YG ent built their own school, The YG Academy wherein the trainees, trained and to learn their new skill and enhance their talents.
YG Academy has two Major Courses The Acting and the Dancing and singing.
Two sections lang din bawat major. Nasa Section 1 ang iKON samantalang ang BLACKPINK ay nasa section 2 ng Dancing and Singing.
--Sa dorm hiwalay ang lalaki sa babae.
--
Umiiyak si Chaeyoung dahil sa nangyari.
"Stop crying". Pag aalo ni Junhoe sa Noona niya.
"E malay ko ba na di pala ganon ang pagkain don, wala namang instructions!". Napasapo sa noo si Junhoe sa sagot ng Noona niya.
"Halika, tuturuan kita bago ako Pumunta sa dorm". Dinala ni Junhoe sa Kitchen ang Noona niya. Dalawa lang silang nakatira sa mala palasyong bahay nila. May iilang maid pero di nila kinakausap.
Nagluto si Junhoe ng makakain nila. Sinimulan niya na mag table setting.
"Saan mo natutunan to?". Tanong ni Chae sa kapatid niya.
"Nanood lang ako sa Youtube. You should try that one". Sabi ni Junhoe.
"Pwede ko naman gamitin ang powers ko bakit ko pa kailangan manood". Nakanguso niyang sagot sa kapatid niya.
"Wag ka na ngang makulit, di mo pwedeng ipakita yan sa tao".
"Oo na".
Sinimulan na ni Junhoe ang pagtuturo sa Noona niya.
Ilang oras na ang lumipas..
"Ganito nga sabi yung paghawak! Ang kulit mo e. Aabutin ka ng bukas dyan sa pag hiwa lang ng steak!".
"Tama naman paghawak ko ha! Bakit ayaw!". Naisip ni Chae na gamitin ang powers niya para kusang gumalaw ang mga ginagamit niya. Pero agad itong pinutol ng kapatid niya.
"Ang kulit mo! Bahala ka na nga dyan. Manood ka na lang sa Youtube aalis na ako". Aba ang sungit. Teka paano ba gamitin tong gadget na to? Cell phone daw to. Paano ba buksan to. Kainis. Ang hirap maging tao.
--
Pabalik na si Junhoe ng dorm. Sumakit ang ulo niya sa Noona niya. Ang kulit, ni wala man lang natutunan halos apat na oras na silang nagsisigawan.
Pagbukas niya ng pinto ng dorm, nakita niya ang kagrupo niyang nagkakatuwaan.
"June, sali ka. Truth or dare". Pag aaya sakin ni Jinan Hyung.
"Oo nga, halika para mas makilala ka namin". Sabi ni Yunyheong.
"Ah sige. Paano ba laruin yan?". Parang lahat sila nagulat sa sinabi ko. Totoo naman paano ba laruin yan?
"A-ah. Ganito papaikutin lang yung bote, pag tumutok sayo yung pwet ng bote ikaw ang gagawa ng iuutos or ikaw ang sasagot ng tanong, at kung sino naman ang natapatan ng nguso nitong bote siya ang mag uutos or magtatanong sayo". Pagpapaliwanag ni Hanbin Hyung. Gets ko na. Ang daming alam ng tao. E sa pinang galingan ko iba.
Nag simula na yung laro. Mukhang masaya nga Itong laro na to. May nalalaman ako tungkol sa kanila. At ganon din sila sakin, pero di ko sinabi kung ano talaga ako, hindi nila pwedeng malaman, hindi pa ngayon.
Tumapat sakin yung pwet ng bote. At ang nguso naman nito ay kay Chanwoo.
"Truth or dare?". Seryoso yung tingin niya sakin.
"Truth". Sabi ko. Ano naman kayang itatanong nito?
"Paano mo nakilala si Lisa? E di ka naman daw niya kilala, are you stalking her?". Nagulat ako sa tanong niya. Lord, pasensya na madadagdagan ang kasalanan ko.
"Nakita ko sa a-ano sa ID niya. Oo tama kaya nalaman ko". Seryoso pa rin ang tingin niya sakin. Lahat sila.
"Ahh oo nga naman. Bobo mo talaga Chanwoo. Hahahaha". Sabi ni Donghyuk. At lahat sila nagtawanan. Hahahaha nagulat ako. Whoooo. Lord sorry po!
"Okay tama na to. Maaga pa tayo bukas, at magrerecord para sa debut natin". Sabi ni Hanbin hyung. Siya ang leader namin. At nagsitulog na kami. Mahaba habang araw to bukas.
--
Time Check.
3:14 am
Ano?!!! Madaling araw na, di ko pa rin nabubuksan tong cell phone na to?!! Chae naman. Bakit ganito ba tong teknolohiya ng tao. Ang komplikado. Ang sakit na ng ulo ko. Bukas na nga to. Matutulog na ako. Ang hirap talaga. Huhuhuhuhu. Help meh. Ayaw bumukas, bakit ganon? Sa mga tao sa school, ang bilis nilang mabuksan to? Bakit sakin ayaw?
"Whaaaaaaaa!!!". Sigaw ko. Wala lang nakakainis kase e.
"Chaeyoung! Chaeyoung!". May tumatawag sakin. Sino yon. Ako lang naman magisa dito sa kwarto ah. Nagulat na lang ako ng magliwanag yung bintana at nakita ko Jae hee. Isa sa mga kaibigan ko sa pinanggalingan ko.
"Jae heeeeeee! Whaaa. Namiss kita, anong ginagawa mo dito? Nagkasala ka rin ba?". Tanong ko sa kanya at sumandal lang siya sa pader katabi ng bintana.
"Baliw, wala akong sala, andito ako para paalalahanan ka. Kayong magkapatid, nagsisimula na ang oras ng inyong misyon. Tandaan mo, pag hindi niyo nagawa ang misyon ay di na kayo makakabalik, at magiging ordinaryong tao na lang kayo". Akala ko pa naman may makakasama na ako. Wala pala. Ay teka itatanong ko sa kanya kung paano ba gumamit nitong cell phone.
"Ay. Jae hee bago ka umalis, marunong ka ba gumamit ng cell phone? Paturo naman. Ayaw kase bumukas nito kanina pa". ibinigay ko sa kanya ang cell phone, pero inabot niya sakin ulit.
"Ano ba yan? Mukhang bato ang tigas". Akala ko alam niya. Hindi pala. Anubato.
"Cell phone yan. Isa sa mga popular gadget dito sa lupa. Di yan bato, parang metal ata to". Sabay nilang hinahawakan yung cell phone ng bigla itong tumunog at umilaw. Nagulat silang dalawa at naibato nila ito.
"Bakit umilaw at tumunog yon? Di ba nasapian ng masamang ispititu yon?". Tanong sakin ni Jae hee na kasalukuyang nagtatago sa likod ko. Parehas kaming natatakot.
"Baka sumabog yan! Mamatay pa tayo!". Sabi ko sa kanya. Nagtutulakan na kaming dalawa.
"Di ako mamamatay, ikaw lang! Ikaw ang may katawang tao e, ako spirit hologram lang". Aba kainis to, ipamukha daw ba sakin na di na ako kagaya nila, although ganon pa rin ako, kaso di na gaya nila.
Patuloy pa rin ang pagtunog ng cell phone.
Lord ano ba to?
"Makauwi na nga, bahala ka dyan Chae Chae!".
"Teka la--". Wala na, nagdisappear na siya. Kainis na Jae hee to, lagot ka sakin pag nakita kita ulit.
Tumutunog pa rin yung cell phone. Paano ba to.
Ginamit ko yung powers ko, pinalutang ko ito at hinulog sa bintana. Ayan. Tapos na problema ko. Hahahaha kawawang metal, pero di naman ata masasaktan yon no?
--