Simula.
Our love story is not so typical love story na nababasa niyo sa libro o napapanuod niyo sa television.
Ang love story namin ay hindi nag-simula sa school. Hindi ito yung tipo na may makaka-bunggo kang gwapo at mapapaupo sa sahig dahil sa lakas ng impact ng tama mo sa kanya. Tapos mapapa-tingin ka sa mukha niya na para bang slow motion ang lahat. At tanging siya lang ang nakikita mong malinaw dahil blurred ang paligid mo. Yung tipong may mga kumakantang anghel at kumikinang siya sa paningin mo...
Nah. Hindi nangyayari yan sa totoong buhay. Dahil kung ako yung nabangga mo, eh, malamang sa malamang ay agad akong tatayo. Hindi ko uunahin ang slow motion moments kung alam ko naman na napapahiya na 'ko. For sure naman kasi na maaagaw ang atensyon ng lahat kung may bigla-bigla nalang mapapaupo sa sahig at biglang matutulala. Oh well, ang daldal ko.
Hindi din nag simula ang love story namin sa love at first sight. Yung tipong nagka-dikit ang balat niyo sa mall at may mamumuong sparks. Ito yung tipo na bibilis ang tibok ng puso mo na para bang naging kabayo na dahil sa bilis ng tibok nito. Yung biglang mapapatingin ka sa mga mata nya at magkakaron ng butterflies sa tiyan mo. Sabay bigla kang mapapaiwas ng tingin at magb-blush...
Hindi rin nag-simula ang love story namin sa Arrange Marriage. Yung tipong ipapakasal ka ng mga magulang mo sa mayamang lalaki para maisalba yung kompanya niyong nalulugi na. Tapos kinalunan magkaka-inlove-an na kayo ng ka-arrange marriage mo...
For goodness sake! Masyado ng common ang lahat ng 'yan. Eh, parang sa wattpad lang naman nangyayari ang ganyan.
Eto para maiba naman.
Our love story is not just a simple love story.
Ang love story na hindi ka sigurado kung 100% honest at loyal ba sa'yo ang ka-partner mo.
Ang love story na hindi ka sigurado kung magtatagal ba.
Ang love story na walang kasiguraduhan kung talaga bang mayroon.
Dahil ang love story namin ay nabuo sa RP World... ang mundong puno ng...
kasinungalingan.
–
"Uy, Maddi! Gawa ka na ng roleplay account! Tapos rp tayooo!" sabi ng kaibigan ko habang inaalog-alog pa yung balikat ko na parang baliw. Ganyan siya kapag sobrang excited. Nawawala sa pag-iisip.
Hays. Bakit ba ako nagkaroon ng kaibigan na ganito? Masyadong over-acting. Eh ang astig astig ko kaya tapos magkakaroon ako ng kaibigan na parang baliw. Hello? Paano nangyari 'yun?
"Tigilan mo ko jan sa pagr-rp rp mo ha! Ano bang makukuha ko jan? Yayaman ba ko? Makikita ko ba si Baekhyun dahil jan?! May makukuha ba akong pera pangbili ng ticket sa concert? ANO? Sabihin mo?!" sunod sunod kong tanong. Siguro kung bala lang ang mga tanong ko ay dead on arrival na 'tong kaibigan ko. Hahahaha. Tinadtad ko ba naman ng tanong eh.
Pero seryoso. Lagi niya saking sinasabi na mag-roleplay daw ako. Eh, wala naman akong mapapala jan. Dadagdag lang ako sa populasyon ng gumagamit ng fb eh. Ayoko nga.
"H-hindi. Pero kasi baka makahanap ka ng boylet hihih. Dami pa naman boys at boys wanna be sa roleplay world." Aniya
Oh, kitams? Lumabas din ang dahilan kung bakit gumawa ng roleplay account 'tong babae 'to! Talong hunter ang lola niyo! Tsk. Naisip ko, sa roleplay world, hindi mo malalaman kung totoo bang babae o lalaki yung nakakasalamuha mo kasi hindi naman nila gamit yung sarili nilang mukha.