Part 1

3 0 0
                                    

"Lisa!" Aba naririnig ko na naman ang maganda kong pangalan. Naglalakad ako sa hallway ng school namin. Dirediretso lang ako. Hayaan mo yang tumatawag sakin.

"Hoy! Lisa ano ba! Antayin mo ako!". Tumigil ako sa paglalakad at tinignan ko si Jisoo eonni habang tumatakbo.

"Eonni!". Ng makalapit siya sakin, hinampas niya nko ng librong dala niya.

"Aray! Eonni masakit". At buti naman tumigil na siya sa kakapalo.

"Mas masakit paa ko sa kakatakbo, ang taas kaya ng heels ko".sabi niya tapos nag pout pa, ang ganda talaga ng Eonni ko. Kinurot ko siya sa cheeks yung madiin.

"Di ko sinabing magheels ka, nasa school ka lang kase kung makapag heels ka akala mo rarampa ka".at naglakad na kaming dalawa papasok sa room namin. Asan na kaya si Jennie?

"Lisa, nasaan nga pala si Jennie?". Kakatanong ko nga lang din sa sarili ko e.

"Ewan ko, baka nauna na sa room, nagmemake up". Queen bee kase si Jennie, oo Queen bee siya, Pero ewan ko don maganda naman siya kahit walang make up e. Nasa tapat na kami ng pinto ng room namin ni Eonni Jisoo. Magkaklase kaming tatlo. Mula pag kabata kaming tatlo na magkasama.

"Pre ang ganda nung transferee, tignan mo". Transferree? Sino? Pumasok na kaming dalawa, at nakita namin si Jennie na nakatulala. Umupo kame sa tabi niya. Magkakatabi kami bandang likod na ang pwesto namin. Malapit si Jennie sa bintana tapos ako at kasunod naman si Jisoo Eonni.

Patuloy pa rin yung bulungan ng mga kaklase naming lalaki.

"Jendeuk sino yung transferee?". Tanong ko kay Jennie.

"I dont know, dont ask me, dont you see Im busy?".

"Sungit!". Sabi ko sa kanya. busy niya mukha niya. E nakatulala lang naman siya.

Tatayo na sana ako kaso nakita ko yung prof namin papasok na.

Blah blah blah.

"Let's meet your new classmate, Ms. Chaeyoung please stand up". At tumayo na yung sinasabi ng prof namin. Aba ang ganda nga. Mukhang anghel.

"Annyeonghaseyo yeorobeun Jeo neun Park Chaeyoung imnida, Bangawoyo. Kamsahamnida". Umupo siya agad. Parang mahiyain siya. Di parang mahiyain talaga.

Ang boring ng discussion. Gusto ko ng kumain. Huhuhuhu.

Maya maya ay nagdismiss na ang prof namin Kaya. Kainan na! Hinila ko na yung dalawa palabas ng room, pero napahinto ako sa tapat ni Miss. Transferee. Ang ganda niya sa malapitan. Mukha siyang anghel.

"Miss wala kang kasama kumain? Tara sumama ka na samin". Aya ko sa kanya. Tumingala siya mula sa pagyuko.

"Hey Lisa, dont talk to stranger". Sabi ni Jennie na nakasandal sa wall sa gilid ng pinto.

"Di siya stranger Jendeuk! Siya si Chaeyoung!". Sabi ni Jisoo eonni.

"Ah. Okay lang ba?". Hala yung boses niya ang ganda rin.

"Oo naman. Halika na!". Hinila ko siya palabas ng classroom. At nagtungo na kami sa school cafeteria.

Naghanap kame ng table at sakto. May nahanap na kame.

"Maupo na kayo dyan. Ako na bibili ng pagkain natin. My treat, anong gusto niyo?". Mabait ako ngayon, kase hahaha may bago akong kaibigan.

"Chicken sakin". Sabi ni Jisoo eonni. Ang hilig niya talaga sa chicken.

"Fruit salad and wheat bread. Since Im on my diet". Itong Jennie na to ang payat na nga diet pa ng diet.

"Ikaw new friend?". Tumingin siya sakin. na parang nagulat sa sinabi ko.

"Ah. Kung ano sayo yun na din sakin". Kakainin ko? Hmm. Bahala na nga.

Pansin ko kay new friend pag di siya kinakausap nakayuko lang siya.

Habang umoorder ako ng pagkain. May narinig akong ingay mula sa entrance ng cafeteria. Psh. Yung iKON, makukulit talaga sila pero kaclose naman namin. Binilang ko sila, may bago silang member? Kulang kase sila ng isa dati, kaya di sila magkapag debut.

Naibigay na sakin lahat ng order at binayaran ko na. Ang dami nito paano ko to mabubuhat? Nagulat na lang ako ng may kumuha ng ibang tray.

"Let me help you with this". Nagulat ako. Si Chanwoo pala.

"Kamsahamnida". Habang papalapit kame sa table namin. Napansin kong nakatingin samin si new friend at parang malungkot. Siguro gutom na to. Nilapag na lahat ni Chanwoo yung dala niyang tray sa table namin.

"Salamat ulit chanumon!". Sabi ko. Wala lang I love giving nicknames.

"Basta ikaw". Sabi niya at pumunta na siya sa table nila.

Inabot ko na sa kanila yung pagkain nila. Yung pagkain naming dalawa ni new friend ay. Spaghetti, one slice of cake,buger, at salad.

"Gomawoyo, Lisa ssi". Tinitigan lang niya ang pagkain niya. Tapos titignan niya kami kumain. Patapos na kame siya magsisimula pa lang.

At nagulat kame sa ginawa niya sa pagkain niya.

--

The PromiseWhere stories live. Discover now