ang nakakaalam ng tagong lugar na ito. Malimit din itong daanan kasi nasa likod ng parte ng Acad ang garden na ito.

Madalas kaming mag-picnic at magbasa ng mga romantic pocket books o di kaya’y manga o comics na laging dala ni Roch.

Malayo ang lugar na ito sa ingay at mga papansing tao. Mahangin at maaliwalas ang paligid kaya magdadalawang taon na namin itong ginagawang tambayan. Nalimutan ko palang ichismis sa inyo na sophomore college student na ako. At mag-iisang taon na kami ni Chabs sa darating na taon XD Haaay. Magsi-six months pa lang kami. Ang tatag noh? Mag-agree ka. Dahil kung hindi kami matatag, matagal na kaming natibag. Sa sobrang landi ba naman ng mga babae dito at sa sobrang pag-iinggit nila sa pwet kong maganda, eh hindi ba kami matibag? Sorry na lang sa kanila. Dahil naka-glue na ang puso ni GD sa puso ko! HAHAHA. Okay Corny.

Nakahiga kami sa damuhan at nakatingala sa langit. Sheets. Ang ganda ni Cloud-9.

Buti na lang nagdala kami ng maraming pagkain. Hindi kami magugutom. Ang problema nga lang..

“Hoy” napalingon ako sa katabi kong si Zia “Bili ka nga ng tubig” ayuuun.. wala nga lang pantulak.

“Tse! Lumunok ka na lang ng laway” I said while rolling my eyes. Sa lahat ba naman kasing uutusan, yung tamad pa.

“Dali na. Pakipot masyado. Akin naman ang perang pambili eh” Kahit na. “Tsk! Kaya ka nalang tumataba eh. Tama talaga si GD, Chabs ka niya. Chubby!” sabi nya tapos tumawa.

Aba binatukan ko nga. Tumigil siya sa kakatawa. Babatukan ko uli siya nang biglang tumayo at tumakbo papalayo. Pinandilaan niya naman ako at tumatawang naglakad papaalis.

“Pake ko” yun na lang ang nasabi ko pero ang totoo, may pake ako. Waaah! Tumataba na ba talaga ako? Hindi na ako pang patpatin na modeeeeeel??? Oh Nooooo! T___T

Kinapa ko ang tiyan ko. Okay lang naman ah. Walang bilbil. Siguro konting fats lang. Tse! Okay na ‘to kesa bata ang laman neeetooo :P

“Wui naconscious” anak ng butiki ka Zia. Akala ko ba umalis na ito.

Tiningnan ko siya nang masama.

Tumawa lang ang loka.

Matapos naming pagsawaan si Sky (yung ulap & the such okay. Hindi yung Sky Oreo na Cousin ko na Crush din nitong si Zia), nagkwentuhan na lang kami. Nung una hindi pa ako nakikinig. Puro tungkol lang kasi yan sa mga bias nila. Maki-Kpop ang tropa ko. Kaya nahawa na rin ako sa kanila. Pero kahit pag-usapan naman nila ang idol ko eh mas nauna na ako sa updates eh. Ako pa! Kahit Schedule ng pagpapalit-brief niya, alam ko. Waaaaah biro lang XD

Pero something had caught my attention. Kaya nahulog si hawak-hawak kong dearest cellphone.

“… dinala daw sa clinic dahil nasuntok at nasipa sa ibabang part.. alam mo na.. tapos ayun, nagreklamo sa head ng Acad natin” pagsasalaysay ni Cynthia, ang pinaka studious at updated lagi sa mga bagay-bagay. And upon hearing that putol na balita, para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

“Talaga? Eh diba.. mayaman yun? Sigurado lagot kung sinuman ang may gawa nun” napakagat na lang ako ng labi pagkasabi nun ni Trisha.

Rule-breakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon